Chapter 3

1758 Words
"I want to see my boy. I need to save him, Kuya." I said. Hinang-hina ako sa naiisip ko palang. Naiisip ko palang ang kalagayan ng anak ko ay nang hihina na agad ako, lalo't pa ay hindi ko pa ito nakikita. "But you need some help, too. Kinausap ako ni Papa sa gusto mong mangyari. You want the case alone, Isabella Corine that's too impossible!" aniya niya ginulo niya ang kanyang buhok na parang hindi na rin niya alam ang gagawin sa gusto kong mangyari. "Sige, magpapatulong ako," sabi ko sa kanya, titig na titig ako sa kanya. "Pero ikaw lang ang doctor na pwedeng tumulong sa akin." pinal na sabi ko sa kanya pagkatapos ay tumayo at iniwan ko siyang mag isa sa sala sabay pasok ko sa kwarto ko at nahiga. Hindi ko alam kung ba dapat kong gawin, hindi ko alam kung paano ko malalagpasan ang araw na ito na hindi nakikita ang anak ko. I just want to be with my son for f**k's sake! Why can't they give me that? I need to see my son! I need to save him! Why can't they understand that? I'm just a mother longing for her son. He's my everything. Even his father took him away from me. Dahan-dahan kong pinunasan ang luha sa mga mata ko. Naalala ko na naman ang nakaraan. Hindi ko na dapat ito naalala pero para itong bangungot na laging nakakabit sa utak ko. I was a resident pediatric surgeon at County Medica Hospital. Palabas na ako nang hospital ng mapadaan ako sa lobby ng hospital at bigla ko na lang nakita ang mag-ama ko na hinihintay pala ako ro'n. Napangiti ako habang papalapit sa kanilang dalawa pero nawala agad ang ngiti ko nang makita ko ang ama ng anak ko na masamang-masama ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganoon ito makatingin. Wala akong alam kung ano ba ang nagawa ko. Habang papalapit ako sa kanila ay kabang-kaba ako dahil para akong papatayin ng tingin ni Savion. "Love," tawag ko sa kanya ng makalapit na ako akmang hahawakan ko sana siya nang bigla niyang itabig ang kamay ko, napatanga ako dahil sa ginawa niya at takang-taka ako kung ano ba ang nangyayari. "Don't you dare call me love, Isabella Corine." Buong-buong sabi niya at halata mo sa boses niya ang pagkagalit. Sinalubong ko ang tingin niya sa akin. Parang sinasaksak ang puso ko kung paano niya ako titigan wala akong nakikitang pagmamahal kahit kaonti manlang sa mga titig niya. "Let's break up and I will fight for the custody of my son," sabi niya sa akin at hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko sa aking mata. Nihindi ko alam kung anong nangyayari, ni walang akong kaidedeya kung ano ang puno't dulo nito. "Love, please. Is this a kind of joke? Because it's not funny anymore." Natatawa ko pang sabi sa kanya habang pilit siyang hinahawakan pero pilit naman niya itong inaalis ramdam ko ang sakit sa pagkapit niya sa palapulsuhan ko. "Don't call me love, Dra. Isabella. It is Atty. Valero for you." Hindi ako makagalaw sa pwesto ko habang nakatingin lang sa likod niyang papalayo sa akin. Wala akong kamalay-malay na hawak hawak na pala ako nang kapatid kong si Isaac. Sobrang daming tumatakbo sa isip ko, hindi ko manlang alam kung anong dahilan. Kung bakit bigla na lang ganoon ang nangyari para akong ginawang bobo ni Savion. Nihindi ko manlang nahabol ang anak ko, hindi ko manlang nahalikan sa huling pagkakataon. Hindi ko manlang ito nayakap. He's just 1 year old for f**k's sake! And his father took him away from me without any explanation. Naputol ang pagiisip ko nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko, marahan kong pinahid ang mga luha na dumadaloy sa mukha ko. I've decided I will go to the hospital right now and I will visit my son today. Isabella borrowed her brother's car to go to the hospital. Sinabi niya rito na hindi na niya kayang maghintay pa ng isang araw para makita ang anak. Okay na rin naman na medyo nakapagpahinga na siya nang kaonti noong pagkarating niya sa condo unit niya. Walang sinuman ang makakapigil sa kanya ngayon upang makita ang kanyang anak kahit ang papa niya ay hindi siya mapipigilan. Pipilitin niyang ibigay na agad ang mga kailangan niya upang matutukan ang bata. Gustong-gusto niya na itong makapiling. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad patungo sa opisina ng kanyang Papa upang kausapin muli ito para kuhain ang mga kailangan niya. Wala na siyang oras na sasayangin pa, gagawin niya ang lahat upang mapagaling lamang ang kanyang anak. "Doc Santillan," bati sa kanya ng secretary ng kanyang Papa. She just nodded at her. Tutuloy na sana siya nang pigilan siya nito. "Doc, may kausap po si Dr. Cojuangco." sabi nito sa kanya, tumango naman siya at hindi na lang nagsalita. Alam niya sa sarili niyang hindi na siya makapaghintay pero alam din niya sa sarili niyang edukada siya at hindi siya bastos upang pumasok na lang bigla sa opsina ng kanyang Papa. She waited until she heard the door open. Napaangat ang kanyang tingin ng marinig niya iyon. Nagtama ang tingin nilang dalawa, ni hindi nagbibitaw ang mga iyon. She just continue staring at the man in front of her. Matapang niyang sinalubong ang mga matang nakatingin din sa kanya. Una itong nagbitiw ng tingin at lumakad papalapit sa kinaroroonan niya. Hindi siya nagpatinag at lumakad na rin siya papalapit kung nasaan ang lalaki. Dire-diresto lang siyang lumakad at nilagpasan ang lalaki at tuluyan siyang kumatok sa pintuan ng ama. Hindi niya na iyon hinintay sumagot at agarang binuksan ang pintuan. Napaangat naman ng tingin ang kanyang ama at binigyan siya ng kaonting ngiti. She sighed while looking at her father. "I can't wait an another day, Dr. Cojuangco. I need to check my son." Nakita niyang tinanggal nito ang salamin na suot-suot nito. Tinitigan siya nito at parang ineexamin ang buong pagkatao niya. Her father just sighed. "Did you take some rest?" tanong nito sa kanya. She just nodded her head. Her father sighed again. Napailing na lang ito sa kanya. She was shocked when her father handed her a chart. Dahan-dahan niya iyong kinuha sa Papa niya. Binasa niya ang nakasulat na pangalan na andon. Nakita niya ang pangalan ng anak niya. She smiled when she saw her name with her son. Sebastian Elliott Santillan-Valero, my son. Inangat niya ang tingin sa kanyang ama at nakita naman niya itong titig na titig sa kanya. "I will seek for help," sabi niya sa kanyang Papa at bigla itong napangiti. "Hihingi ako nang tulong pero hindi rito sa mga doctor mo. I have a friend who can help me. He can help me, but for the mean time I will ask Kuya Isaac to check my son." Nakita niyang bumagsak ang balikat ng kanyang ama sa sinabi niya pero isiniwalang bahala niya lang ito. Alam niyang madaming magagaling na doctor na nagtatrabaho sa hospital ng ama niya ngunit mas pipiliin niyang humingi ng tulong sa ibang tao kesa sa mga ito. "If that's what you want, then okay." Tumango na lamang ang ama niya sa kanya. Umupo naman siya sa kaharap na upuan nito. "How did he get a mayomayo?" tanong nito sa kanyang ama. Nakita niyang sumandal ito sa upuan at hinilot ang noo. "Bigla na lang siyang dinala dito ni Dra. Valero at they diagnosed that your son has a mayomayo," he started. "Araw-araw daw sumasakit ang ulo ng bata, isang araw bigla raw itong nagkasakit at ang yaya lang ang nagbabantay noon sa bata bigla na lang itong natumba, bumagok ang ulo at bigla itong nag-seizure." paliwanag nito sa kanya. Napakamit naman siya nang mahigpit sa hawak-hawak niyang chart ng anak. Hindi niya alam ang gagawin. Namumuo ang galit sa puso niya dahil sa narinig sa kanyang ama. Ni hindi manlang agad sa kanya sinabi ang lagay ng bata. "Did you conduct tests? MRI, CT-Scan, and EEG?" "We already did, hija. That's why we diagnosed that your son has a mayomayo." Hindi na siya sumagot sa kanyang ama, alam niyang hindi papabayaan ang apo nito noong wala siya para asikasuhin ito. Pero hindi niya pa rin mapigilang hindi magalit dahil hindi manlang agad nalaman ang sakit ng kanyang anak. MADALI siyang bumaba sa PICU kung saan nakaconfine ang kanyang anak. She went to the nurse's station. She will run some tests. She needs to be sure about the results. "Do MRI, EEG, BCP, and CT-San to PICU patient. I need the results as soon as possible. This is an order from the Chief." She ordered the nurse who is on duty. Kailangan niya mareview ang kaso ng anak niya. Kailangan niyang makasigurado kung mayomayo nga ba ang sakit ng anak o kung iba pa. Kung kinakailangan niyang lumapit pa sa ibang doctor ay gagawin niya. Dinukot niya mula sa kanyang bulsa ang telepono. She dialed her friend's phone number. "Hello?" bati ng kanyang kaibigan mula sa kabilang linya. "I have a favor." diretso niyang sabi sa kaibigan. Biglang tumahimik ang kabilang linya at paniguradong hinihintay niya lang ang sasabihin nito. "I need you to come here to the Philippines bring Nathan with you." Hindi niya na hinintay ang isasagot nito at binaba na ang tawag. Hindi naman niya itinago sa mga kaibigan na may anak na siya at sinabi rin niya sa mga ito ang dahilan ng biglaang paguwi niya sa Pilipinas. Napahawak siya sa kanyang sentido at hinilot iyon. Kanina pa sumasakit ang ulo niyo marahil iyon sa wala pa siyang masyadong tulog. She wore a hospital gown, gloves and mask before entering the PICU. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at pinagmasdan ang natutulog na anak. May namumuong luha sa kanyang mga mata habang nakatitig sa anak niya. After 6 years, she can hold her son again. She was sad and happy while looking at her son. Her poor baby boy, shouldn't be in here. Hindi dapat nandito ang anak niya. Naglalaro dapat ito, iyon ang normal na ginagawa ng bata. Her lips trembled when she touched her son's face. She began caressing him with so much gentleness. She bit her lower lip to suppress her sobs. She wiped her tears when she saw her son's hand move. Nakita niyang dahan-dahan itong nagmulat. Dahan-dahan din itong napatingin sa kanya. She managed to smile at the young boy. "Hi," she said while smiling. Bakas sa mukha ng bata ang pagtataka kung bakit may tao sa kwarto nito. "I'm your new doctor."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD