EURIKA'S POV
"A-alam niyo ba kung bakit nasabi niya ang mga bagay na 'yon?!" Biglang tanong ni Aihara na nagpabigla sa'min. Hindi namin maipaliwanag kung anong klaseng mukha ba ngayon ang kanyang pinapakita dahil sa dami ng emosyon na nanggagaling sa kanyang mga tingin at sa tono ng kanyang boses.
"Tinanong ko siya subalit ang ibinigay niyang sagot ay 'maghintay ako sa tamang oras' at iyon na ang huli naming pag-uusap dahil umalis na ako ng palasyo kasama ni Ruri upang hanapin si Prinsesa Celestia. Nagbabakasakali kami na kung mahanap namin siya ay mapigilan namin ang kapatid niya sa binabalak niya"
"Hindi niya alam kung gaano kapanganib para sa buong Homunibos ang binabalak niya. Nais niya bang may mabuong giyera sa dalawang panig?" nasabi ko ng hindi nag-iisip dahilan upang maging ako ay mabigla sa mga salitang binitawan ko.
"Ngunit may isang bagay akong ikinababahala, nagtataka ako, b-bakit sa Infernos? Bakit duon niya pa balak hanapin si Prinsesa Celestia gayung wala naman siyang dahilan para maparuon?" Pagtataka ni Prinsipe Chrysheight dahilan upang iwasan ko sila ng tingin.
Napatingin ako sa dalawang kamay ko na halos hindi ko na mapigilan ang panginginig.
"Paano ... Paano kung isa sa mga Daimon si Prinsesa Celestia, anong gagawin niyo? Kaya niyo ba siyang tanggapin kung ano siya? May kakayahan ba kayong tanggapin kung ano mang Mahika ang taglay niya" A-ano ba ang mga pinag-sasabi mo.. K-kapag nagpatuloy to ... malalaman nila ang totoo.
Gulat silang parehas na tumingin sa'kin.
"Ano ang sinasabi mo, Eurika? Bakit dumapo sa iyong isipan ang mga tanong na 'yan? May nalalaman ka ba?"
"I-imposible naman ang sinasabi mo, Eurika. K-kahit dalawang taon lang kaming nagkasama ... kilala ko siya, hindi siya ang tipo ng tao na sasanib sa kasamaan" sagot ni Prinsipe.
"Alam ko, kaya ginamit ko ang salitang paano dahil nais ko lang malaman ang sagot niyo kung sakaling mangyari ang bagay na 'yon. Sa mundon na kinatatayuan natin ngayon, napakarami ang uri ng Mahika na maaaring higitan pa ang mga inaakala natin. Mahika na ang inaakala nating imposible, ay posible pala"
Hindi ko inaasahan ang pag-iwas ng tingin sa' min ni Aihara. Hindi makatingin ng diretso sa'min si Aihara na parang natatakot siya. "Hindi ako sumasang-ayon sa mga tanong at sinasabi mo dahil alam ko na imposibleng mangyari ang mga bagay na 'yan. Si Prinsesa Celestia ay si Prinsesa Celestia, may pagmamalasakit siya sa Homunibos ..... kaya naman, kung totoo man ang iyong sinabi, naniniwala akong may mabuti siyang rason sa bawat desisyon niya" nakangiting sagot ni Prinsipe Chrysheight na hindi namin inaasahan ni Aihara.
"Kung iyan ang iyong sagot, ginagalang ito" ngunit, nagkakamali ka Prinsipe, dahil wala tao sa buong Homunibos ang makapagsasabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Alam ko ang buong nangyari, alam ko ang bawat salitang binitawan ni Reyna Hestia ... dahil ang totoo ...
"Dapat siguro magpahinga ka na, kung ano-ano ng naiisip mo. Ikaw rin Aihara. Dahil sa nangyari imposibleng magkaroon ng klase ang mga non-Elementalers at ipanatili nalang sila sa Dormitoryo nila. Magpahinga muna kayo, babalik ako" at ngumiti si Prinsipe Chrysheight bago tuluyang lumabas ng silid.
Nakukuha niyang ngumiti dahil wala siyang alam ... dahil wala siya sa kinakatayuan ko.
CHRYSHEIGHT'S POV
Paano nga kaya kung nasa Infernos ang hinahanap ko, pero bakit sa Infernos? Bihag ba siya ng mga Daimon? Pero kung makapagsalita si Eurika ng ganuon ay parang may alam siya na hindi namin nalalaman ...
"Prinsipe! Kamusta ang lagay nilang dalawa?" Napalingon ako sa labas ng tawagin ako si Ruri.
"Nagkaraoon na sila ng malay. Ngunit hindi pa bumabalik ang buong lakas nila"
"Mahala na Prinsipe, may problema ba? Kakaiba ang hangin sa iyong paligid. Ano ang iyong pinangangamba?"
Ngumiti ako dahil batid ko na isa si Ruri sa mga taong mapagkakatiwalaan ko, "Ang mga salitang binitiwan ni Eurika. Hindi ko mapigilan na hindi isipin ang mga sinabi niya, paano kung wala nga sa mundong kinatatayuan natin ang taong hinahanap natin?"
Hindi ko inaasahan ang pagngiti niya sa'kin, "Hindi nagsisinungaling ang mga hangin, Prinsipe. Nararamdaman ko na nasa malapit lang siya at lagi tayong pinoprotektahan. Naniniwala ako na babalik din siya sa atin. Naniniwala ako na siya ang magbibigay ng kapayapaan sa mundong ito"
"Salamat, Ruri. Masaya ako na may kasama ako sa bawat araw na hinahanap-hanap ko ang Prinsesa"
"Ganun din ang aking nararamdaman, Mahal na Prinsipe. Kaya naman, h'wag tayong susuko hanggat hindi natin siya nahahanap" tumango ako at lumaki ang ngiti niya.
"Kailangan namin ng inyong tulong. Gumagamit ka ng Barrier Art, hindi ba? Kailangan kayo sa dormitoryo ng mga non-Elementalers" tumango nalang ako at naglakad na kami papuntang dormitoryo.
Naabutan namin ang ilang Elementalers na nagca-cast ng Rune Art. "Mahal na Prinsipe, kung maaari po sanang mag-cast po kayo ng Barrier Art sa buong gusali ng dormitoryo ng mga non-Elementalers"
Tumango ako "Third Barrier Art, Vast" dahil sa sobrang lawak at taas ng building ay natatagalan ako at dahil duon habang naggagawa ako ng Barrier ay kung ano-ano na ang naiisip ko. Bigla ko nalang naalala ang pag-uusap kanina ni Eurika at ni Prinsea Hestia.
FLASH BACK
Umiwas ng tingin si Eurika "Umalis siya ng alam mo ang dahilan, ikaw lang ang nakaaalam ng dahilan na 'yon. At ikaw lang ang nakaaalam kung paano matutukoy kung sino talaga ang tunay na Prinsesa Celestia" at tumingin siya dito ng seryoso.
"Hindi ko alam ang tinutukoy mo, Elementalers. Pero alam ko ang tinutukoy mo na magtuturo sa'kin kung sino ang totoong Celestia .... gamit ang mahikang iyon. Hindi ko inaasahan na mayroon ng mga Elementalers na katulad niyo. Nais ko rin na malaman ang iyong pangalan, sino ka?"
"Sa ngayon Mahal na Reyna Hestia, ako si Eurika Seigford" S-sa ngayon? Ano ang ibig niyang sabihin?!
"Ikinagagalak ko kayong makilala Eurika Seigford at Aihara Vastia. Pero bago ako lumiban, may nais lang akong itanong sa'yo ... Eurika"
Tumingin ng diretso si Eurika at naghintay ng sagot "Paano mo nasabi ang mga bagay na iyan kung kaming dalawa nalang ang naruon ng maganap ang Dark Morning?"
"Masasagot ang inyong katanungan sa muli nating pagkikita, Mahal na Reyna. Pero sa pagkakataon na 'yon ... ay mukang sa digmaan na"
END OF FLASHBACK
Kahit isa wala akong naintindihan sa pag-uusap nila. Ano ang tinutukoy ni Prinsesa Hestia na mahika na magtuturo sa kanya kung sino talaga si Prinsesa Celestia? Nalilito na ako! Ano ba kasing nalalaman ni Eurika na hindi ko alam?
To be continued ...