All names of person, places, events and other affliated scenarios are purely fictional by the author.
-----------------------------------------------------------
Third Person’s Point of View
Tinitignan lang ng isang lalaki ang isang magandang dilag sa malayo.
Nakikita niya kung paano sumimangot ang maamong mukha nito.
Maraming tao ang dumadaan sa mga kalsada ng isang busy na siyudad.
Kung saan marami ang ganap sa araw-araw.
“Sir, may malaking na problema sa isa sa mga negosyo sa norte.” sabi ng isa sa mga bodyguards sa lalaki.
“Ano naman ba ang dahilan?” bulalas ng isang lalaki
“May hindi sakto sa auditing team ng North Branch.”
“Sige pupunta ako.” sabi ng lalaki at nagmaneho.
Nang makarating siya sa Norte ay nakita niya ang isang lalaki na itinali ng mga kasama niya.
Tinitigan niya lang naman ito at laking gulat niya may traydor pala sa grupo na pinagkatiwalaan niya.
Naglakad siya palapit nang palapit at tinitigan nang mabuti ang lalaki.
Sinuntok niya sa mukha ang lalaki at may sinabi.
“Sino nagbayad sayo upang hindi maging sakto ang audit dito sa North Branch?” Bulalas nito at sinuntok ulit ang lalaki.
“Wala po. Sariling kagustuhan.”
“Sarili? Utuin mo lahat huwag lang ako.” sinuntok niya hanggang sa sumuka ito ng dugo.
At nang makita niya na hindi na makahinga ay umalis na siya pero may utos siya sa mga tauhan niya.
“Alam niyo na ang gagawin dapat malinis.”
At nagmaneho ang lalaki sa malayo.
Sa araw na lumilipas sa mundo na ginagalawan natin.
Sa mga problema na pilit natin hinahanapan ng solusyon.
Lahat ng tao sa paligid hindi natin alam kung kailan mawawala.
“The verdict of the judge upon the defendant was three years of imprisonment.”
The sentence was final.
Pagkatapos ng final hearing ay isinugod ko ang judge na nagbigay ng parusa sa suspek.
“How could the defendant can be persecuted like that? It was self defense upon the victim.”bulalas ko.
“You know, there is no self defense when it comes to law.” He said.
He was shocked when I punched him hard on the face.
“I’ll tell your firm to get you suspended.” He mocked at me.
“As if I did something terrible upon you.” I said and walked away.
Umalis na lang ako sa court room to reduce on what I feel upon the judge.
Pagkalipas nang ilang minuto, may biglang tumawag sa akin.
“You were suspended from being an attorney for three months.”
“What? I just did punch his face because of his verdict upon the suspect.”
“Say something more I’ll add the months of your suspension.” He said.
Then I hang up.
Pinaglalaban mo lang naman ang client mo pero masama pala ang kinalabasan ng pangyayari.
The suspect became the defendant for the reason he stabbed a knife upon his husband whom always abuse her in a physical way.
Ilan taon rin nagdusa ang asawa niya sa araw araw na p*******t ng lalaki sa kaniya. Lalo na kapag ito ay nalasing at nasobrahan sa pag inom siya ang pinagbubuntunan nang galit ng biktima.
Kaya nga nagawa niya yun upang depensahan ang kaniyang sarili pero hindi kinikilala ng prosecution na humahawak ng kaso.
Kaya ayun tatlong taon na pagkakulong ang ibinigay para sa kaniya.
At eto ako ngayon na suspended sa pagiging attorney dahil sa walang kwenta na verdict ng judge.
Naglakad lakad ako hanggang sa makarating ako sa isang lugar.
“Ano ba meron ngayong araw? Ang malas ko naman yata.” bulalas ko.
“Nasuspended pa ako sa walang dahilan.” Dagdag ko.
Nagmuni muni ako sa gilid habang naglalakad at tinignan ang bahay sa malayo.
– Sa kabilang dako
“Sigurado ka na ba sa desisyon mo?”
“Ikaw lang ba ang pupunta dun?”
“Umalis ka na dun pero babalik ka pa.”
Bulalas sa akin ng aking tiyuhin nang pinagsabihan ko na may business expansion ako sa kabilang siyudad.
“Siguro nga. Memories bring back.” sabi ko at napabuntong hininga na lang.
Saka ipinakita sa aking tiyuhin ang business proposal na inoffer sa akin.
Kaya nga sang ayon siya sa desinyo ng building at sa lugar kung saan itatayo ang naturang negosyo.
Nagpaalam na sila sa isa’t isa at napagdesisyunan ng lalaki na pumunta sa tabing dagat upang mag isip isip ng mga bagay sa buhay.
Saka niya nakita ulit ang babae pero wala siyang lakas ng loob lumapit.
Nang buksan niya ang kaniyang cellphone ay nagulat siya kasi may emergency naman siya kakaharapin.
Nagmaneho siya nang mabilis nang ibigay sa kaniya ang GPS ng kinaroroonan ng lalaki.
Gamit niya lang naman ang isa sa mga paborito niyang sasakyan at lalo na kapag may karera siyang sinasalihan.
Nang malapit na siya sa distansiya nung sasakyan at mas lalo niyang tinaasan ang bilis upang nag plano siya na unahan at gawan ng block ang naturang sasakyan.
Nang magawa niya ang kaniyang plano ay huminto ang sasakyan at saka lumabas siya upang lumapit.
Binuksan niya ang pinto at ipinalabas ang may ari at saka sinuntok nang malakas upang mahimasmasan sa kalasingan.
“Nakaya mo pang maglasing pero nakalimutan mo magbayad ng utang sa kompanya namin.” bulalas ng lalaki sa nang utang.
“Babayaran ko naman eh kaso hindi pa sapat ang pera ko.” paliwanag nung kausap niya.
“Sige. Dahil mabait naman ako, bigyan kita ng palugit nang 15 days kapag hindi mo binayaran may dalawang choice na pagpipilian.” pagbabanta ng lalaki at saka umalis na sa pinangyarihan.
Lahat ng negosyo ay ipinasok niya upang mapatunayan sa mga tao sa paligid niya na hindi siya ang taong inalipusta ng mga tao noon.
Nagsikap siya upang mapatunayan ang lahat ng pinaghirapan niya sa kasalukuyan.
Nang makauwi siya ay binuksan niya ang television at nanood ng news.
“Sa nagbabagang mga balita, isang batang babae ang nawawala at mahigit na isang araw itong nawawala.
“Sa iba pang balita, may natagpuang bangkay sa may malapit na lawa sa isang barangay.”
“Sa balitang negosyo, may isang negosyo na ipapatayo ng mga bigaten na negosyante sa Pilipinas.”
Agad ng lalaki na pinatay ang television at nilapag sa lamesa ang blueprint ng negosyo na ibinalita sa television.
“Magiging sikat ang negosyo niyo.” Sabi na may evil na ngiti sa mga labi niya.
Nang dinalaw na siya ng antok ay may tumawag sa kaniyang telepono.
“Be there tomorrow at the site.” someone said and then hang up.
Nawala ang antok ng lalaki sa sinabi ng lalaki sa kaniya.
– Sa kabilang dako
“Uuwi ka muna sa bahay natin para magpalipas nang oras.”
“Doon ka muna habang mainit pa ang issue ng suspension mo.”
“Just take a vacation first.”
Mga sinabi ng mga magulang sa kanilang anak na babae na sinuspend bilang attorney.
Kaya agad napagpasyahan ng babae na mag impake at umalis sa kanilang bahay.
“Pagbalik ko mapapatunayan ko na magaling ako na attorney.”
Hanggang sa sumakay na ito ng sasakyan at naramdaman niya ang simoy ng hangin.
Ang pakiramdam na ngayon niya lang nadanas hanggang sa may tumawag sa kaniya.
“Dito ka muna sa akin bestie mag stay.”
Hanggang sa sinundo nga niya ang kaibigan at sabay sila nagbakasyon na dalawa.
Marami siyang gustong baguhin sa buhay niya.
Simula nung naghiwalay sila ng kasintahan ay nagkasunod sunod ang malas na nangyari sa kaniya.
Nawalan siya ng kuwentong pag ibig.
Napaaway siya upang masuspend siya sa pagiging attorney.
Hanggang sa may natanggap siya na email na kinukuha siya bilang isang secretary sa isang firm.
Kaya kinausap niya via call ang tumawag and sakto na sa lugar mismo na pupuntahan niya ang lokasyon.
Kapag sinuwerte ka naman ng tadhana oh.
Kaya binilisan niya ang pagmamaneho pagkatapos niyang masundo ang kaibigan.
Nang naabot sila ng gutom sa lugar ay nag drive thru sila sa paborito nilang fastfood chain.
Ang ganda ng tanawin sa daan papunta sa lugar na iyon.
Parang isang lugar na pinapangarap ng ibang tao na gusto nila mamalagi sa lugar na iyon.
Habang nagtataka sila nang pawala wala ang ilaw sa dinadaan nila.
Patay sindi ang mga ilaw sa daan na parang may namatay sa lugar.
Hanggang sa may nakita silang anino sa malayo upang tumayo ang mga balahibo nila.
Nanginig na nanlalamig ano ba meron na kababalaghan malalaman nila sa lugar kung saan sila magbabakasyon.
Matagal naman sila sa lugar pero ang babae ay mismo bago pa lang sa lugar na iyon.
Parang bago pa sa kaniya lahat na pakiramdam niya ibang buhay ang madadanas niya sa lugar na iyon.
Pagkarating nila sa bahay ng kaibigan ay ang galang ng mga tao na nakakasalubong nila sa daan.
Ibang iba siya sa bahay kung saan lumaki ang babae.
Gusto niya maranasan mabuhay nang mag isa at independent.
Siya ang tipo ng tao na willing baguhin ang buhay para maranasan niya ang realidad.
Hindi siya nagsisi na nakapunta siya sa lugar na iyon.
Hanggang sa makarating ang babae sa itaas kung saan siya matutulog ay may nakita siya.
Isang litrato ng isang batang babae.
Kung makikita mo sa pagmumukha ay parang lumaki ito sa marangya na pamilya.
Kaya ipinagpatuloy niya ang pag aayos ng mga gamit niya sa kuwarto.
Hanggang sa nakaramdam siya ng pagod at hindi namalayan nakatulog na pala siya.
Dahil sa pagod sa biyahe.
Hanggang sa may isang pamilyar na figura sa malayo na nakatitig sa siyudad.
Naninigarilyo at ibinuga sa hangin ang usok mula sa tobacco.
“Ako ay nagbabalik.”