CHRYSHEIGHT'S POV
Makalipas ang tatlong araw ay naging maayos na ang lahat dahil sa pagkakaisa ng bawat Elementalers. Naibalik ang mga nasirang gusali. Nagamot ang lahat ng sugatan at kumikilos na ang lahat ng mga tao sa paligid na mistulang walang nangyari at walang nasaktan.
Kasunod ng pagkaayos ng paligid ay ang pagtutuloy ng klase sa buong akademya.
Inalis ko ang aking tingin sa bintana na tanaw na ang maayos na paligid at itinuon ko ang aking mga tingin sa gurong nasa harapan namin ngayon.
"Sa libro ng Homunibos sinasabing ang Water Art ang pinakamalakas na Art. Dahil maaari mong baguhin ito hanggat ang ipapalit mo ay likido. Alam niyo ba na ang ginamit ni Prinsesa Hestia ay isang dating Water Art, binago niya ang uri nito at ipinalit ay ang Acid? Binubuo ito ng 5 Stage Art at ang pinakamalakas na stage ay ang 5 Water Art na Meteor Shower" Paliwanag ni Mrs. Heiso na nagpagulat samin. "At ang susunod ay ang Earth Art, sa Art na to magagamit mo ang mga bagay na hindi nilikha ng mga tao. Sa pagkaka-alam ko ay isa ito sa mga Rare Art dahil mahirap itong maperpek, ang totoo wala pa akong kilalang gumagamit nito, binubuo ito ng 4 stage Art. At ang susunod ay ang Ice Art, ito ang Art ni Prinsipe Chrysheight" lumingon siya sa'kin.
"Malakas din ang Ice Art dahil kaya mong gawin ang lahat gamit ang yelo. Sa Art na 'to kaya mong patigilin ang oras ng isang tao gamit ang Second Ice Art na Wrap, babalutin ang buong katawan ng yelo pero! Depende ito sa taong kalaban mo, maari parin siyang makawala kung mas mahihigitan niya ang lakas ng gumagamit nito at magtatamo lang ng sugat. Ang Ice Art ay binubuo ng 5 stage Art, at kung napanuod niyo ang laban niya ay paniguradong alam niyo na ang mga sinasabi ko"
"Mrs. Heiso, gusto ko pong malaman kung ano ang pinakamalakas na Art ang ginagamit sa Infernos" lahat kami ay napatingin sa isa naming kaklase dahil sa bigla niyang pagtanong tungkol duon. Si Aihara at Eurika ay parehas umiwas ng tingin na kaagad ko namang napansin "Tanging isang Elemento lamang ang ginagamit duon, at iyon ang Fire Art. At kung ano mang Supporting Art ang ginagamit dito ay naduon rin, katulad nalang ng Healing Art at Strength Art. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit wala ni isang Elementalers ang gumagamit ng Fire Art?" Tanong ni Mrs. Heiso.
"Dahil ang mga Daimon lang ang may kakayahan na kumontrol ng apoy?" Tanong ni Eurika kahit wala sa harapan ang buong atensyon niya.
"Tama, dahil iba ang dugo ng mga Daimon. Alam niyo na to ngunit hayaan niyo akong magsalita at ipaliwanag ito sa inyo, may dalawang uri ng apoy sa Infernos--" putol ni Aihara na ikinabigla ng buong klase.
"Ang pula at ang itim na apoy. At ang tanging nakakahawak lang ng itim na apoy ay ang Royal Familia sa Infernos, habang sa mabababang uri ng Daimon ang pulang apoy. Ito ang unang pinag-aaralan mula pa Elementarya, Mrs. Heiso, kinakailangan pa po ba natin itong pag-aralan ng paulit-ulit?"
"Aihara, alam kong isa ka sa mga biktima ng nakaraan ngunit kailangan natin itong maintindihan upang atin itong matanggap at mas lalo pang lumakas para sa hinaharap" at ibinalik ni Mrs. Heiso ang mga tingin sa aming mga estudyante "Sa ngayon, pinaniniwalaan ng lahat na pulang apoy nalang ang natitira sa Infernos at ang itim na apoy na nakita natin sampong taon na ang nakakalipas ay ang--" ngayon si Eurika ang nagdugtong "Ang huling Itim na apoy ng Hari ng Infernos"
Napalitan ng ngiti ang kaninang seryosong muka ni Mrs. Heiso. "Tama, ginamit niya ang buong lakas niya para sa Dark Morning na naging dahilan ng pagkamatay niya. Ngayon, tatanungin ko kayong lahat, alam niyo ba ang dahilan kung bakit naganap ang Dark Morning? Alam niyo ba ang dahilan ng Hari ng Infernos kung bakit sinakripisyo niya ang buhay niya para sa Dark Morning?"
Dahilan..
"Ikaw Eurika, alam mo ba ang kasagutan?" dugtong na tanong ni Mrs. Heiso at nagtama ang mga tingin nilang dalawa.
Hindi na nakasagot ang dalawa nang tumunog ang kampana na nagsisimbolo na tapos na ang klase. "Hanggang dito nalang muna tayo, kung may mga katanungan kayo huwag kayong mahihiyang magtanong. Nasa Faculty Room lang ako sa mga susunod na araw" at lumabas na si Mrs. Heiso.
Hinintay namin na magsilabasan na ang buong klase "Ano ang balak niyo sa tatlong araw na walang klase?" Tanong ni Aihara.
"Hm, hindi ako ang naka-aasign para sa Infirmary room ngayong linggo kaya halos wala rin akong magagawa, ikaw Mahal na Prinsipe ano ang iyong balak?" Sagot ni Ruri na ipinasa ang tanong.
"May mga balak na ba kayo?" Pagbabalik ko ng tanong.
"Hm, di ko parin alam" sagot ni Aihara.
"Maging ako rin" sabi ni Eurika.
Napabuntong hininga nalang ako "Pumili kayo ng Misyon sa Quest Board, pupunta lang ako sa Faculty Room" hindi ko na hinintay ang sagot nila at naglakad na ako.
Kumatok muna ako pagdating ko sabay pasok "Hm? Oh, Prinsipe Chrysheight, ano ang maipaglilingkod ko?" Tanong ni Mrs. Heiso.
"Nais ko sanang malaman kung ano ang mahikang taglay ni Eurika"
"Si Eurika? Madalas siyang hindi pumapasok sa klase ko kapag may ensayo ang mga Elementalers. Kahit isa dito sa Academy ay walang nakapagsasabi kung ano talaga ang mahikang taglay niya. At kapag lumalaban siya sa totoong laban, martial Arts lang ang gamit niya pero nakakayanan niya" katulad ng kanina ...
"Eh si Aihara? Nung araw na naglaban kami, iyon po ang unang beses na nakasaksi ako ng Sword Art"
"Ang Sword Art ... isa ito sa mga Rare Art na matatagpuan sa Homunibos. Limang taon ang kailangan bago ito matutunan. Sa huling pagtatalaga tungkol dito, bumubuo lang ito ng Tatlong Stage Art. At ang pinakamalakas na ay ang ginamit niya sayong Third Sword Art na 8 Lion Fang. Mahirap lumikha sa Sword Art ng ilan pang malalakas na Stage Art. Iyon ang nalalaman ko. Ang totoo sa laban na 'yon ko lang nalaman ang Art ni Aihara dahil ni minsan wala pa siyang pinaglaban. Siguro sadyang may dahilan lamang siya"
"Mrs. Heiso, sapat na sa'kin ang nalaman ko. Maraming salamat"
Sa 100 percent nilang dalawa, 70% ang nagtuturo sa'kin na si Eurika si Prinsesa Celestia habang 30% naman kay Aihara. Malalaman ko rin ang sagot sa mga tanong ko.
Prinsesa Celestia, makikita rin kita.
To be continued ..