Unti-unti niyang tinanggal ang kwintas niya at sa pagkakatanggal nito ay walang nangyari na ikinatahimik ng paligid. Ang tanging sumira sa katahimikan ay ang pagpapatuloy magsalita ni Aihara "Hindi ko alam ang sinasabi mo, Eurika. Napulot ko lamang ito at nabighani ako ng disensyo at wala akong kaalam-alam na ito pala ay isang Magic Tool" sabi ni Aihara. Si Eurika ay hindi na makapagsalita dahil sa gulat "Ikaw Eurika, hindi mo naman siguro kami nililinlang gamit ang bagay na 'yan?" ni Ruri. Tumango siya bilang tugon at tinanggal ang kwintas "Katulad ng sinabi ko, ginagamit ko ito panlinlang hindi sa mga kasama ko kung hindi sa mga kalaban" at katulad ng nangyari kay Aihara ay wala rin naging pagbabago sa anyo niya. "Walang patutunguhan 'to. Nasa kalagitnaan tayo ng isang Misyon kaya s

