Ginugol ni Alex ang araw niya sa loob lamang ng maliit na opisina niya sa bahay. Mas gusto niyang maging abala kesa ang mag-isip. Pilit niyang tinatapos ang gown na pangkasal dahil ipapagawa pa iyon at ipapasukat. Hindi rin naman umuwi si Rick, kahit ang usapan nilang movie date ay kinalimutan na nito. Kasalukuyan niyang pinapadala sa pamamagitan ng e-mail ang natapos na design nang tumunog ang kanyang selpon. Nagtaka siya dahil hindi niya kilala ang numero, ngunit may nag-udyok sa kanya na kausapin kung sino man iyon. "Hello?" Alanganin pa siyang sumagot at mahina ang boses. Tumayo siya sa kinauupuan pagkatapos ma-i-send kay Annie ang mail. Baritonong boses na tumatawa ang pumaibabaw sa kanyang pandinig. "Your voice is still beautiful as it is, my lovely Alex!" saad ng nasa kabilang

