AIHARA'S POV "Narinig niyo na ba ang balita? Nakasama talaga si Eurika at Aihara sa misyon si Prinsipe Chrysheight at si Ms. Ruri" rinig kong bulungan matapos kong makalabas ng silid ko. Nilock ko ang pinto at patuloy na narinig ang mga bulungan "Isa itong S-Class Quest, hanga ako at buhay pa siya. Sa tingin ko ay naging pabigat lang siya kila Prinsipe Chrysheight" Pabigat ... siguro nga pabigat lang ako sa kahit sino, kahit sa mga magulang ko lalo na sa kapatid ko. Pero ano bang magagawa ko? Ito ang buhay na napili sa'kin ng nasa itaas. Ito ang buhay na kailangan kong tanggapin. "Sa iyong palagay, patuloy parin bang lalaban sila Prinsipe kasama si Aihara?" Tanong ng isang babae. Lumapit ako sa kanila ng puno ng tapang "Sa tingin ko ay hindi na, dahil ang Aihara na tinutukoy niyo ay u

