EP.35

1051 Words
Mahigpit ang pagkakatali sa mga kamay at paa ni Cyla. May piring din ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung nasaan siya naroon pero dinig niya ang tawanan ng mga lalaki na bumihag sa kanya. Sinubukan niyang gumalaw upang lumuwag ang pagkakatali sa kanya ngunit pakiramdam niya ay lalo lamang humigpit ang pagkakagapos nito. Marahil ay napansin siya ng mga bantay kaya nagsilapit ito sa kanya. "It's good that you're awake. Have some food." utos ng lalaki. May hawak itong tray na may lamang fried rice, stinky tofu, stir-fry vegetables, marinated fish, boiled pork with seasoned soy sauce together with grated garlic. May prutas rin na mangga na hiwa na at isang basong malamig na tubig. "Is that my last meal?" sarkastiko niyang tanong. "Is it poisoned?" "Of course not! We are not paid killers, and we are not asked to kill you." "Then, why did you kidnapped me? I did nothing wrong to be treated this way! Who is your master?!" "Really? Are you sure about that? About my master, that is our top secret, we refuse to share it woth you." "Yes! So, let me go! My father must be waiting for me! And if I didn't go home, he'll notice and once he reported it to the police, you're all done." pananakot ng dalaga. Ngunit sa halip na matakot ay nagtawanan lang ang mga ito. "Your father? As far as I know, your father seems to enjoy other girls company." ani ng lalaki. Ipinakita nito ang video recording ng ama na may kasamang prostitute at nagkakasiyahan sa loob ng isang high-end bar sa New Taipei. "Let me go! Please, I beg you! Let me go home! I want to go home! This is illegal! Please let me go..." pakiusap ni Cyla. Ngunit kahit anong panaghoy niya ay hindi siya pinagbigyan ng mga ito. "Don't worry, we're not going to touch you. Just consider this as force vacation leave. You'll stay here free of rent and foods." ani ng lalaki. "Why do you have to lock me up? Who ordered you to do this?!" asik niya. "The rule of the thumb says, no questions needed. Just stay, relax and repent." anito. "Repent what?!" tanong nito. "It's your job to find out what you did wrong. Don't worry, you have much time to do that." Sinenyasan ng lalaki ang mga kasama nito. Kinalagan siya ng mga ito at dinala sa isang kwarto. Nagulat pa siya sa loob niyon dahil maganda ang pagkaka desinyo ng kwartong iyon. Parang kagaya ng kwarto niya sa crib. May sarili ring television set, sariling toilet and bath at queen size bed. Mayroon ding built-in closet sa gilid at nang buksan ng lalaki ay tumambad sa kanya ang sandamakmak na damit. Mula sa summer season hanggang sa winter season. Mayroon ring sariling aircon sa silid niya. "What the hell is this?" hintakot niyang sambit. Pilit siyang kumakawala sa mga ito ngunit wala siyang panama sa lakas ng mga ito. Idagdag pa ang kung anong itinurok sa kanya ng lalaki kaya bigla siyang nanlupaypay. Pagkatapos niyang manghina ay inihiga siya nito sa kama at nagsalita. "We will deliver you food in every meal time. You must not waste it or you're gonna starve for days. All foods are delicious and not to be wasted." ani ng lalaki sa kanya. "And don't worry, it is safe to eat." dagdag nitong sabi. Pagkatapos nitong ilagay ang ilan pa niya g mga gamit ay nagsilabas na ang mga ito. Rinig niya pa ang pag click ng pinto. Ini-lock ng mga ito ang pintuan para matiyak na hindi siya makalabas. "Why detain her like this? She has a wonderful life even now. Why waste money for someone like her?" ani ng isang lalaki. "None of our business, our job is to follow order. Let her live a beautiful life inside that room. We will give her everything except her freedom." sagot ng pinakalider nila. Pumasok ito sa isa pang kwarto at doon niya pinagmasdan ang dalaga. Ang kwartong iyon ay kargado ng mga hidden camera para mamonitor nila ang bawat galaw ng dalaga. Sa bawat parte ng kwarto ay may mga notes kung ano ang dapat gawin nito para hindi ito magkamali. Kapagkakuwa'y dumating ang isang lalaki na nakaitim na jacket at nakinood sa mga tauhan. "Did she tried to escape?" tanong nito. "She begs to let her go," "That is one of her impossible dream so far," anito, sabay sindi ng sigarilyo nito. Umupo ito sa namataang kahoy na silya. At sa paglilis ng mga tauhan ay tumambad ang mukha ni Elvis habang matiim na nakatitig sa kanilang bihag. "What's your plans with her?" usisa ng mapagkakatiwalaan niyang tauhan at kaibigan. "She knows too much, but we can't kill her yet. Our boss doesn't want to kill a mere cub," ani Elvis. "Let her stay and have her dulce vita in this tiny world we made exclusively for her." Ang plano ay bihagin ang dalaga pansamantala para hindi ito magbigay ng sakit ng ulo kay Agatha. Batid ni Sinica na kumikilos ang dalaga laban sa pamilya Cheng kaya naglaan si Sinica ng taong magbabantay rito. At nang malaman ni Sinica ang lihim na sikreto ng panganay ay hindi ito nag atubiling protektahan ang anak. Hindi ito papayag na may mangyaring masama sa isa sa mga anak nito. Pinasira rin ni Sinica ang recording na nakuha ni Cyla. At magmula ngayon ay mananatili ito sa kanilang pangangalaga sa ayaw nito at sa gusto. O di kaya naman hanggang sa magdesisyon si Sinica na pakawalan ito. Dangan nga lamang ay hindi pa iyon mangyayari sa lalong madaling panahon dahil nasa ICU pa ang kanyang amo at kasalukuyang inoobserbahan. Maya-maya ay tumayo si Cyla at nagpalinga-linga. Pinilit nitong makalabas sa kwarto ngunit kahit anong gawin nito ay hindi ito makakawala. Soundproof din ang kwarto nito kaya kahit magsisigaw ito ay walang problema. Lahat ng effort ng dalaga na makalabas ay nauwi lamang sa wala dahil heavily secured and buong kwarto. "Keep an eye on her. Don't make her do stupid things. Feed her well every time." bilin ni Elvis bago ito umalis. Dadalawin niya ang amo na sa ospital. Maswerte siya kung maabutan niya itong gising para magkausap sila. Nais niya ring malaman kung ano ang plano nito sa kanilang dalagang bihag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD