Tahimik na sumapit ang umaga sa crib ng mga Cheng. Hindi kumikibo si Sinica habang nakatingin sa napakagandang tanawin sa labas ng kanyang bintana. Tapos na siyang mag-agahan at napainom na rin siya ng gamot ng kanyang nurse. Hiniling niya rito na iwanan muna siyang mag-isa dahil gusto niyang mag isip ng kung ano ang dapat gawin. Tinitigan niya ang magkabilaan niyang kamay at napagtanto niya na marami na pala itong nagawang kasalanan. She remember the day when she asked her private investigator to tail her husband, doon niya nalaman ang sekreto nito na pilit itinatanggi ng kanyang puso't-isipan. Gayon rin ang pagkakaalam niya na tinatakot ni Veronica si Apollo upang mapasunod ito. Bago pa man mamatay si Veronica at isampal sa mukha niya ang sekreto ng asawa ay alam na niya iyon. Kaya natak

