bc

Begging for his Love

book_age18+
34.3K
FOLLOW
238.5K
READ
love-triangle
love after marriage
arranged marriage
submissive
drama
tragedy
bxg
heavy
female lead
husband
like
intro-logo
Blurb

One sided love is not easy. Iyong taong mahal na mahal mo ay may mahal na iba. Ang mas masakit, hindi niya kayang suklian ang pag-ibig mo kahit na sa iyo na siya.

Hanggang kailan ka magmamakaawa? Hanggang kailan ka makikiamot ng isang pagmamahal na alam mong sa umpisa pa lang ay wala na!

Walang patutunguhan, walang kang makakamtan kundi sakit at hinagpis lamang.

Hanggang kailan mo susubukang mahalin siya? Hanggang sa wala na bang matira?

Kakapit ka pa ba sa taong walang ginawa kundi ang saktan ka?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Spg alert Read at your own risk She cried out of pleasure and pain as he entered. She moaned as he trust deeper. He kissed her. She kissed him back passionately as they became one. He caressed her whole body. Giving sweet little kisses as she arced her body with so much pleasure. It was painful because it's her first. But, it is more painful as they made love, he kept on murmuring I love you. But it's not for her. It's not her name. He kept on calling different name as they met heaven. She said I love you and cried for the heartbreak. She love him so much that she endures all the pain he's bringing her. He hugged her tight when they're done. Murmuring I love you and giving sweet little kisses. "I love you, Babe, my one and only Keila," he whispered sweetly and then fell deep in sleep. Her body is painful as so her mind and heart. She wants to go and leave. But her body betray her. Her eyes close and fell deep in sleep too. What will gonna happen tomorrow? ************************************ "What is this Ricardo?!" Pupungas-pungas na minulat niya ang kanyang mga mata. Nagulat si Rick sa inang naghihisterya mula sa pinto. Nakalimutan niyang dadating pala ito ngayon mula sa probinsiya. Napakunot noo siya habang halos pumipikit-pikit pa ang kanyang mga mata. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng ina at gulantang na itsura nito. Napahilot siya sa sentido dahil sa pagpitik nitong may pagkirot. Masakit at mabigat ang pakiramdam ng kanyang ulo. Marahil ay dahil sa naparami ang nainom niya kagabi. Ni wala nga siyang maalala. Napahimas siya sa kanyang batok at pilit na inaalala ang lahat, ngunit wala... Wala talaga siyang maalala ni isa. Isang impit na iyak ang nagpabalik sa kanya mula sa malalim na pag-iisip. Ngayon lang niya napansin na may iba pang tao sa kanyang kuwarto. At hindi lang basta-basta ibang tao. Lumingon siya sa kanyang tabi at tumambad sa kanya ang isang babaeng pilit na tinatakpan ang sarili ng manipis na kumot. Napamaang siya sa gulat. "Ano 'to? Ano 'ng nangyari?" tanong niya sa sarili habang pinagmasdan ang babaeng katabi. Gulo-gulo ang buhok ng babae at nakayuko kaya hindi niya makita ng husto ang mukha nito. Nakasisiguro siyang hindi si Keila iyon. Nasa Tagaytay ang babae ngayon para mag-shoot ng commercial. Kaya nga siya nagpakalasing kagabi dahil importanteng araw nila iyon ni Keila pero minabuting magtrabaho. Ni hindi naalala kung anong araw kahapon. Masama ang loob niya sa kasintahan pero mahal na mahal niya ito para magtampo dito ng matagal. Pero ano ang nagawa niya ngayon? Bakit nakagawa niya ng isang kasalanan dito? Lumapit sa kanila ang kanyang ina at pinaghahampas siya. Wala siyang nagawa kundi protektahan ang sarili sa ina. "You better do something young man. Pinagsamantalahan mo ang babaeng ito," bulaslas nito na puno ng panggigigil. "Like what?" Napataas ang tono ng boses niya. Ano' ng gustong ipahiwatig ng kanyang ina? Paanong nangyari ang bagay na iyon? Binalingan niya ang babaeng katabi. "Sino ka?" tanong niya rito bagaman tila walang balak ipakilala ng