CHRYSHEIGHT'S POV Lumipas pa ang ilang araw patuloy ang pagbabantay namin kay Prinsesa Euthalia. Binuksan ko ang pinto ng silid niya at duon nakita ko nanaman na mahimbing na nakatulog si Aihara sa tabi ng Prinsesa. Wala siyang pinapalipas na kahit isang segundo sa pagbabantay sa kanya. "Sssh, mukang napupuyat siya sa pagbabantay sa'kin. Nais ko na makapagpahinga man lang siya" ang sabi ng Prinsesa habang dahan dahan niyalang pinapatungan ng kumot si Aihara. "Bakit gising ka pa, Prinsesa Euthalia?" "Kahit sa'king sarili ay hindi ko rin alam kung bakit. Sa tuwing nakikita ko ang Elementaler na ito ay pakiramdam ko ay ligtas ako. Napakagaan ng pakiramdam ko sa mga oras na alam kong nasa tabi ko siya at handa niya akong protektahan" kitang kita sa kanyang mga labi at tingin ang pagk

