Chapter 51

2471 Words

Naging abala si Alex sa gown na susuotin ni Senyora Anderson. One week from now ay party na nito kaya naman halos araw-araw na siyang tinatawagan ni Eizer para kulitin ng kung ano-ano. Minsan ay nahahalata na niyang paulit-ulit lang naman ang mga tanong o detalyeng binibigay nito. Halata niyang gumagawa lang ito ng paraan para makausap siya. Ipinagsawalang bahala na lamang niya iyon dahil friendly naman ang binata. Gaya ng pagsasawalang bahala niya na nakita at maaring makaharap niyang muli si Rick sa anumang oras. Pilit na lamang niyang inihahanda ang sarili kapag dumating ang panahong iyon. Sa ngayon, ayaw niyang masyadong magpaapekto ng tungkol kay Rick. Mas importante sa kanya ang buhay niya ngayon at ang hinaharap niya kasama ang mga taong ginusto niyang panatilihin sa buhay niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD