"A-ano ang iyong sinasabi?" Naglaho ang spear ni Aihara at naghilom naman ang sugat ni Eurika. "Ang mga Asuras na nakalaban natin, hindi iyon ang tunay na ugali ng mga Daimon. Hanggat wala kaming kinikilalang pinuno-- hanggat walang namumuno sa amin, nandito ang mga sobrang sama na magsisira ng mga isipan namin ... ang mga Whisper. Walang papasok sa isipan namin kung hindi ang manira, lumusob at pumatay" "Eurika, bakit hindi niyo na lamang paslangin ang mga Whisper?" Tanong ko ngunit umiling siya. "Ang mga Whisper ay walang pisikal na anyo. Para lamang silang hangin na may tinig. Napaka-imposible na mapaslang sila gamit" "At sa paanong paraan mo naman pipigilan ang mga mangyayari? " Tanong parin ni Aihara. "Kailangan kong hanapin ang nawawalang Kaiserin ng Infernos. Dahil siya ay isan

