AIHARA'S POV Bumukas ang pinto at sumalubong ako kay Mrs. Heiso na halatang nag-aalala sa rason kung bakit nais ko siyang makausap "Ikaw ba ay may kasama?" seryosong tanong ko. "Wala, Kaiserin Celestia" "Mabuti kung ganun. Nais ko na ilista mo ang pangalan ko sa mga kalahok para sa gaganapin na Elementalers Grand Games. Imposible na isama mo agad ako sa grupo na lalaban. Nais ko ring maging patas sa mga kalahok, kaya nais ko na makalaban din ang mga Elementalers. Sisiguraduhin ko ang aking pagkapanalo at ako ang haharap kay Hestia" nabigla siya sa biglang pagbabago ng desisyon ko "M-may nangyari ba na naging dahilan para magbago ang inyong desisyon, Kaiserin Celestia?" "Wala akong kasiguraduhan kung alam na ni Hestia ang sikreto ko. Ngunit napakalakas ng aking pakiramdam na alam niya

