bc

My Ultimate Crush

book_age18+
3
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
sweet
highschool
school
like
intro-logo
Blurb

Chesca is a good girl. She has a big crush to Steven. She thought Steven is a nice guy but she was wrong. Steven is a bad boy.

Eight years ago Steven helped Chesca in an accident. Chesca never forget that.

She keeps finding the guy who saved him a long time ago. One day he saw a guy in a magazine, she enrolled the school of the guy, he learned that the name of the guy is Steven. He was shocked that Steven is a bad boy in the campus.

chap-preview
Free preview
My Ultimate Crush ----- Flash back
Nakaharap ako ngayon kay Steven Montenegro. Ang laki na ng pinagbago niya. Matangkad na siya, mukang nasa 5'9 ang height niya, maputi, chinito kaya lang, bakit siya nakasimangot? ang kakilala kong Steven laging nakatawa. 8 years ago. I was eight years old ng una ko siyang makita. Nasa beach kami ng Boracay. Hinabol ko ang bola na nilalaro namin, hindi ko alam malalim na pala ang pinuntahan ng bola, sa pagkuha ko ng bola, nalunod ako. Itinataas ko ang kamay ko para makita ako nila mama. Pero hindi nila napansin. Naramdaman ko na may humawak sa akin. Dinala nya ako sa mababaw na bahagi ng dagat. Nakita ko sila mama at tita Faura na tumatakbo. "Chesca!!! What happened?! hindi ba sabi ko sayo 'wag kang lalayo!" sigaw ni Mama "I think she is okay" sabi ng lalaki na nagligtas sa akin. Mukang hindi kami nagkakalayo ng edad, maybe he is 10 years old. "Naku hijo, thank you at niligtas mo ang pamangkin ko." sabi ni tita Fiona " Your welcome po" sabi niya na nakangiti, bumaling siya sa akin. Nakatulala pa rin ako. "Next time listen to your mom" nakangiti niyang sabi sa akin. Tumango lang ako. "Ang galing mo naman, ang bata bata mo pa pero napakahusay mo ng lumangoy." sabi ni Tita "Thank you po." "Nasaan ba ang parents mo para makapag thank you kami sa kanila. At sabihin na nailigtas mo ang aking anak." "Medyo malayo po ang room namin dito" Biglang may dumating na isang lalaki na medyo may edad na. "Son, kanina pa kita hinahanap" "He is my dad" sabi niya na nakangiti Kay Mama. "Naku sir, ang anak po ninyo ay iniligtas ang aming anak, napakahusay po at galang niyang bata. kaya nagpapasalamat po kami" sabi ni Mama "Is that true? Well good to hear.. good job" Ngiti nito na nakangiti sa anak. "By the way I am Kris and this is my daughter Chesca and my sister Fiona." "Oh nice to meet you. I am Mr. Joe Montenegro, nice to meet you. Paano, mauna na kami, my wife is looking for us." Ngiti lang ang isinukli namin sa kanila at tinalikuran na kami. Nang araw na iyon hindi ko na siya makalimutan. Nasa kwarto kami nila Mama, kwarto namin sa Boracay. Nakatingin ako sa salamin at nakangiti. lumabas ng Cr si mama at napatingin sa akin. "Chesca, anong ngini ngiti ngiti mo dyan?" Bumaling ako ng tingin kay Mama "Ma, hindi natin naitanong kung ano Ang pangalan niya." "Sino?" Tanong niya habang nakaupo sa kama at pinapatuyo ang buhok gamit ang towel "'Yung nagligtas sa akin kanina" "Ahhh, oo nga" "Ma, ang cute nya diba?" "Hoy, chesca kebata bata mo pacute cute kang nalalaman dyan!" itinigil ni mama ang pagtutuyo sa buhok niya. "Totoo naman ma," ibinalik ko ang aking tingin sa salamin at sinuklay suklay ang aking