Ang bilis ng araw. Saturday na agad. Mabuti na lang at wala kaming klase kapag ganitong araw.
Tumayo ako sa kama at napansin na tahimik ang kwarto. Teka, asan kaya yung dalawang yun? Naku. Bakit ko pa ba hinahanap e malamang naglo-LOL yung mga yun. Wag ng magtaka e sa labas ng school kahit papaano may mga establishments tulad ng computer shop at restaurants.
Saan kaya ako pwedeng pumunta? Nagsuot ako ng sapatos at lumabas ng dorm. Lalabas na lang ako ng school at hahanap ng matatambayan. Ay alam ko na! Meron akong alam na lugar na pwedeng pagtambayan.
O diba? Ang ganda nga ng view. Nakita ko 'to nung nakaraang naghahanap ako ng makakainan sa labas ng Hiragi. Huminga ako ng malalim at inamoy ang sariwang hangin. Ito ang maganda rito e. Purong nature ang nakapalibot sa'yo.
Naisipan kong umakyat dun sa puno. Nice, ang ganda ng view rito.
Ang sarap lang mahiga at matulog.
zzzzzzZZZZZZ -____-
''Hoy, wag mo nga akong talikuran!''
-_o ang ingay naman
o_o muntik ko ng makalimutang nasa taas nga pala ako ng puno. Mabuti na lang at hindi ako nalaglag.
Sinilip ko yung pinanggalingan nung mga boses at nakita ko yung mga babae sa baba. Base sa uniform nila mga taga M. Academy sila. Ito na namang mga baliw na studyante ng M. Academy.
''Bitawan mo 'ko'' sabi nung isang babae. Teka si Cana ba yun? Walang reaksyon ang mukha at ang kalmadong boses? Ah. Si Cana nga.
Napapansin ko lang a? Ilang beses ko ng nakikita 'to si Cana. Hindi kaya, ako na? Hahaha joke lang.
''Ikaw ang kumuha ng puntos ng lahat ng nasa grupo ko. Dahil sa'yo, nasa Class D na kami" galit na sabi nung babaeng kulot ang buhok.
''Kasalanan ko bang mahihina sila"
''Ang yabang mo talaga. Alam mo ba kung ilang taon kong inipon ang points na yun? Hindi ako papayag na kunin mo lang yun ng basta basta" sabi nung babae na mukang pikon na pikon na sa galit. Sige, kunwari nagegets ko yung pinag- uusapan nila.
''CM? Ilang points pa meron sa Pink Curves?'' sabi nung babae. Ano bang meron? Anong points ba kasi yung pinag-uusapan?
Hindi ko alam kung bababa na ba ko o ano. Baka mahuli ako at sabihin pang tsismoso ako. Ba yan! Dito nalang nga muna ako sa taas. Aantayin ko na lang silang matapos.
"9845 points pa, Jenny" pumikit saglit yung kausap nyang CM at sinabi yung points pagkadilat nya.
''Aaaarrgghhhhh! Lahat ng paghihirap namin para makarating sa Class C ikaw lang ang nakinabang. Hindi ako papayag! Labanan mo 'ko" gigil na sabi nung Jenny. Ano ba 'to? Away bata?
''Ayoko. Nakakatamad" Yung kausap nya pikon na pikon na pero sya kalmado pa rin. Ano bang meron sa babaeng 'to at kulang ata sa expressions?
''Bilang myembro ng Class S, sigurado akong milyon na ang points na meron ka. Wag mo sabihing natatakot ka sakin?'' pangttrigger nung Jenny. Nacucurious talaga ako kung ano yang points na yan at umaabot pa sa milyon e.
''Ganon na nga" gusto ko sanang tumawa kaso baka marinig na lang kaya wag na lang. Sa isip na lang. HAHAHHAHA.
''Ginagalit mo ba talaga ako? Sabi ng labanan mo ko eh''
''Ang kulit mo no?" napikon ba sya? Bakit walang nagbago sa muka nya?
''Caannnaaaaaaaa'' bigla namang dumating ang isang lalaki. Teka, kung tama ang pagkaka-alala ko, isa sya sa Class S. Rufus, tama ba?
''Tara kain tayo. May fresh na pagkain doon" masaya at excited na sabi nya. Luh.
'' Talaga? Bakit, anong meron?" tanong ni Cana pero wala pa ring nagbabago sa muka nya.
''Ano pa ba? Reward. D.S. may inatakeng estudyante'' Hays eto na naman. Parang ibang lenggwahe na naman yung sinasabi nila dahil hindi ko maintindihan.
Wala bang subtitle? -__-
''Aaah! Parang wala ako rito a?" arte naman netong Jenny na 'to. Hays, pero seryoso, kelan ba kayo aalis?
'' Sino ka?" tanong ni Rufus.
''Naghahamon" yun lang. Yun lang yung sagot ni Cana.
"Labanan mo na kaya para makaalis na tayo"
''Hays" naghays sya pero wala man lang gumalaw na muscle sa muka nya. Talent bang masasabi yun? "O sya, ilan?" tanong nya.
''Lahat ng points ng Pink Curve" sabi nung Jenny at mataray na pinatong ang kamay sa bewang nya.
''Ipapa-alala ko lang na kapag naubos ang points ng isang grupo o isang tao, hindi kayo maaaring makipaglaban sa kahit kaninong estudyante mula sa Class D hanggang Class S" bakit parang robot yung pagsasalita nung CM?
''At kung ilan lang ang itinaya mong puntos ay yun lang din ang makukuha mo'' dagdag neto.
Ano ba yan! Naiihi na ako. Hindi ako maka-alis dito sa puno.
Hindi ko naman naiintindihan pinag-uusapan nila. Baka ibang klaseng kurikulum meron sa school na yon, hindi kaya?
''Sigurado ka na?'' tanong ni Cana.
''Oo. At sigurado rin akong matatalo kita" pero pipigilan ko muna 'tong ihi ko XD Bukod kasi sa nakakahiya naman talagang bumaba na ganito na yung nangyayari, nacucurious din talaga ako sa kung anong laban ba ang gagawin ng dalawang 'to.
''Daming daldal! Gutom na ko. Bilisan nyo na!" sabi nung Rufus na parang bata. Bakit parang hindi naman sya ganyan kaninang umaga?
''Manahimik ka" napanguso yung Rufus ng sabihin 'yon ni Cana. Wala pala 'to e.
''Simulan na natin!'' sabi nung Jenny. Nice, eto na sisimulan na raw nila.
Naccurious kasi talaga ako kung anong klaseng laban e. Mukang maganda 'to. Hahha
????????
Simulan na raw? E bakit wala pa ring gumagalaw?
Parehas silang nakatayo at magkaharap ih.
'' Cana, bilis!" pagmamaktol netong Rufus na parang bata.
Teka, ano bang laban ginagawa nila?
Titigan?
HAHHAHAHA. Nakakatawa naman pala 'tong mga 'to eh. Ang daming arte e magtitigan lang pala.
*splash*
Putik! Ano 'yun? Napatakip ako sa bibig ko ng biglang may tumalsik na tubig sa akin. Wala na! Basang-basa na 'ko! Kung alam ko lang dapat pala umihi nalang ako rito tutal mababasa rin pala ako. HAHAH. De joke lang.
''Hoy! Wag kayo mandamay. Basa na rin tuloy ako!" napatingin ako sa baba at nakita na basa na rin sila. Sinong nambasa? E nakatayo pa rin naman yung dalawa. Hays, ano ba 'tong nangyayari?
''Jenny and Pink Curve group, Zero. I announced that you are now banned to fight against any class unless gained 5000 points. Cana 7,897,980 points" sabi nung CM ng bumagsak si Jenny.
Teka. Bakit sya bumagsak? Nagtitigan lang sila tas bumagsak na sya?
Isa pang teka! Bakit umabot ng 7M points? Galing pala neto ni Cana sa titigan e. Hamunin ko rin kaya sya. De jk lang. Hahahha
''First place ka parin Cana! Kakainis bakit kasi bawal labanan ang kapwa Class S?'' sabi ni Rufus pero si Cana hindi man lang umimik.
''Babawi ako! Babalikan kita!'' sabi ng Jenny. Tumayo sya at umalis kasama yung CM. Hays, ano bang nangyayari talaga?
''Sa loob lang ng ilang buwan naka 7M ka na -__- ako 5M palang. Kelan kaya kita mahahabol?" Hala tas sya 5M? Galing naman magtitigan netong mga 'to "Tara na nga kain na tayo" dagdag nung Rufus
''Saan ba?"
"Andun sa Graveyard Room. Andun na si Jeel kanina pa nag-aantay" tumango naman si Cana at sabay na silang naglakad paalis.
Sa wakas makakababa na rin ako -_- Naiihi na talaga ako.
Hays, makabalik na nga lang sa dorm!
**
''Oh Dre? Bakit basa suot mo?" tanong ni Harry pagkapasok ko sa loob.
''Oo nga. Nakalimutan mo na bang hinuhubad ang damit pag maliligo?'' dagdag naman netong si Mike.
''Syempre hindi! '' sigaw ko. Ang weird na nga ng napanood ko tas weird pa mga kasama ko rito. Napakamalas ko naman.
''Eh anong nangyari?''
''Hindi ko alam '' totoo naman. Hindi ko talaga alam kung anong nangyari? Lokohan naman kung talagang nagtitigan lang sila. Kung ganon, san nanggaling yung tubig? Hay nakuuuu
Kinuha ko yung twalya na nakasabit sa tabi ng kama ko. Maliligo na nga lang ako.
''Oi Dre nga pala, debut mo na bukas diba?'' sabi sakin ni Mike. Oo nga 'no? Birthday ko na pala bukas? Pero teka, anong debut?
''Loko. 18 pa lang ako. Anong debut? Sipain kita riyan e!" sabi ko at lumapit sa kanya. Sisipain ko na sana sya pero nakita ko na seryoso talaga yung muka nya.
''Oo. Hindi ba 18 naman talaga ang debut?"
''Siraulo ka talaga! Sa babae yun '' sabat ni Harry
''Ay ganon?'' ay bugok?
''Anong plano mo bukas? May eighteen roses ba?'' 18 roses amp. Sakalin ko kaya 'to?
'' Wala. Balak ko talaga, eighteen na suntok sayo! '' sabi ko at binato sya nung unan ko. Kakapikon e!
''Highblood naman neto. Ano nga?"
''Wala nga. Ililibre ko lang kayo bukas" malamang. Yun lang naman talaga gusto nilang marinig e
''Yun oh! Bukas ah? '' masayang tanong nila at lumapit pa talaga sakin.
''Oo na. Lumayo nga kayo sakin. Maliligo na 'ko" sabi ko at naglakad na papunta sa CR.
Hays, kakalimutan ko na lang na nangyari yung napanood ko kanina sa labas. Ang weird talaga ng araw na 'to.