"R-Ruri kung maaari ay buong paligid natin ay tignan mo, maging ang gubat" utos kong muli dahil silang dalawa ni Eurika ay sobrang nagulat sa sinambit ni Prinsesa Hestia. "Sa tingin ko ang mga batang nakakawala ay okay na ang lagay dahil wala na sila dito sa parte na 'to. Pero ang pinagtataka ko ay wala rin sila Prinsesa Celestia" Lumakas ang hangin at ramdam ko rito ang lahat ng pag-aalala ni Ruri. "R-Ruri hindi mo kailangang biglain ang iyong sarili. Kung magpapatuloy ka sa iyong ginagawa, ikaw ang unang babagsak" "Ito ang bagay na kinakailangan kong gawin. Maaaring kasama nila si Prinsesa Celestia. Maaaring nasa panganib din siya, maaaring sugatan din siya. Kaya kong tiisin lahat basta para sa Prinsesa" at lalong lumakas ang hangin. Parang nais niya pang halughugin ang buong mu

