Maaga pa ring gumising si Rick kinabukasan kahit pa medyo puyat siya. Hindi kasi siya pinatulog ng mga alalahanin patungkol kay Alex at Keila, dumagdag pa ang problema sa trabaho. Gahol kasi sila sa tao para sa shipment ng mga furnitures papuntang Japan. Napasulyap siya sa nakasarang pinto ni Alex nang madaanan niya iyon. Wala siyang balak istorbohin ang asawa kaya naman nilagpasan niya iyon at pababa na. Nasa paanan na siya ng hagdan nang may maulinigan siyang kalansing galing kusina. Patungo siya roon at balak na lang sana na magpaalam kay Nanay Mering nang ang mabungaran niya ay ang nakatalikod na si Alex. Nakaharap ito sa kalan at nagluluto. Hindi niya maiwasan pagmasdan ang likod nito. Napangiti siya nang sumasayaw-sayaw ito at kumanta pa habang nagluluto. Sumandig siya sa may

