SOMEONE'S POV "Ano po ba ang nais mong ipakita, Mahal na Prinsesa?" Nilingon ko ang nagsalita at ito ay isang Elementaler, si Aihara Vastia kasama si Letiestia. Tumigil ang Prinsesa sa paglalakad at humarap sa kanya ng may ngiti. Binalik ko ang tingin ko sa malayo sa pag-aakalang walang kwenta ang kanilang pag-uusapan pero nagkamali ako "Letiestia ay okay na. Iyon naman talaga ang tawag mo sa'kin nung bata pa tayo, hindi ba Celestia?" Nagulat ako sa sinabi niya dahilan para makuha nila ang atensyon ko "A-ano ang sinasabi mo?" Tanong ni Aihara. "Pebrero 08, xx00. Araw kung kailan naganap ang Dark Morning, nang malaman ko na namatay sila Ina at Ama inatake ako ng isang Daimon ... natamaan ang kanang mata ko at ang nakikita mo na ngayon ay isang Artificial Eye kaya hindi gumagana

