"Pakidalhan na lamang siya ng pagkain, Nay," utos niya sa matanda at tumayo na rin. "Kahit hindi mo i-utos sa akin ay gagawin ko, Rick. Sino pa ba ang maaasahan dito ni Alex na mag-aalala at mag-aalaga sa kanya kundi kami. Asawa nga niya hindi magawang kumustahin siya," pasaring sa kanya ni Nanay Mering. Iba ang pakikitungo ng matandang kasambahay kay Alex kaysa kay Keila, halata niyang hindi nito gusto ang kasintahan kahit noon pa. Napailing siya dahil kung sino pa ang nakagawa ng hindi maganda, siya pa ang kinakampihan ng mga taong malapit sa kanya. His parents and now, ang mga kasambahay nila. The fact na si Keila ang biktima. Hindi na lamang niya ito pinansin at iniwan ang mga kasambahay sa kusina. Nadaanan niya ang kuwarto ni Alex, tinungo niya iyon at kumatok siya. Nakailang katok

