AIHARA'S POV Isang araw na ang lumipas at nakalabas na ako ng Infirminary Room at ngayon halos lahat ay nasa Practice Field para mag-ensayo habang ako ay nasa gilid lamang habang nanunuod mag-isa nang biglang lumapit sa'kin si Mrs. Heiso "Mahal na Kaiserin, nais niyo ba ng makakain?" "Hindi ako nagugutom.At ang isa pa, itigil mo na ang pagtawag sa'kin ng Kaiserin kahit na tayong dalawa lamang ang nandirito. Paano nalang kung may makarinig sa'yo?" "P-Patawad" "May iba ka pa bang dahilan kung bakit nandito ka?" Tanong ko naman. Nagulat ako nang ngumiti siyang umupo sa tabi ko at tumingin sa mga nag-eensayo "Marami ang nagtatanong kung kayo ba ay isa sa mga kalahok para sa Elementalers Grand Games. Mukang marami talagang nagmamahal sa'yo rito, maging ikaw ay si Kaiserin Celesti

