Lulugo-lugo si Audrey nang makabalik sa crib. May kanya-kanya silang dalang kotse kaya hindi sila magkakasabay na nakarating. Hindi muna siya dumiretso sa unit nila, bagkus ay nagtungo muna siya sa garden kung saan siya nagpapalipas nang sama ng loob. Gusto niya munang kumalma, baka sakaling makatulog siya kaagad kapag hindi na masyadong mabigat ang nararamdaman niya sa kanyang dibdib.
"Billions of people around the world, and most probably you're not the only one who has problem." wika ng baritonong tinig mula sa likuran niya. Paglingon ng dalaga ay nakita niya si Dylan na nakatayo at maluwang na nakangiti sa kanya. Sa magkabilaang kamay nito ay may milk tea na hawak galing sa paborito niyang shop na Coco. Ang sa kabilang kamay nito ay passion fruit na may kasamang konjac jelly at coconut jelly. At sa isa naman ay sugarcane cold brew tea with lemon.
"What are you doing here? I want to be alone, please leave..." Mahinang sagot ni Audrey. Wala siyang lakas para magtaray sa lalaki. At wala rin siya sa tamang pag-iisip para makipag diskusyon.
"Rule number one, do not push anyone away just because you think it's okay to be alone. Sometimes, people who are gasping for air tend to drowned by not grabbing the hands that extends to them."
"I'm fine, don't think you know me when you don't." aniya sabay halukipkip ng mga braso.
Sa tingin niya ay walang balak umalis ang lalaki sa tabi niya dahil lumapit pa ito para papiliin siya kung aling tea ang gusto niya. Tinanggap niya iyon at ang pinili niya ay ang cold brew.
"Are you lost in the sea of storms?" tanong ng lalaki. Waring nang-aarok ang mga titig nito.
Audrey took a deep breath and smiled bitterly. It was unlikely her, but at that moment, she let her guard down and started opening up. Her chest is in chaos and Dylan is right there para samahan siya.
"My two bestfriend is gone. And now, my mom is in the hospital fighting for her life." mahinang sambit ng dalaga.
"I'm sorry to hear that, it must be so hard for you to deal with it."
"It is, I keep thinking that I give misfortunes to my friends. And now, I don't even know what happened to mom. This is so frustrating!"
"Hey, don't say that! Things might happen to other people close to you. But, it doesn't mean that it's your fault. You cannot blame yourself for someone else's destiny." wika ni Dylan.
"I don't know... I've been having a hard time to digest what ever is happening around me. It was just too much!"
"You're not alone. I am here, we can be friends anyway. I admit that I scares you off before, you just misinterpret me, but my intention with you is nothing but the best." ani Dylan. "I just want to befriend you, please don't push me away, Audrey..." hiling-pakiusap ng binata.
Audrey feels a sudden relief hearing those words from a stranger. "Thank you!" nakangiting sagot niya.
Dylan smiled at her. Sa kalooban ng binata ay labis itong nagdiriwang. Sapagkat sa tingin niya ay simula na iyon ng pakiki-pagkaibigan niya sa dalaga. Sa wakas ay unti-unti na siyang nakakapasok sa mundo nito. At hindi siya papayag na hindi iyon mauwi sa pagmamahalan. Gagawin niya ang lahat para tuluyang mahulog sa kanya ang dalagang anak ng mga Cheng.
Si Agatha naman ay dumiretso na kaagad sa kanyang kwarto para magpahinga. She was tired and she badly needed rest. She informed Astrid about her mom and she understands her situation.
Si Apollo ay kausap si Laura at nagbilin ito sa mga dapat gawin sa bahay lalo na at wala ang ilaw ng tahanan. Ibinilin din nito na sabihin kay Rona na ito muna ang bahalang maghandle sa mga emails ng amo habang nasa ospital pa ito.
"Why are you here? I told you not to come without telling me first!" pabulong na wika ni Crystal ng mabungaran si Austin na nasa kabas ng kanyang pintuan.
Nasa bahay ang kuya niya at kasalukuyan itong nagpapahinga. Ayaw niyang makita ng kapatid niya na mayroon na siyang boyfriend na itinatago.
"Can you lend your shoulder instead of scolding me?" pabulong na sagot ni Austin. "I will leave as soon as I get what I want. My chest is heavy and I just needed you to calm me down, please?"
Nagtataka man ang dalaga, ngunit ibinigay niya pa rin ang gusto nito. Hinila niya ang nobyo sa sulok at niyakap ito ng mahigpit. Tinapik-tapik niya pa ang likod nito para mas lalong kumalma ang binata.
"What's wrong?" tanong ng dalaga.
"My mom is in the hospital right now, she was badly injured..." sagot ng binata. Ramdam niya ang sakit na nararamdaman ng nobyo. Umiiyak na rin ito ng tahimik sa balikat niya.
"Everything will be alright, ssshhh!" paulit-ulit na sabi ng dalaga hanggang sa tuluyang kumalma si Austin.
Magpapaalam na sana itong umalis nang biglang bumukas ang pintuan at iluwa mula roon ang kapatid nito.
"Why do you stay in the dark? Is this your way of recieving visitors, Crystal? Come inside." ani ng kuya ng dalaga.
"No Sir. I'll be going now. Thank you so much! I'll come inside next time." sagot ni Dylan habang pinapalis ang mga luha sa mata.
"Are you sure? Maybe you want to grab some drinks with me?"
"No, thank you Sir. I'll be driving and I don't want to drink alcohol right now. But, thank you for your offer. I gotta go, thank you Crystal." ani ng binata. Ngumiti ito sa kasintahan bago nagmamadaling tinungo ang sasakyan nito.
Tinanaw pa ng magkapatid ang papalayong sasakyan nito bago sila nagsipasok sa loob.
"Who is that guy? Why coming here at this hour?" usisa ng lalaki.
"He's a friend, Anton." maikling sagot ng dalaga.
"A friend, with that cute snuggles?"
"Spare me with your judgements, please... I didn't let you live with me just to lecture me around." ani Crystal.
Nilayasan niya sa salas ang kapatid para matigil na ito sa kakatanong. Gusto niya pang tawagan si Austin para usisain rito ang buong kwento.
Pakiramdam niya ay malaki ang pinagdadaanan ng binata kaya ito nagtungo sa kanya. Kilala niya si Austin, when ever he is in trouble, hinahanap siya kaagad nito para kumalma. He finds tranquility in her, and she is thankful na nakakatulong siya sa pag balanse ng mood ng binata.
Nakailang dial siya sa numero ng binata ngunit hindi iyon nasagot ng huli. Ilang minuto pa ang lumipas bago tumawag ang binata para sabihin rito na nakarating na ito sa crib. Nagda-drive pa pala ito noong tumatawag siya kaya hindi ito sumagot sa takot na maaksidente rin kagaya ng sinapit ng ina.