babae ang sarili. Paano ay pilit talagang ikinukubli ng babae ang sarili sa kumot na parehong tumatabing sa kanilang hubad na mga katawan. Hinila niya ang kumot ngunit nakipaghilahan ang babae. Dahil sa biglang pag-atake ng pananakit ng kanyang ulo at nabitiwan niya ang hinihilang kumot. Nahulog ang babae mula sa kama. Nahila nito ang buong kumot pagbagsak. "Oh my gosh, Ricardo!" Nanlaki ang mga mata ng ina niya sa galit. Pero hindi dahil sa nahulog na babae. Nakatuon ang tingin nito sa gitna ng kama. May pulang mantsa roon na nagpapatunay ng isang katotohanan. "She was a virgin!" bulaslas nito. Hindi siya nakahuma. Shock din siya sa natuklasan. Mas lalong umatake ang matinding pananakit ng kanyang ulo. He did wrong. He made a mistake. Pero hindi niya iyon sinasadya...Never siyang magloloko at lolokohin si Keila. "You better, ah!" Nanginginig ang kanyang ina sa galit "Ricardo, panagutan mo ang babaeng ito!" mariing utos ng ina na ikinagulat niya. Nanlaki ang kanyang mga mata at pabalikwas na tumayo. Hindi niya alintana ang kahubdan na lumantad sa kanyang ina. "No, Ma," mariin niyang tanggi. "It was a mistake...I...can compensate her with anything, pero ang panagutan siya...mamamatay na lang ako!" matigas na pahayag niya. Sumulyap sa babaeng dahan-dahang tumayo mula sa pagkakabagsak. Nanatiling nakayuko ang babae nang tuluyang makatayo. Masakit na marinig ang lantarang pagtanggi sa kanya ni Rick. Pero may sasakit pa ba sa kahihiyang hinaharap niya ngayon? Hiyang-hiya siya sa mag-ina. Ngunit mas ikinakahiya niya ang sarili. Hindi niya plinanong manatili doon hanggang umaga, lalong hindi niya kagustuhang madatnan roon ng ginang at makagawa ng eskandalong alam niyang bubulabog sa lahat. Dapat ay kanina pa siya umalis. Iyon ang orihinal na plano niya. Ngayon, anong mukha ang ihaharap niya sa mga ito? **** Akay-akay niya ang lasing na si Rick patungo sa tinitirhan nitong condo. Wala siyang nagawa nang siya ang pakiusapan ng mga kaibigan ng lalaki na maghatid dito. Tutal naman daw ay future sister in law siya nito. Habang akay ang lalaki ay hindi niya maiwasang mapait na mapangiti. "Hmmmm, I like the smell of your hair," saad ng lalaki habang inaamoy-amoy ang kanyang buhok. Napatda siya ng ilang saglit dahil sa dulot na kakaibang sensasyon sa kanyang katawan. Kakaibang kiliti ang naramdaman niya sa pagdaiti pa lang ng mukha nito sa kanyang buhok. Amoy alak man ang hininga nito ay kakaibang init pa rin ang hatid sa kanya lalo na kung dumadapo ang hininga nito sa kanyang balat. Hinayaan na lang niya itong amuyin ang buhok niyang humahawi sa mukha nito. Wala siyang magawa bukod sa lasing ito at wala sa sariling huwisyo ay nabibigatan siya sa pag-akay dito. "Nasaan ang susi mo?" tanong niya rito nang matapat na sila sa pinto ng Condo nito. Hirap na hirap na siyang nakaakay dito. Malaking tao si Rick kumpara sa maliit at payat niyang pigura. Natawa siya sa sarili. Sa ngalan ng pagmamahal ay nagawa niyang halos buhatin na ito para lamang maiuwi at hindi mapahamak. Nang dahil sa damdamin niya sa lalaki ay nilunok niya ang pride at sumang-ayon na lamang. Nagawa pa nga niyang ngitian ang mga kaibigan nito. "Hmmmm?" "Susi!" naiirita na niyang ani dito. Nabibigatan na talaga siya tapos ay naglilikot pa para amuy-amuyin siya. "In my pocket." "Where?" Ngunit hindi na ito nagsalita. Nakatulugan yata siya nito kaya kinapa na lang niya lahat ng bulsa nito. Ang jacket na suot nito at ang pantalon. Nakapa niya ang susi sa harap na pocket ng pantalon nito na nasa kanan. Nahirapan siyang kunin ang susi. May nasasagi siyang 'di niya dapat masagi dahil gumagalaw ito sa tuwing gumagalaw siya. Nagising niya ito dahil sa kanyang pagkapa. Sa wakas ay nabuksan na niya ang pinto. Inakay niya ang lalaki sa kuwarto nito. Dahil sa pagod na rin niya sa pag-akay dito, napasabay siya sa pagbagsak sa kama. Medyo nakadagan ito sa kanya kaya itinulak niya ito ng kaunti para mapalayo sa kanya. Napatitig siya sa guwapong mukha ni Rick. Hindi pa siya nakuntento ay pinaglakbay niya ang mga daliri sa mukha nito. From his thick eyebrows, pointed nose, to his thin pinkish lips. Napalunok siya at tila ba may nag-uudyok sa kanya na halikan ang labi na iyon ng lalaki. Inilapit niya ang kanyang mukha dito. Walang kaabog-abog na pinaglapat niya ang kanilang mga labi. Sumibol ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Nagagawa niyang pagsamantalahan ang kalasingan nito para pagbigyan ang sarili. Mahal na mahal niya si Rick. Pagmamahal na ilang taong niyang inalagaan. Ang damdaminng hindi kailanman nito masusuklian. "How I wish na akin ka na lang," bulong niya dito habang tuluyan ng bumagsak ang pinipigilang luha. "Na ako na lang ang mahal mo," mahina niyang sambit pagkatapos ay muli itong hinalikan. Sa pagkakataong iyong ay mas matagal. Ninamnam niya ang sandaling iyon. Hindi man nito matugunan ang kanyang halik. Nagkasya na lamang siya sa pagkakataong binigay sa kanya para makasama ito. Napatigil siya at napalayo bahagya nang tila gumalaw ang lalaki. Nang matantong guni-guni lamang niya iyon ay muli siyang tumitig dito. Nanatili siya sa ganoong ayos. Iyong tinititigan niya lamang ang lalaki habang impit na umiiyak. Hindi niya mapigilan ang pagdaloy ng luha. Tila bumuhos lahat ng sakit habang tahimik niyang tinititigan ito. "Huli na ito. Ibubuhos ko lahat ng sakit dito..." piping saad niya sa sarili. Alam niyang huling sandali na iyon para malapitan ng ganoong kalapit ang lalaki. Bukas, babalik na naman sila sa dati. Babalik na naman siyang nakatitig dito...mula sa malayo. Ilang saglit din siya sa puwesto. Babangon na sana siya nang biglang yumakap ang kamay ni Rick sa kanyang beywang . Saka siya hinila mas palapit pa dito. "You really smell so good," ika nito at lalong hinigpitan ang yakap sa kanya. Dinagundong siya ng matinding kaba. Humihiyaw ang isipan niyang umalis doon at huwag ipagkanulo ang sarili. Ngunit isang haplos lamang ng kamay nito sa kanyang mukha, tila naestatwa na siya at nawalang ng lakas upang tumayo para umalis. Nakapikit ito pero gising na gising ang mga kamay nitong humahaplos na kung saan. Pinangilabutan siya at nagtayuan ang kanyang buhok sa batok nang bigla na lamang siya nitong sinibasib ng halik. Halik na pinangarap niya noon pa man. Halik na ito mismo ang magkukusa. Tinugon niya ang halik na matagal niyang inasam. Hanggang sa isang plano ang nabuo sa kanyang isip. She will have this bitter sweet memory. Tutal, balak naman na niya magpakalayo-layo. Nagdesisyon siyang kahit ngayon gabi lang ay maging kanya ang lalaking minamahal. Kahit ngayong gabi lang ay makasama niya ito at maging kanya. Kahit isang hiram lamang na sandali ay magiging maligaya na siya. Ngunit hindi niya lubos maisip na hahantong ang lahat sa ganito. Binalak niyang umalis ng madaling araw pero dahil sa pagod niya ay nakatulugan niya hanggang sa maabutan nga sila doon ng ina ni Rick.Kailangan niyang liwanagin ang lahat sa ginang. "I'm sorry, Tita. Wala pong kasalanan si Rick dito," garalgal ang boses na paliwanag niya. Tinaas niya ang mukha niyang nakayuko. Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng dugo dahil sa gulat na rumehistro sa mukha ng mag-ina. Kapwa napamaang at nagulantang ang mga ito. "Alex?" "Alexandra, it's you?" Sabay na tawag ng mag-ina sa kanyang pangalan. Nag-unahang tumulo ang kanyang mga luha, lalo na noong magtagpo ang mga mata nila ni Rick. Ang mga mata nito ay puno ng galit at pagkadismaya. Naipanalangin na lamang niyang, sana, bumuka ang lupa at lamunin siya ng buo. Hindi niya matagalan ang nag-aapoy sa galit na mga mata ng lalaki.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook