Habang ang pamilya Cheng ay dumadaan sa pagsubok, lihim naman na ginagapang ni Arthur ang mga acolytes ng crib. Hindi siya papayag na walang mananagot sa pagkamatay ng kanyang mag-ina. Nasa loob siya ng kaniyang kwarto at nasa harapan niya ang mga taong naging malapit kay Sydney at Connie. Batid niyang makakakuha siya ng clue kapag napagtagni-tagni niya ang mga pangyayari. Napatitig siya sa larawan ni Stephen, batid niyang naging kalaguyo ito ng asawa kaya naging matabang si Connie sa pagsasama nila bilang mag-asawa. Ngunit pikit-mata niyang tinanggap si Connie kahit pa may iba na ito dahil gusto niyang mag-imbestiga sa pagkamatay ni Sydney. Ngunit hindi niya sukat akalain na susunod rin si Connie sa nasirang anak sa napakabilis na panahon. He got nothing to lose kaya gagawin niya ang lah

