Nababalot pa rin ng samo't-saring emosyon ang buong pagkatao ni Sinica nang magdesisyon itong paandarin ng mabilis ang sasakyan. Wala ito sa sarili ngunit nais nitong makalayo sa kinaroroonan ng asawa at ng kalaguyo nito. Minsan siyang nakaramdam ng pagsisisi dahil sa pagpilit sa sarili na alamin ang totoo. Kung nagbulag-bulagan lamang siya ay baka-sakaling hindi pa rin niya ang alam ang totoo. Doble ang sakit na nadarama niya ngayon sapagkat hindi lang niya nalaman na may kalaguyo nga ang kabiyak, kung hindi nalaman niya pang isa itong binabae. Hindi niya mawari kung bakit siya pinaparusahan ng Diyos, naging mabuti naman siyang asawa at ina sa mga anak. Ngunit bakit siya nito binigyan ng sandamakmak na suliranin? Bakit?
"Aaah! How can you do this to me? How?!" malakas na hagulhol niya. Tila nakiki-ayon ang langit sa kanya dahil biglang umulan ng malakas. Malalakas at malalaki ang bawat patak ng ulan kaya naman bigla siyang nahirapang magmaneho. Hindi siya sanay na magdrive sa kalsada na malakas ang ulan dahil takot siya at madulas rin ang daan. Idagdag pa ang sakit ng damdamin niya na nararamdaman kaya lalong nabalot ng takot si Sinica. Dahilan upang mawalan ito ng focus sa minamaneho at sa isang iglap lang ay nakita na lang niya na babangga na siya sa nakaparadang kotse. Sinubukan niya itong iwasan ngunit hindi niya napansin ang humahagibis na truck, dinig niya ang nakakangilong pagkayupi ng mga bakal at ang nangangalit na gulong. Nagpaikot-ikot ang sasakyan ni Sinica hanggang sa tuluyan itong bumangga sa mga concrete barriers.
"Oh God! Please help me! I don't wanna die!" piping usal ni Sinica habang ramdam ang pagkaipit ng kanyang mga paa. Hindi rin niya maigalaw ang sarili dahil may kung anong nakaipit sa kanyang katawan. "Please, save me! Anyone, help!" aniya. Ngunit kahit anong sigaw ng isip niya ay hindi siya maririnig ng mga ito. Hanggang sa tuluyan ng nilamon ng kadiliman ang katauhan ni Sinica.
Habang tumatakbo ang ilang respondents ay nataranta ang mga ito nang makitang lumungayngay na ang isang kamay nito. Walang inaksayang panahon ang mga sumaklolo sa kawawang ginang, kaagad ng mga itong naialis sa pagkakaipit ang walang malay na Sinica at mabilis na isinakay sa stretcher at inilagay sa ambulansiya. Kaagad nilang dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang ginang sa pag-asang mailigtas pa ang buhay nito.
"Where's your mom?" bungad ni Apollo kay Austin. Kakauwi lang niya at iyon agad ang unang nabigkas niya pagkakita sa anak na nanunuod ng T.V sa salas.
"Why are you asking me? Aren't you the first one to know her whereabouts?" ganting sagot ng binata.
"Stop your arrogance, Austin! I am clearly asking you!" malakas na bulyaw ni Apollo sa anak.
Waring nagulat naman si Austin sa reaksiyon ng ama kaya bigla itong naging seryoso. "I don't know where she is, she didn't made a single call all day long." turan ng binata.
Siya namang pasok ni Laura at naabutan ang nag-uusap na mag-ama. "Excuse me, sorry for butting in. I think, Elvis drop a call earlier this evening. He came home early because Madam Sinica has an important appointment in a certain place and would like to drive alone."
"You mean, Sinica drive by herself?" pagtitiyak ni Apollo.
"Yes, Mr. Cheng." sagot ni Laura.
"She's a sucker when it comes to driving, and it's raining cats and dogs outside! It's not safe for her behind the wheels." alalang bulyaw ni Apollo. Gayunpaman ay humingi rin ito ng pasensiya kay Laura dahil hindi naman kasalanan ng huli ang naging desisyon ng asawa.
Ang totoo ay hindi lang nag-aalala si Apollo sa asawa, nakakaramdam din ito ng guilt dahil batid niyang siya ang dahilan kung bakit nagkakaganoon ang kabiyak.
"I will call Elvis to find mom," boluntaryong wika ni Austin. Dinampot nito ang cellphone at idinial ang numero ng driver at kaagad naman itong sinagot ng tauhan.
"Yes, young master? Is there anything I could help you about?" ani Elvis.
"Uhmm, about my mom. My dad is pretty worried about her. She's not home yet and there's a heavy rain outside. You know that her driving skills weren't good, right?"
"Please hold on, I think I can track the vehicle's location right now," ani Elvis.
"Okay."
Habang naghihintay si Austin sa tauhan ay bigla namang tumunog ang kanilang landline phone at kaagad naman iyong sinagot ni Laura.
"Hello?"
"Is this Apollo Cheng's residence?" ani ng kabilang linya.
"Yes, Sir. How me I help you?"
"Can I speak to Mr. Apollo Cheng, please?"
"Sure thing," ani Laura at ibinigay sa among lalaki ang telepono.
"This is Apollo, speaking." aniya.
"I am Dexter Lau and I am calling from TriService Hospital, and this is to inform you that your wife Sinica Cheng had a traffic accident. She was confined her for about ten minutes and she was unresponsive. We would like you to come here to meet with the doctors as fast as you can. Your wife might be needing surgeries right away."
Sa tindi ng pagkabigla ni Apollo ay nabitawan nito ang telepono at patakbong tinungo ang pintuan at sumakay sa elevator. Mabuti na lamang at hindi pa nakakauwi si Eddie kaya napagmaneho siya nito patungo sa nasabing ospital.
"What happened to dad?" takang tanong ni Austin, dinampot nito ang nabitawang telepono ng ama at narinig niya na may nagsasalita pa galing sa kabilang linya.
"Hello Mr. Cheng, are you still there?"
"My dad just left the house, may I know who's this?" magalang na tanong ni Austin.
"Hi, this is Dexter and we would to ask for your mother's health card insurance. Due to accident we couldn't find her health card. We just had her purse with her mobile phone. Her car was totally wrecked right now and already being taken cared of. Please find it, and bring it to TriService Hospital as soon as you can. Thanks!" ani Dexter, bago nito pinutol ang tawag.
Ilang beses na kumurap si Austin sa pagbabakasakaling nananaginip lamang siya.
"Young master? Are you still there?" ani Elvis sa kabilang linya. "It seems like your mom had gone through the car shop. Her car may be broken right now. Don't worry, I'll try to get there to pick her up."
"You don't have to," tila wala sa sariling wika ng binata.
"I beg your pardon?"
"My mom just had an accident, she's in the hospital right now." emosyonal na wika ni Austin.
"What?! What happened? Oh my God!" bulalas ni Laura.
"Please find her ID's. I need to go there right now, my mom didn't bring her health card. The hospital was asking for it." mando ng binata.
Mabilis namang gumalaw si Laura at kinuha nito ang kailangan ng binata. Kapagkakuwa'y mabilis na lumabas si Austin. Sumakay ito sa kanyang motor at mabilis itong pinaandar papunta sa ospital na kinaroroonan ng pinakamamahal na ina.
"Hold on, mom! I'm coming!" ani Austin ng paulit-ulit.
Sana ay maging okay ang kalagayan ng ina, ang alam niya ay naaksidente ito at kailangan ng health card. Pero hindi nila alam kung gaano iyon kalala.