CHRYSHEIGHT POV'S "First Fire Art, Fire Sword" "Third Ice Art, Ice Sword Slicer" at nagtama lang Yelo at Apoy namin ni Eurika na nagtulak samin palayo sa isat-isa. "Third Fire Art! Minature Meteor!" May lumitaw na maliliit na bulalakaw sa gilid niya at lumipad ito papunta sa'min ni Ruri. Naiwasan niya ang ilan habang ako naman ay naiwasan ko ang dalawa ngunit ang ilan ay hindi. Nagkaroon ako ng apat na galos na sunog ng balat sa katawan ko "First Healing Art, Mild Healing" sabi ni Ruri mula sa gilid. "Fourth Ice Art, Ridged Floor!" Parehas silang hinahabol ng matutulis na yelo sa lapag "Third Wind Art, Wind Wave" tinulak ng hangin ni Ruri ang mga yelo ko palayo sa kanya habang si Eurika ay patuloy sa pag-iwas sa mga yelo. Ngunit nagtamo sila ng maraming galos mula rito. "

