CHAPTER 03

1864 Words
Napangiti ang Prinsesa sa tinuran ni Eurika "Kung iyon ang tinakdang oras para malaman ko ay wala na akong magagawa. Hanggang sa muli nating pagkikita, Aihara Vastia .. Eurika Seigford pero bago ako tuluyang umalis nais ko lang ipaalala sa inyo ... walang sikretong hindi nabubunyag" at para siyang kidlat na bigla nalang naglaho. Nilingon ko si Aihara at Eurika na parang walang nangyari. Aihara, Eurika ... sino ba talaga sa inyo ang tunay na Prinsesa Celestia? At bakit parang parehas kayong may alam ng mga bagay na ngayon ko lang nalaman. "Itutuloy pa ba ang laban?" Tanong ni Mrs. Heiso na nagpabalik sa sarili ko. "Kahit hindi na po, Mrs. Heiso" sagot ko. Lumikha ako ng yelong kwintas sa leeg ni Aihara at Eurika "P-Para saan naman ito?" Tanong ni Eurika. "Upang hindi kayo maalis sa aking paningin. Hanggat hindi napapatunayan na kayo ay inosente sa pagkawala ni Prinsesa Celestia, hindi ito maglalaho kahit na ano pa ang inyong gawin" "Ginawa mo naman akong isang Familiar" reklamo ni Aihara. (Note: ang Familiar ay ang mga nilalang na may kinikilalang amo nila o panginoon nila. Maaari rin silang gamitin sa laban) Sinubukan ni Aihara na gamitin ang spear niya para maputol ang kwintas pero walang nangyayari at nabigo siya "Nagsasayang ka lang ng mahika mo" "Tsk!" Sabi niya kasabay ng paglaho ng spear niya. Nakuha ang atensyon ko ng lalaking nagmamadaling makalapit kay Mrs. Heiso. May mga sugat siya at may dugo sa uniporme niya "Mrs. Heiso, n-nabigo po kami sa misyon namin. M-marami po ang Goblin na nakatakas" (Note: Goblin, ang isa pang uri ng Daimon na madaling magalit sa mga nasa paligid nila kapag pinake-alamanan sila. Mahilig rin sila sa mga Magic tool at mga ginto o kahit na anong bagay na makikinang na kaagad na nakakapag-attract sa mga mata nila. Pumapatay sila para dito. May maliit na espada sila sa likod nila at ito ay may lason na tanging bulaklak na Saffron lang ang nakakapagpagaling dito at ito ay madalang lang na matagpuan dahil ito ay lumilitaw lamang sa tag-init) Hindi nakapagsalita si Mrs. Heiso sa sinabi ng lalaki at nagulat nalang kami nang makarinig kami ng mga hiyawan ng mga estudyante mula kabilang gusali ng paaralan. "Mrs. Heiso! Inaatake po tayo ng mga Goblin! Napalibutan po ng Goblin ang gusali ng mga non-Elementalers" Mga non-Elementalers, mga estudyanteng mas pinili ang akademya kaysa sa pakikipaglaban. Tumingin si Mrs. Heiso sa mga istudyante na nasa paligid "Mga Elementalers! Magsipaghanda kayo para sa pag-atake!" At nagsilabasan na ang mga istudyante "Eurika! Ai- asaan si Aihara?!" Bitin kong tanong. "Hindi ko alam. Bigla nalamang siyang nawala sa aking paningin, pero isa lang ang alam ko, Mahal na Prinsipe. Dapat na tayong lumabas para tumulong" seryosong sabi niya. "Tara na, Prinsipe" sabi ni Ruri kaya tumakbo na kami palabas ng Battle Field pero sa paglabas namin lahat ng tao ay nakahinto lang. Tumingin ako kung anong dahilan. Ang kalahati ng mga Goblin ay mga patay na dahil sa mga espada. Si Aihara ba ang may gawa nito? Nagising ako sa katotohanan sa biglang pagsipa ni Eurika sa mga Goblin na natira na aatake sa'min. Sa di ko malaman na dahilan ay parang may nangyayari sa loob ng katawan ng mga Goblin na inaatake niya at itoy namamatay. "Ang lakas talaga ng pwersa ng bawat suntok at sipa ni Eurika" bulungan sa likod ko. Dahil dun di na ako nag-iisip ng kung ano-ano at hinawakan ko ang lapag "Fourth Ice Art, Rigde Floor!" Pinuntirya ko ang mga malalapit sa'min na Goblin pero hindi ganun kalakas ang naging pag-atake ko dahil madami akong nagamit na mahika sa laban namin ni Aihara. "Third Wind Art, Wind Wave!" Sabi ni Ruri sa tabi ko at napatay niya ang kalahati nila habang ang iba ay natulak niya. "First Healing Art, Mild Healing" at duon nagamot ang mga sugat ko. "Salamat, hanapin mo si Aihara. Nais kong pagalingin mo din siya dahil ..." Putol kong sabi nang makita ko si Aihara sa sarili kong mga mata kung paano siya makipaglaban