Mula ng umuwi ako dito sa Davao at mula ng mag kasagutan kaming mga kapatid ko mula noon hindi na ako kumibo pa sa kanila. Hindi na rin na vawi ang tricycle maya balik tambay ang mga kapatid ko at umaasa sa tindahan na pinatayo ko na ngayon ay wala na ring laman. Si papa naman ay bumalik na sa pag bubukal ng lupa sa bukid. Buti at may bigas pa peronkukuntinna lang din at mauubos na. Bumuga ako ng hangin habang nakatingin sa aking saving. Konti lang ang na ipon ko sa pagsasama namin ni Jeffrey dahil pinadala ko lahat dito at kung meron man akong ipon yun ay nakalaan para sa reviewer at para sa board exam. Pero kapag hindi ko naman ginalawa yun magugutom kami ng anak ko, kailangan ko rin ulit magpacheck up. “Mj anak… “ napatingin ako sa pinto ng kumatok sa labas si mama na para bang natatar

