AIHARA'S POV "Maaari mo akong tawaging hangal sapagkat ang lahat ng ito ay para sa kinabukasan ng mamamayan ng Homunibos. Walang sumuporta sa nais ni Prinsesa Hestia sa pagbuo ng lagusan na magkokonekta sa'tin sa Infernos kaya ko binuo ang Ghost Knight at sapilitang kunin ang mga bata para iensayo sila sa laban.Ako lang ang nagmamalasakit at sumusoporta sa susunod na Reyna! ako lang! Third Lightning Art, Lightning Sword" at galing sa itaas inatake ako ng isang mabilis na espada pasalamat nalang ako at natawag ko kaagad ang spear ko at nasagi ko ito. Lumipad ang espada niya papunta sa kanya na nagawa niya namang sapuin. "Nais ng lahat na hindi maging Reyna si Prinsesa Hestia dahil sa naging pasya niya. Bakit hindi na lamang sila magpasalamat dahil nais na alisin ng Prinsesa ang mga

