KEIRA CERVANTES POV HABANG NAKAKULONG sa mga bisig ni Michael, unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. At least ngayon, narinig ko na ang dahilan kung bakit bigla siyang umiwas. Nagseselos pala siya. Lihim akong napangiti dahil sa pag-amin niyang 'yon. At aaminin ko na malaking bagay para sa akin ang ginawa niyang pag-amin. Masaya akong malaman mula sa kaniya na nagseselos siya. Ibig lang sabihin niyon, ayaw niya akong mapalapit sa iba. Wala kang ideya kung paano ako kainin ng selos sa tuwing madadatnan ko kayong magkayakap dito sa kama mo. Selos na selos ako, Kei. Gusto kitang hilahin palayo sa kaniya, pero hindi ko magawa. Parang puputok ang dibdib ko. Hindi ko mapigilang hindi kiligin nang bumalik sa isip ko ang ilan sa mga sinabi ni Michael. Iba pala 'yong kilig kapag narinig mo