sa mga Goblin. Lumalaban siya na parang hindi siya lumaban kanina sa'kin. Nanduon parin ang mga sugat na natamo siya sa laban namin pero parang wala lamg ito para sa kanya, ang husay niya. O hindi kaya, hindi niya lamang pinapansin ang mga sugat niya at ang hirap at patuloy lang sa paglaban? FLASHBACK "S-sandali, pagod na ako. Hindi ba tayo maaaring magpahinga?" Ang tanong ko dahil kanina pa ang pag-eensayo namin ni Prinsesa Celestia. Ako lang ang gumagamit ng mahika dahil hanggang ngayon ay hindi pa siya natututo nito. Hindi niya rin nais na turuan at tulungan ko siya sa hindi ko malamang dahilan. Ganun pa man, nirerespeto ko ang bawat desisyon niya. "Prinsipe, sa isang laban ... sa oras na huminto ka, mamatay ka. Kapag dumating ang oras na alam mong hindi mo na kaya, umisip ka ng dahilan para lumaban. Itanong mo ito sa iyong sarili, bakit ka ba lumalaban? Para saan ka lumalaban? Para kanino? Sino ba ang nais mong protektahan?" Nakangiting tanong niya sa'kin. END OF FLASHBACK Aihara, pinapaaalala mo sa'kin si Prinsesa Celestia. Nais na kitang makita at masabi kung gaano kita kamahal. Ikaw lang ang nais kong protektahan. Muli nagulat ako sa biglang pagprotekta sa likod ko ni Eurika. "Seryosohin mo ang laban na 'to. Sa oras na masugatan ka ng kanilang espada ay maaari kang mamatay!" E-Eurika?! "S-salamat" at lumaban na siya. Marami siyang napapatay gamit lang ang mga kamay at paa niya. Pero ni minsan hindi ko nakita na gumamit siya ng mahika. Tinatago niya lamang ba ito? Ang alam ko ay imposibleng makapatay ka ng isang Daimon gamit lang ang mga kamay at paa kung walang taglay na Strength Art-- sandali, Ang Strength Art ay ang Inheritance Magic ni Prinsesa Celestia sa mahal na Reyna. Eurika, hindi kaya dahil tinatago mo ang mahika mo ay dahil ito ay ang Time Art na Inheritance Magic na katulad ng Hari? Maraming Elementalers ang lumaban sa mga Goblin, ngunit hindi maitatanggi na ang pinakamaraming natalong mga Goblin ay ang dalawang Elementalers, si Aihara at Eurika. Naging m****o ang laban. Dumanak ang dugo ng mga Goblin sa buong paligid. Nagkalat ang mga katawan nila na wala ng buhay.  Matapos ang laban, dinala sa infirmary room ang mga non-Elementalers na sugatan kasama nila Ruri dahil isa sa mga kakayahan niya ay ang Healing Art. Healing Art ang isa sa kailangan mong abilidad upang maging isang Royal Maiden. Kadalasan ay napapasa-pasa ang tradisyon na 'to sa isang pamilya. Napansin ko na lumapit sa'kin si Aihara kasama si Eurika "Prinsipe, kung hindi mo mamasamain, maaari bang tanggalin mo ito? Pakiramdam ko ay kontrolado mo ako at hindi ako makakilos ng maayos" ang sabi ni Aihara habang hawak hawak ang yelong kwintas. "Sang-ayon ako kay Aihara" dugtong ni Eurika. "Hindi ko iyan tatanggalin hanggat walang umaamin. Kung gusto niyong mawala 'yan sa inyong leeg, patunayan niyong hindi kayo nagsisinungaling sa anyo niyo" sabi ko. Nagulat ako nang tutukan ako ng spear ni Aihara na bigla na lamang lumitaw sa kanyang kamay "Tatanggalin mo o mapipilitan kang laba.. nan.. ulit..  ako... " paputol putol niyang sabi nang bigla nalang siyang natumba "A-Aihara! Oy! Aihara!" Sabi ko habang inaalog-alog siya ngunit hindi siya nagigising. Kaagad kong hinanap ang pulo niya, at duon nawala ang pangamba ko dahil nawalan lamang siya ng malay, marahil ay dahil sa pagod. Duon nakuha ng atensyon ko ang mga sugat sa kanyang katawan, ito ang mga sugat na natamo niya sa laban naming dalawa. Hanggang ngayon hindi parin pala napapagaling ang mga sugat niya "Samahan mo ako Eu--rika .. " putol ko namang sabi nang makita ko si Eurika na nakahandusay narin sa lapag. Gumamit nga ba siya ng mahika para mapagod ng ganito? Napabuntong hininga nalang ako. *** EURIKA'S POV Walang sikretong hindi nabubunyag Dahil sa salitang narinig ko ay nagising ako. Nandito ako ngayon sa infirmary room at katabing kama ko ay si Aihara na ngayon ay wala paring malay. Puro benda ang kanyang katawan habang mahimbing na nagpapahinga. Bumukas ang pinto at pumasok si Prinsipe Chrysheight na may galak nang makita akong may malay na "Salamat at nagising ka na rin. Kamusta, ayos na ba ang iyong pakiramdam? May masakit ba sa iyong katawan?" "A-ayos lang ako, a-ang iba? O-okay lang ba sila?" Tanong ko sabay tingin sa bintana kung saan kitang-kita ang mga naiwang bakas ng naganap na laban "Maraming non-Elementalers ang sugatan ngunit huwag ka ng mag-alala dahil ginagamot na sila nila Ruri. Sa awa ng nasa langit ay wala namang nalason sa kanila at walang buhay ang nawala" "Ganun ba ... mabuti naman" Hindi ko dapat hinayaan na mangyari to. Unti-unti ng nagaganap ang mga bagay na hindi dapat mangyari. Ayaw kong dumating ang araw na magkaroon ng digmaan laban sa mga Daimon ... hindi ko kaya ... hindi ko kaya na maulit ulit ang Dark Morning. Kailangan ko ng lumayo sa kanila ... kung hindi mapapahamak lang sila. Kailan ko ng matapos 'to. Kailangan ko ng wakasan ang buhay ni Hestia... pero kapag nangyari 'yon... kapag pinatay ko si Hestia... "Eurika? Oooy Eurika?" Napatingin ako kay Aihara dahil sa pagtatawag niya. Hindi ko inaasahan na maging siya ay may malay narin. "K-kanina ka pa gising?" "Kanina pa kita tinatawag ngunit mistulang ang lalim ng iyong iniisip. Kung iniisip mo kung baka may natitira pang mga Goblin sa paligid ay sa tingin ko ay wala na. Sila marahil ang natirang mga Daimon nang nakaraang 10 taon" Dark Morning. "10 taon na ang nakakalipas simula ng huli akong makakita ng Daimon. Akalain mo 'yon, 6 na taon palang ako noong mangyari ang Dark Morning ... kaya pakiramdam ko panaginip lang ang lahat ng nangyari ... isang bangungot na maaaring hindi na nagpagising sa'kin" hindi ko mabasa ang mukang ipinapakita ni Aihara. Ngunit hindi ako nagkakamali sa lungkot na nararamdaman ko mula sa kanya. "Dalawang taon bago maganap ang Dark Morning, inatake kami ng Hari ng Infernos. Maraming mamamayan ng Kaharian ng Saintamillion ang namatay. At sa isang atake ... nabalot ng itim na apoy ang buong Kaharian namin .. At ang ataking iyon ay ang Dark Morning. Iyon ang dahilan kung bakit Dark Morning ang tinawag nila sa naganap sa buong Homunibus 10 taon ang nakakaraan" sabi ni Prinisipe Chrysheight habang tumitingin sa labas ng bintana. "Pero alam niyo, dahil sa nangyaring 'yon ay nakilala ko si Prinsesa Celestia. Ako ang nakapilit sa kanya na pumasok siya sa Royal Magic Academy. Madalas ko siyang nakikitang umiiyak dahil hindi niya magawang matuto ng mahika. Siya ang kasa-kasama ko bago siya maglaho matapos maganap ang Dark Morning ... umalis lang ako para matignan ang kalagayan ng naninirahan pang tao sa Kaharian ng Saintamillion pero sa pagbalik ko ... wala na akong nadatnan" dugtong niya pa. Nilingon ko siya "Nais kong malaman kung bakit ngayon niyo lang siya hinahanap? Sampong taon na ang nakakalipas simula nang umalis siya, 16 na taong gulang na siya ngayon kaya sa tingin ko ay hindi niyo siya makikilala" "Nais ko ring malaman ang kasagutan sa tanong ni Eurika, Mahal na Prinsipe. Alam kong nanilbihan ka sa Reyna mga nakalipas na taon. Ang dami niyong oras para hanapin siya kaya bakit ngayon lang kayo kumilos?" Dagdag na tanong ni Aihara. "Tama kayo, maraming taon kaming nanilbihan kay Prinsesa Hestia dahil sinabi niya na siya na mismo ang gagawa ng paraan para mahanap si Prinsesa Celestia pero nabigla ako ng malaman ko kung paano niya ito magagawa" Tahimik kaming nakikinig sa bawat salitang binibitawan ni Prinsipe Chrysheight "Nais niyang magbukas ng isang lagusan na magkokonekta ng dalawang mundo. Balak niyang pagkonektahin ang Homunibos at ang Infernos ... dahil maaari raw na naruon si Prinsesa Celestia" halos hindi ako makapaniwala sa bawat sinasabi niya, hindi-- hindi lang ako dahil maging si Aihara ay nabigla rin. Maraming mapapahamak kapag nangyari iyon, ano ba dapat ang gawin ko?! I-isa ako sa may mga responsibilidad sa mangyayari. To be continued ..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD