Nagulat pa ang sina mama at papa ng makita nila ako sa labas ng bahay namin na nakatayo habang nakatingin sa kanila. Busy si mama sa pagwawalis sa labas ng tindahan na pinatayo ko para sa kanya. Pero ang nakakapag taka konti lang ang laman ng tindahan niya. Habang si papa naman ay nakipag inuman sa mga kapitbahay namin kahit maaga pa. “Mary Joy anak, ikaw na ba yan anak ko?" Tanong sa akin ni mama ng makita niya ako. Agad niyang binitawan ang walis na hawak niya lumapit sa akin at niyakap ako. “Ma.." biglang bumuhos ang luha ko ng yakapin ako ng yakapin niya ako. “Ano nangyari bakit biglaan ang uwi mo at hindi ka man lang nagsabi para nasundo ka namin ng papa mo. “ May pag alala na sabi niya sa akin. Hindi ako nag salita at nanatili lang na nakayakap sa kanya. “Mel, nandito na ang bun

