CHRYSHEIGHT'S POV "Alam mo na ba ang balita tungkol sa pagkakaroon ng mga tao sa Maphier, Prinsipe?" Tanong ni Ruri. "Ou, dahil kay Prinsesa Hestia. At ang lahat ng ito para sa pahahanda sa pagbubukas ng lagusan papunta sa Infernos" "Pero Prinsipe, narinig ko rin ang tungkol sa s*******n nilang pagkukuha sa mga paslit. Bakit kailangan pa nilang gawin 'yon" sabi naman ni Eurika. "Dahil ang mga matatanda ay mababagal na kaya ang mga batang maliliksi ang kanilang pinili. Alam kong batid nila ang kakulangan nila sa lakas kaya sila ineensayo. Dahil sila ang gagamitin nila para lumaban" sagot ko. "Wala na ba tayong magagawa tungkol dito?" "Kahit gustuhin man nating gumawa ng aksiyon, wala tayong lakas laban sa susunod na magiging Reyna ng Homunibos" Hindi na sila nakasag

