Linggo ng umaga, nakatayo sa may bintana si Rick habang nakatanaw sa labas. Napahilot siya sa kanyang sentido at napapikit. Halos hindi siya nakatulog kagabi sa kahihintay na umuwi si Alex. Pagkatapos nila sa meeting na naging maayos naman kahit na halos wala ang isip niya roon ay umuwi siya agad. Nakaplano na talaga ang pag-uwi niya sa hapong iyon para tuparin ang pangako niya kay Alex. Pina-book pa naman niya ang buong sinehan para walang tao. "Huwag ka na lamang umuwi, Rick," pigil sa kanya ni Keila nang maihatid niya ito. Nagkataong may ka-meet si Keila na isang talent manager sa naturang hotel kaya naman isonabay na niya ito. Kararating din lang ng babae para saluhan sila noong dumating sina Alex at ang lalaki nito. "Kailangan kong umuwi, napag-usapan na natin ito. Please, just w