buhok. "Simula ngayon, siya na ang aking prince charming" nakangiti nitong sabi Inihagis sa akin ni Mama ang towel "Hoy! walong taong gulang ka pa lang, pa prince charming prince charming ka pa nalalaman dyan!" "Diba ma si Snow White at Cinderella may prince charming, syempre ako rin." "bata ka pa, magtigil ka." That was year 2014. Today is year 2022. Nasa canteen ako ng bago Kong school, may dumating na isang grupo ng lalaki,lima sila. At ang isa doon ay si Steven Montenegro. Tama, Steven Ang pangalan nya. Noong 12 years old ako sinearch ko ang pangalan na Joe Montenegro sa f*******: maraming lumabas na ganoong pangalan, buti na lang maliwanag pa rin sa ala ala ko ang mukha ng daddy niya. Nakita ko ang profile picture niya, family picture, ang daddy nya, mommy nya, kuya nya at siya. At nakita ko siya. Tinignan ko ang comment section. Maraming comments,. may isang comment na nagpapukaw ng aking atensyon. "Ang laki na ni Steven" "Steven? baka Steven ang pangalan niya." sabi ko sa aking sarili. Sinearch ko ang Steven Montenegro. Maraming lumabas sa f*******:. tinignan ko isa isa. Hindi siya iyon. Sinearch ko siya sa google. May lumabas na i********: account, at nakita ko roon ang mukha niya, napasigaw pa ako sa tuwa. "OMG!!! Heto Siya" Gumawa ako ng i********: account para makita siya. kaya lang private ang account niya sa i********:, wala siyang f*******: account. Sinearch ko na lang ang daddy niya sa google at doon ko nalaman na may ari pala sila ng isang oil company, at may construction company din sila. Nakita ko na nag aaral siya sa isang international school. Habang kumakain kami,may sinabi ako kay Mama. Ma, ayokong mag -aral sa ibang bansa" Plano kasi ni papa na panasunurin ako sa New York kapag nakagraduate na ako ng grade 6. "Sabi ng papa mo doon na tayo titira sa New York, so doon ka na rin mag-aaral., At bakit ayaw mo?" Nakataas ang kilay ni Mama. "Mamimiss ko kasi dito, ma, Okay lang ba kung ako ang mamili ng school ko kapag nasa junior high school na ako" "Chesca, you are going to study in New York, at bakit mo naiisip yan, you are only ten years old" Natatawang sabi ni Mama Now, I am 16. I am in grade 11. Ako ang nasunod. Pinili Kong mag-aral kung nasaan si Steven. Nabasa ko sa isang business magazine na sa Ford University nag first year college si Steven kumukuha siya ng business management . May grade 11 sa Ford University. Ako na lang ang naiwan dito sa Pilipinas, sinabi ko kay Mama at Papa na dito na lang ako sa Pilipinas mag-aaral at dito ako sa Ford, naiwan ako, kasama ko si Tita Fiona. Nakatingin ako kay Steven, umupo ang grupo niya sa isang bakanteng table. Napatingin sa akin ang isa niyang kaibigan. Napangiti. May binulong siya kay Steven. Tumingin sa akin si Steven...Nag Hi ako. Sumimangot siya. Nagulat ako sa reaksyon ng kaniyang mukha. Gusto kong lumapit at magpakilala. Matagal na matagal ko na itong hinintay. Tumayo ako at lumapit "Hi" sabi ko sa kanya napatingin siya sa akin. Walang reaksyon ang kaniyang mukha. Natawa ang kaniyang kasama "Hi daw. Hello!" sabi ng isa niyang kasama "Anong ginagawa ng grade 11 dito?" tanong ng isa pa nyang kasama "Why?" sumalubong ang kilay ni Steven, nagulat ako sa reaksyon niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Para akong nabuhusan ng tubig ng marinig ko ang boses nya. Nakakaintimidate. Hindi ko maibuka ang bibig ko. "Well, as usual another girl na gustong magpapicture." sabi ng kasama nya na natatawa. "Ye-yes" sabi ko na lang. "pwe-pwedeng magpapicture?" sabi ko. "No" nakairap nyang sabi,sabay tayo at alis, sinundan siya ng apat niyang kasama. Napapikit na lang ako sa hiya at inis sa sarili ko. kinagabihan, sa loob ng aking kwarto. Yakap yakap ko ang aking unan at naiinis. "Hay nakooooo, chesca ang tanga tanga mo! Hindi mo man lang sya nakausap, natameme ka!" Tumayo ako at pumunta sa aking study table kinuha ko ang diary notebook at umupo. Binuksan ko ang notebook, sa loob ng notebook naroroon ang picture ni Steven, kinuha ko pa sa i********: nya at pinirint. Nagsulat ako. Dear Steven, Finally, nakita na ulit kita. hindi ako makapaniwala, ang laki ng ipinagbago mo, nakakapanlambot ang kagwapuhan mo. kaya lang bakit ang suplado mo, dati naman noong mga bata pa tayo, lagi kang nakangiti at ang bait bait mo. Siguro, pagod ka lang. Haaayyy... sana makita at makausap ulit kita. Ang saya saya ko. Sinarado ko na muli ang notebook ko. Pumunta ako sa salamin at nagpractice ng mga sasabihin sa kanya. Kinaumagahan, sa classroom may tumabi sa akin na babae, nakasalamin siya at mukhang nerd. "Hi, bago ka lang dito sa Ford?" tanong niya. "Yes" maikli kong sagot "I see, bakit ka rito nag-aral?" Ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. "Ikaw, matagal ka na ba rito?" "Oo, since grade 1 dito na ako." "Talaga?!, Kilala mo ba si Steven Montenegro?" Excited kong tanong sa kanya. "Oo, sino bang hindi makakakilala sa aroganteng kagaya nya" "Arogante?" Tumango lang siya. Biglang dumating ang teacher namin,kaya naitigil namin ang aming pag-uusap. Magkasama kami sa canteen. Kanina pa siya nagkukwento about sa diniscuss ni ma'am kanina. Ininterupt ko siya sa sinasabi niya. "Paano mo nga pala nasabing arogante si Steven?" Curious kong tanong sa kanya. "Kilala siya rito, piling tao lang ang sinasamahan niya. Ahead siya sa atin ng 2 years. Buti nga college na sya, dati noong grade school nya, grabe takot sa kanya lahat... Siga siya, kung magsalita siya may authority, powerful kase ang parents nya. Well, my dad knows them." Sabay nguya nya sa piatos habang nagkukwento. "Mabait siya" sabi ko kay Ivy. Ivy is her name "Huh? paano mo nasabi? Do you know him?" Tumango tango lang ako sa kanya "Yes...maybe namimiss interpret lang siya." Natawa si Ivy sa sinabi ko "He is a spoiled brat, baka nga mabait siya." Natawang sabi ni Ivy. "Nagwowork kasi si Daddy sa company nila, kaya nakakapag-aral ako rito." Mahinang sabi ni Ivy. Hapon na, napatingin ako sa college building, nasa exit ako ng building na ito,hinihintay ko ang paglabas ni Steven. Sabi sa akin ng guard ng school hindi pa raw nalabas. Nakita ko siya na papalabas. kinawayan ko siya. Napaturo sa akin ang isa niyang kasama. Paglabas niya, may isang lalaki ang lumabas sa sasakyan at binuksan ang pinto ng sasakyan. Lalapit ako sa kanya ng biglang may humarang sa akin na malaking lalaki. "Anong kailangan mo?" Tanong nito. Huminto si Steven at sumenyas sa lalaki na tumigil. "Ikaw na naman? ano bang kailangan mo?" Takang tanong niya "Ako nga pala si Chesca, natatandaan mo pa ba ako?" masaya kong sabi sa kanya. "Huh?" Takang taka ang mukha niya. "I don't know you" sabay talikod at pasok sa kotse, pumasok na rin ang driver at pumasok sa isang kotse ang body guard niya at sinundan ang sasakyan. Naiwan akong naiiyak. Hindi ako natatandaan ni Steven. Kinabukasan nasa canteen ako ng college building. Nakita ko ang isa niyang kasama. "It's you again" bati nya sa akin na nakangiti Napatingin ako, solo lang siya at hindi kasama si Steven. Tumabi siya sa akin "Bakit ka nandito, dapat nasa junior high building ka." "Hinahanap ko si Steven"Natawa siya. "Bakit? Teka, baka isa ka sa mga stalker niya." sabi nito "Isa sa mga stalker?" "Yeah, Maraming stalker yun at kapag nalaman niya na isa ka dun baka maipatanggal ka nya rito sa school, Nako lagot ka." Natatawang sabi nito. "Hinde!! ang totoo nyan. May assignment kase ako,kailangan kong mag interview ng future business man, assignment ko sa TLE" pagsisinungaling ko. "Nasaan ba siya?" Sinamahan ako ni James, nagpakilala siya sa akin, nasa pool area ako ng school.Nakita ko na nagpapractice sa paglangoy si Steven. 6ft ang nilalangoy niya. Tumigil siya sa paglangoy, umahon siya, lumantad sa akin ang napakaganda niyang katawan. Kinuha niya ang towel at nagpunas, lumapit sa kanya si James "Nice one" Ngumiti lang si Steven napatingin siya sa akin "Ikaw na naman" inis na sabi niya. Tumingin sa akin si James "Sabihin mo na kung anong kailangan mo" sabi niya sa akin. Tumunog ang phone ni James, kinuha niya ito at sinagot, lumayo siya sa amin. Nakita ko na umupo si Steven, tumingin siya sa akin at sumenyas na lumapit. "What do you need?" tanong niya habang pinapatuyo niya ang buhok niya ng towel "Gusto sana kitang interviewhin, may assignment kasi ako sa TLE,kailangan kong mag interview ng future businessman." masaya kong sabi,pero ang totoo nyan wala naman akong ganoong assignment "Maraming future business man dito, si James future businessman. bakit ako?" nakatitig na tanong nito. "E kaseeee...E kase mas mukha kang mabait sa kanila." nakangiti kong sabi Natawa siya. Mas lalo siyang gumuwapo sa ngiti. "Nakuuuu,totoo 'yun, mukha kang anghel" sabi ko na nakatawa. Pero siya napasimangot "Okay,let's start." sabi nito "Ngayon na?" Tumango siya "Yes,get a chair" ngiti nitong sabi. Sa taranta ko dahil hindi ko naman alam ang itatanong ko napaurong ako at nahulog ako sa pool. Hindi ako marunong lumangoy, itinaas ko ang kamay ko, tumalon si Steven at hinawakan ako, napayakap ako sa kanya at uubo ubo. "Are you okay?" Tanong niya.Napatingin ako sa kanya,magkatapat ang mukha naming dalawa. Ang pula ng mga labi niya parang lips ng baby. Ang tangos ng ilong niya. Yumakap ulit ako sa kanya. I feel safe noong niyakap ko siya,ngayon lang ako nakaramdam ng ganoon. Dinala nya ako sa tabi ng pool. Umahon siya sinundan ko ang pag ahon nya. Lumapit sa amin si James na natatawa. "Wow,anung nangyari sa inyo?" Nakayakap ako sa aking sarili. Tumingin sa akin si Steven "Tatanga tanga ka kase" inis nitong sabi. Natulala ako sa sinabi niya. Sinabihan niya akong tatanga tanga. Tumalikod siya at umalis. Nakatingin sa akin si James na parang naaawa pinaupo niya ako at binalutan ng towel. Naiiyak ako, nangingilid ang luha ko dahil sinabihan niya ako ng tatanga tanga

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook