''Cana, kahit wag ka ng tumira. 100 na tayo parehas'' bulong ko.
Tumingin naman sya kaya ngumiti ako at inangat ang kilay ko. Kaso hindi pa rin sya nagsalita at dinribble nya yung bola sabay tira.
Laglag panga ko nung pumasok yung tira nya. Napakalakas naman ng tyamba nitong Cana na ‘to.
Napatingin ako sa kanya ng makitang lumingon sya sa akin. Aww. Para kong napahiya a!
''Ang galing mo, Cana. Ikaw na talaga" sabi ng mga kaklase nya pagkalapit nya sa mga ito. Pero bakit ganun? Parang wala pa ring reaksyon yung muka nya?
''Okay tapos na ang exam. Lahat ng taga Hiragi, zero" sabi ni Ma'am na halatang nagpipigil ng tawa. Kakapikon e.
"At sa M.A, 100 points. As expected. Very good, Class S. Sige na, you can go back to your school na. I will see you later" Tumango lang sila at umalis na. Nakakabadtrip naman yun.
''I knew it. I' m so brilliant talaga. Hindi nyo sila natalo" pang aasar nya. Prof ba talaga 'to? Parang bata ih.
''So paano yan? Edi bagsak na kayong lahat?" yung mga kaklase ko paiyak na, paano ba naman eh zero sa midterm exam.
''Kawawa naman mga estudyante ko.Gusto nyo ba talagang pumasa?" tanong ni Ma'am. Aba syempre! Nagsitanguan naman lahat ng mga kaklase ko. Kasama ako syempre. Kailangan ko rin ng maayos na grades no!
''Good" sabi nya sabay tawa. Yung kakaibang tawa a? Yung mukang may binabalak na masama.
''Ano kayang maganda? Eeee! Na-eexcite ako '' sakit sa tenga nung pagka eee nya - __-
''Alam ko na! Medyo nagke-crave ako ngayon sa sweets e. Cadbury na lang yung pinakamalaki. Ilagay nyo na lang sa office ko. Wag nyo kalimutan ilagay ang pangalan nyo a? 85 ang grade ng cadbury''
''Oo nga pala. Walang tindang Cadbury dito pero sa M. Academy meron'' dagdag nya.
''Hindi naman kami papapasukin dun Ma'am eh'' sabi ng kaklase ko.
''Papapasukin kayo run basta sabihin nyo estudyante kayo ni Ms. Dianne '' masayang sabi nya. Excited sa 30 na chocolates amp.
''Malapit lang sa gate yung shop. Toodles~ '' sabi ni Ma'am at dinismiss na kami.
'' Dre, maawa ka na sakin, baka patayin ako ng daddy ko" sigaw ni Harry pagkalapit sakin.
''Oo nga, Dre. Sayo nakasalalay ang buhay ko'' isa pa 'to si Mike. Nakunaman!
''Teka, ano bang pinagsasasabi nyo?" pagmamaang-maangan ko.
''PAUTANG!" - _- kailangang sumigaw?
''Ayoko" kakahiya. Sumigaw pa talaga.
''Grabe, hindi ako makapaniwala. Napakaitim ng budhi mo''
''Hindi ikaw ang kaibigan namin na mabait, maunawain at mapagbigay! Asan si Ryu? Ilabas mo sya!" sabi ni Mike sabay yugyog sakin.
''Tigil tigilan nyo nga ako. May pera naman kayo ah?'' mas malaki pa nga ata mga allowance netong mga mokong na 'to kesa sakin e.
''Si Harry sisihin mo"
''Ako pa sinisi mo e ikaw nga tong medyo bobo'' pagtatalo nila.
''Natalo kayo sa LOL no?''
''Ang weak kasi nito eh'' sabi ni Mike sabay turo kay Harry.
''Ikaw yun ''
''Sa harap ko pa kayo nag-away ah? Oo na. Mga bwisit kayo" sabi ko at umiling. Kung hindi ko lang kaibigan 'tong mga 'to e.
''Yun oh! Salamat, Dre. Kiss nalang kita?" Eew.
''Ang harot mo talaga'' sabi ni Harry sabay batok kay Mike.
''Sus. Wag ka namang magselos, Harry. Alam mo naman na ikaw lang sapat na e'' seryosong sabi ni Mike.
''Nakakadiri kayong dalawa'' seryosong sabi ko at naglakad na palabas ng court.
''Biro lang'' sabi ni Mike at sumabay na sila sa akin sa paglalakad.
Hindi ko pa rin makalimutan yung exam. Kakabadtrip. Maliban sa tatay ko, sya pa lang yung unang nakatalo sakin sa basketball.
Ang gagaling ng mga yun. Wala man lang nakalusot sa klase namin. Tsk, kailangan ko pang mag improve sa paglalaro.
[may nagtext.. wooh hooh ]
sabay sabay kaming naglabas ng phone.
Fr : Ma'am Dianne (P.E)
The ones that you love the most
are usually the ones that hurt you the most.
[>] np : We can't stop - Boyce Avenue
so katamad..
nga pala Class 1, 12:30 lang pwedeng bumili ng Cadbury
yun lungs.. ^^
gt. madandangDianne
Napailing ako. Siraulong teacher talaga.
Anong oras na ba? Sus. Maaga pa naman e.
*
12:00
"Tara na" yaya ko kala Mike. Tumango naman sila at sabay sabay kaming lumabas ng dorm. Break namin kasi.
At dahil malapit nga lang ang M. Academy sa Hiragi, naglakad lang kami papunta run. Pagkarating namin sa gate, sinabi lang namin sa guard na estudyante kami ni Ma'am Dianne at pinapasok naman kami.
Grabe ang laki talaga ng school na to. Nakakamangha. May iba't ibang klase ng building. May malaki, may maliit. Halos lahat kami ay napapatingin sa iba't ibang building na meron 'tong university na to.
Ba't kaya di na lang ako dito nag-enroll? Mukhang matitino at tahimik yung mga estudyante dito e.
Sa gilid ng gate, makikita mo agad yung malaking shop. Parang convenient store.
Nakita namin yung mga kaklase namin na nakapila na run sa cashier. Medyo malawak yung loob at may mga lamesa at upuan. Sana sa amin ganito rin. Hahaha. Daming pwedeng mabili.
Napahawak ako sa batok ko. Bakit hindi komportable yung pakiramdam ko rito?
Tumingin ako sa paligid at napansin na lahat sila ay nakatingin samin. Ayt! Mukang may attitude mga tao rito. Umiling ako at hinanap kung saan nakapwesto ang mga chocolates. Ito namang dalawa kong kasama kwentuhan lang ng kwentuhan habang nakasunod sakin.
Yun! Natanaw ko na yung pasilyo ng mga chocolates. Kaso pagkalapit ko, narinig kong nag- uusap yung mga estudyante sa gilid.
''Kaya mo yan, Sheen. Wag mo nalang pansinin'' sabi nung isa.
''Pigilan nyo ko'' sabi nung isa na parang nanginginig. Problema neto?
''Ang bango! Hindi ko na to kaya'' napahinto ako sa paglalakad at pinakiramdaman ang nangyayari. Tumingin ako kala Mike pero busy sila sa pag-uusap. Parang iba ang pakiramdam ko rito.
''AAAAAHHHRGGG !'' kinilabutan ako ng biglang sumigaw yung lalaki kasabay ng malakas na tunog ng kalampag sa lamesa. Napatingin kami nila Mike sa kanila.
''Hindi ko na talaga kaya!'' sabi nung sumigaw. Nakatingin sya sa amin. Napahawak ako sa braso nila Mike at hinatak papunta sa likod ko.
''Dan, wag!'' sabi nung kasama nyang babae at hinawakan sya sa balikat. Tinabig nya lang iyon at nag umpisa ng maglakad papalapit samin.
Pag ito nakalapit, susuntukin ko 'to agad. Bahala ng mapaguidance o ano.
Nakaready na yung kamay ko ng biglang may sumulpot na babae sa gilid nya at hinawakan sya sa braso. Teka? Saan sya nanggaling? Bakit parang hindi ko man lang napansin na andun na sya agad?
''Sige subukan mo'' nagulat ako ng marinig ang tono ng boses nya. Hindi ko alam. Kalmado naman nyang sinabi 'yun pero bakit ako natakot bigla?
"M-m-m-miss Ca-ca-cana'' nauutal sa saad nung lalaki pagkakita nya sa babae. Oo nga, sya nga yung babae kaninang umaga na nakalaban namin sa P.E.
''V. Club, anong ginagawa nyo rito?'' lumingon sya sa mga estudyante na taga M. Academy.
''Exam po" Exam? Sa loob ng shop na 'to? Anong klaseng exam ba ang ginagawa nila?
''Kay Ate?''
''Opo'' sabay sabay naman nilang sagot. Kahit yung lalaki kaninang sumigaw nakayuko na at mukang takot. Para akong nanonood ng palabas. Tagalog naman yung pag-uusap nila pero bakit parang wala akong maintindihan?
''Sinasabi ko na nga ba e" sabi nung Cana "Kayo? Anong ginagawa nyo rito?" tumingin sya sa amin.
''Ah. Pinabibili kami ng choc--'' di ko na natuloy yung sasabihin ko ng bigla nya akong tinalikuran. Luh, nakakailan na 'to sakin a?
''V. Club, magsi-alis na kayo rito''
''Pero po... ''
''Pero ano? '' meron sa tono ng boses nya na nakakatakot talaga.
''Wala po. Aalis na kami'' umiling naman ang mga estudyante run at nagtayuan na.
''Ikaw'' turo nya sa lalaking sumigaw kanina ''sumama ka sakin" napalunok yung lalaki. Yari ka susumbong ka sa teacher.
''Kayo, umalis kayo agad pagtapos nyong bumili ng bibilhin nyo'' sabi nya sa amin. Ang yabang! Matapobre pala 'tong isang 'to e. Maganda nga, suplada, mayabang at di marunong ngumiti naman.
''Dre, anong eksena yun?'' tanong ni Harry pagkaalis nung Cana at nung mga estudyante na taga rito.
''Malay ko" kahit na kinabahan talaga ako sa nangyari. Baka ang OA ko lang talaga. Naglakad na ulit ako papalapit dun sa mga chocolates.
''Humaygash! Naka drugs ata yung mga estudyante rito'' sabi ni Mike.
''Siraulo ka" kinuha ko yung tatlong chocolates para sa aming tatlo at naglakad na papuntang cashier.
''Ang weird nila'' sabi nung isa kong kaklase pagkalapit namin sa pila.
''Oo nga eh. Napansin nyo ba yung babae? Bigla syang sumulpot di ba? Yung Cana ba yun?'' napatingin ako kay Joy na nasa harapan ko. Akala ko ako lang ang nakapansin. Ang weird lang talaga.
"Hindi a? Baka kasi hindi mo lang sya nakita na pumasok" sabi naman ni Grace, mga kaklase ko.
Napailing ako. Hindi e. Hays, hayaan mo na nga.
Pagkalabas namin ng shop, naglakad na kami palabas ng gate ng mapansin ko na may mga estudyante sa quadrangle.
Napahinto ako sa paglalakad at tinignan sila. Bakit nakatayo lang ang mga 'to? Wala man lang gumagalaw sa kanila.
"Uy Dre, tara na!" napatingin ako kala Mike ng tawagin nila ako. Ang weird talaga ng mga estudyante rito. Makalabas na nga at baka mahawa pa kami ng kaweirduhan nila.
Pagbalik sa Hiragi, dumiretso kami sa office ni Ma'am para ibigay yung chocolates.
''Kamusta naman? Kumpleto pa ba kayo?'' tanong ni Ma'am. Anong kompleto?
''Ano yun Ma'am?'' tanong ni Harry.
''Wala. Hahah. Sige na iwan nyo nalang yang chocolates at magsilayas na kayo'' Ang weird na nga ng nangyari tas weird pa 'tong prof namin. Haynako. Baka ako lang 'tong weird at kung anu-ano ang pinag iisip.
---------
(Tailpiece)
Third Person's Point of View
Sa loob ng guard house ng M. Academy ay may dalawang gwardya ang nagbabantay.
"Naku! Mukhang may pinagawa na naman si Ma'am Dianne sa mga estudyante nya sa Hiragi" sabi ng isang gwardya pagkatapos makita na may mga estudyanteng galing sa Hiragi ang pumapasok sa loob ng M. Academy
Tumawa naman ng mahina ang isa pang gwardyang kausap nya at uminom ng hawak nitong kape "Kaawa-awang mga nilalang" saad nito at sabay silang napailing habang nakatanaw sa mga studyante.