EP.33

1123 Words
Kapwa tahimik ang mag-amang Apollo at Austin habang naghihintay na matapos ang surgery ni Sinica. Malala ang lagay ng mga binti nito at kung nahuli sila ng ilang minuto ay baka ma-amputate ang parehas na binti ng ginang. Ang sabi ng doktor ay malaki ang pinsala ng parehas na binti dahil sa matinding pagkakaipit niyon. At ang surgery na gagawin sa ginang ay isang kaunti lamang ang porsyento na makakabawi ito at kung sakali man na gustuhin ni Sinica na makalakad ay kinakailangan muna nitong dumaan sa madibdibang theraphy. "What happened to mom?" humahangos na wika ni Agatha. Bakas ang hindi matatawarang pag-aalala sa mukha nito, basa na rin ang pisngi dahil sa hindi maawat na pag-iyak. Natawagan na ni Austin ang dalawang kapatid at naibalita sa mga ito ang kinahinatnan ng kanilang ina. Imbes na may dalawang araw pang bakasyon si Agatha ay nagdesisyon itong putulin na para saklolohan ang ina. "She's still in the operating room, according to the doctor, it would be long for mom to walk on her own. Both of her legs was badly shattered and they're trying their best to save her from amputation," ani Austin. "Goodness gracious! Mom won't be happy if she wakes up, and she finds out what happened to her legs." "Putting myself on her shoe, I, myself will be upset, too!" Binalingan ni Agatha ang ama na tahimik lamang habang nakaupo sa upuan para sa mga pamilya ng inooperahan. "What happened to mom, dad?" usisa nito. "I don't know, her driver told me that she has meeting tonight. She drive by herself and did not take Elvis with her," "Why would she do that, she knows that she's not good at driving!" "I honestly don't know, Agatha. I was shocked just like you..." ani Apollo. "She must learn something horrible, that's why she got an accident because she can't take the pain inside her." sabad ni Audrey. Kakarating lang din nito at narinig ang usapan nila. "Mom is not stupid, she might be good at handling business but she knows for sure that she couldn't drive that good, to think that it's raining. Something triggered her to do that," dagdag nito. Lumipad ang tingin ni Audrey sa ama, tila nag-aakusa ang mga titig ng dalaga. Deep inside her, she knows that her father is partly to blame. "Don't look at me like that, Audrey. I know I am not perfect, but I did my best for all of you. If you are thinking that this is my fault, sorry to disappoint you, however, I'm not the person who pushed your mom to her limit." pagkakaila ni Apollo sa harapan ng mga anak. He will not let his children know about his secret, he will bring that secret in to his grave. "Enough with this, mom is in grave danger and you two never seized the moment to fight. Unbelievable!" ani Austin. Tumingin si Audrey sa kapatid, "I wonder if you can still say those words once you find out the truth," makahulugang wika ni Audrey sa kapatid. Nginisihan niya ito na parang nakakaloko. Pagkatapos ay tumingin sa kanyang ama, gusto niyang saktan at pagsalitaan ito ng masasakit. Dangan nga lamang ay kailangan niyang magtimpi. Suppressing her anger at the moment will not cost her in any way. But realizing the gravity of mother's ordeal made Audrey lose her mind for a moment. Maya-maya pa ay lumabas na ang doktor na may hawak kay Sinica. Sinabi nito na tapos na ang surgery ng ginang at kasalukuyang ililipat sa Intensive Care Unit. Kailangan nilang sumama sa paghatid sa ginang sa room na iyon para alam nila kung saan sila pupunta sa susunod na dadalaw sila. Sina Agatha at Austin lang ang pumasok sa loob, dalawa lang kasi ang allowed na pumasok ng sabay. Parehas sila nakasuot ng hospital gown para masigurado na hindi nila malalagyan ng mikrobyo ang maysakit. Maraming nakakabit na aparato sa katawan ng kanilang ina kaya gayon na lamang ang awa na naramdaman ng dalawa. Wala pa rin itong malay at kinakailangang obserbahan rin ang blood pressure nito maging ang heartbeat. "Who did this to mom?" naluluhang tanong ni Agataha. "I don't know, either. But, swear to God, I won't give a s**t once I found out who it was. I'll punish that person with my own bare hands!" ani Austin. "Mom, please have a full recovery as soon as possible, we hate seeing you this way. You can hear us, right?" umiiyak na anas ni Agatha. "Yes mom, we don't want to see you like this. It breaks our heart so much. Please be well," segunda naman ni Austin. Trenta minutos silang naglagi sa loob at noong papalabas na sila ay inabutan sila ng listahan ng nurse. Kinakailangan nilang bumili ng adult diaper, tissue, wipes, dry shampoo, soap at iba pang personal gamit para sa personal hygeine. Dahil sa sitwasyon ni Sinica ay kinailangan itong lagyan ng catheter para sa ihi nito at kailangang mag diaper para sa dumi. Hindi rin kasi ito makakatayo pa. Kaya wala rin itong choice kung hindi magsuot ng diaper. "We're going downstairs to buy all of this," ani Agatha sa ama at kapatid na si Audrey. Ang dalawa naman ang papasok sa loob ng ICU. "Okay, be careful." ani Apollo. Tumango lang ang dalawa sabay alis. Sa baba ng ospital ay may mga botika na pwedeng bilhan ng medical supplies. May mga groceries din para sa mga personal necessities ng mga pasyente at bantay. May malaking foodcourt din kung saan masasarap ang pagkain dahil mga branch ng restaurant ito at hindi basta pagkain na gawa ng mismong ospital. Wala silang inaksyang panahon at kaagad na binili ang kakailanganin ng ina. Pagkatapos ay nag-aya si Austin na kumain muna bago bumalik sa room ng ina. "Let's eat at Yoshinoya, I've heard that their smoked fish fillet is the best! It's cheap yet the taste is superb!" ani Austin. "Okay, let's go!" sang-ayon ni Agatha. Mabuti na lamang at walang gaanong pila kaya kaagad ding nakapag-order ang dalawa at tama ang sinabi ng kapatid. Masarap nga ang pagkain dito sa murang halaga ay busog ka na. Samantala, tahimik naman si Audrey habang nakaharap sa ina. Gusto niyang umiyak ngunit hindi niya magawang ilabas ang kinikimkim na emosyon niya. Gusto niyang humiyaw ngunit walang boses na lumalabas sa bibig niya. Ni walang luhang pumapatak sa mga mata niya kahit humahagulhol ang kalooban niya. Sunod-sunod na trahedya ang dumarating sa buhay ni Audrey at tila bibigay na ang natitirang habi ng katinuan niya. Lumipad ang tingin niya sa ama. Tahimik lamang ito habang nakatitig sa asawa. Kung siya lamang ang masusunod ay ayaw niyang naroon ang ama. Dahil tiyak niyang ito ang dahilan ng pagkaka-aksidente ng mommy niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD