Pagkatapos namin mag usap ni Jeff napagkasunduan namin na uuwi siya ng manila para ayusin ang gulo, at susunduin ako dito ka kapag okay na ang lahat ng problema niya. Ayaw ko kasing sumama dahil ayaw ko mapahamak ang pamilya ko at ang magiging anak namin. Kaya sinabi niya na uuwi uwi na lang siya dito tuwing mag papa check up ako at sasamahan niya. Napag desisyon namin na itago ulit ang relasyon namin kasabay ng pagtatago namin ng magiging anak ko dito sa Davao. Naipaliwanag na sa akin lahat ni Jeffrey, at hindi ako makapaniwala na sa kumpanya niya pala mismo nagpakamatay ang babae kaya sobra daw siyang na konsensya. Nakapag sampa na rin ng kaso ang mga magulang ng babae para sa lahat ng gumahasansa anak ng mga ito, at kasama si Jeffrey sa nakasuhan. “ Kailangan ko na lang ngayon makuha k

