Chapter Nine : Cousin
___________________________________
REWANE
"Please stop humming, Wane. You look stupid!" Aeness snorted. Napanguso naman ako nang dahil sa sinabi ni Aeness sa akin. Nakakainis! Ang talas talaga ng dila ng isang ito.
Mukha ba akong stupid? Dahil lang sa ginagawa ko. Mahilig ako sa music at ang ganda kaya nang lugar na nilalakaran namin. Napakapayapa at ang presko ng hangin. Although mas malawak naman ang lupain namin sa Hacienda kaysa dito.
Hindi nalang ako umimik hanggang sa tuluyan kaming pumasok sa isang malaking bahay. Nagpalinga-linga naman ako sa paligid. Ang ganda ng pagkaka-design. Para siyang ancestral house at napaka-native ng theme ng bahay.
"Aeness, Bro!" Naagaw naman ang pansin ko nang marinig kong may tumawag kay Aeness.
Nakita ko si Baxter na nakangiting sinalubong ang pinsan nito and give him a manly hug. Sandaling natigilan ito nang makita ako at bakas ang gulat sa mukha nito.
"Nasaan sina Tita at Tito?" Aeness asked. Tumikhim naman si Baxter at binalingan ang pinsan nito.
"Nasa corridor at nagkakatuwaan. Ikaw na ngalang ang kanina pa naming hinihintay," saad nito sa pinsan.
Sandaling bumaling siya sa akin at ibinalik din agad ang tingin kay Aeness. Umiwas naman ako nang tingin.
Shit! Nakakahiya! Ano ba kasi ang ginagawa ko dito? Is it so obvious na family bonding siguro ito.
"Hindi ko alam na isinama mo pala si Rewane dito," makahulugang pahayag ni Baxter.
Uminit naman ang magkabilang pisngi ko. This is so embarrassing! Ni hindi nga nila ako kilala dito at lalong ano'ng sasabihin ng mga Tita niya sa akin. We are not even friends and were far from being that....
"Now you know, " matigas na sagot nito sa pinsan at bumaling sa akin.
"Rewane, come here," mariing utos ni Aeness sa akin. Nag-angat naman ako ng tingin at naguguluhang lumapit sa tabi niya. Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang hinapit ang bewang ko..
Shit!! What the hell is he thinking?! Baka kung ano'ng isipin ng pinsan niya sa aming dalawa.
Bumaba naman ang tingin ni Baxter sa mga kamay ni Aeness na nakapulupot sa bewang ko at tumikhim. Pinilit ko namang magpumiglas sa pagkakahawak niya pero mas lalo lang niyang idiniin ang pagkakakayapos sa akin.
"Let's go," saad nito. Napalunok nalang ako at marahang tumango.
Sumunod kami kay Baxter patungo sa corridor. Napapalunok nalang ako at hindi nagreklamo sa ginagawa ni Aeness. Bigla naman akong kinabahan nang makitang ang daming tao at mukhang buong pamilya yata ang nandito at nagkakatuwaan sila habang nag-uusap.
Natigilan naman sila nang makita kami. Sandaling nagulat pa sila pagkakita sa akin lalo na sa pagkakahawak ni Aeness sa bewang ko.
"Atlast, dumating din ang pinakahihintay na bisita!" nakangiting bulalas ng babaeng nakapusod ang buhok na nakatayo sa gilid at may hawak-hawak na isang basong lemon juice.
"Aeness, hijo, mabuti at nakarating ka," a middle aged woman said. "And you're with....." she paused. Sandaling bumaling sa akin ang ginang bago pinagpatuloy ang sasabihin. "A Montenegro. You must be Rewane, I know your Father, Nicholas. He's a good man and he talks a lot of things about you, hija," nakangiting dugtong nito.
Namula naman ang pisngi ko. Hindi ko alam na binibida pala ako nang ama ko kung kani-kanino.
"Hello po," magalang na bati ko at yumuko nang bahagya.
"I'm glad at bumisita ka dito sa amin, hija. Inimbitahan ko din nga ang ama mo na pumunta dito this coming Saturday for our anniversary celebration but he refuse. Marami daw kasing siyang trabaho."
Pakiramdam ko nakahinga ako nang maluwag nang dahil sa sinabi niya. Mabuti nalang talaga at hindi makakapunta sina Mommy at Daddy dahil paniguradong mabubuking ako sa mga pinaggagawa ko. Ang akala lang naman nila kasi ay nagbabakasyon lang ako sa isang malayong lugar.
"Nandito na ang mga cookies!"
Napalingon naman kaming lahat nang marinig ang boses na 'yon. Mula sa likuran namin ay may pumasok na isang lalaking may hawak-hawak na isang tray na may nakalagay na mga cookies sa ibabaw nito.
Nakasuot ito nang polo shirt na puti at nakapantalong maong. Dalawang butones ng damit nito ang nakabukas sa itaas. Nakarolyo ang manggas ng polo nito hanggang siko at hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nito.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang makilala kung sino ito. Oh my gosh! It's been three years since the last time I saw him.
"Nathan!" I uttered.
Mukhang narinig naman nito ang sinabi ko at lumingon ito sa gawi ko. Nanlaki din ang mga mata nito pagkakita sa akin.
"Rewane!" gulat na bulalas nito. "Hell! What are you doing here?" Natawa naman ako sa naging reaksyon niya.
Nathan is one of my close friends. Nagkakilala kami noon sa Rancho ng isa kong kaibigan. Katulad ko he is also a horse traineer. Nang sinabi ko sa kanya na ganoon din ang trabaho ko ay hindi siya makapaniwala. Minsan lang daw kasi siyang makakakita nang babaeng horse traineer. Sabay kami noong nag-train sa rancho nang halos higit dalawang buwan kaya kami naging mas close. And he's easy to be with...
"Stay," pabulong at mariing saad ni Aeness sa tenga ko nang akmang lalapitan ko sana si Nathan at yayakapin.
Napalunok naman ako at nanatili nalang sa kinatatayuan ko. Gosh, promise. Nakakatakot talaga minsan si Aeness at wala manlang akong magawa kundi sundin lahat ng utos at mga sinasabi niya.
"You know each other?" gulat at pagkamanghang tanong ng Tita nito.
"Yes, Tita. Actually, Rewane is also a horse traineer like me and she's really good. Mabuti nalang talaga at nandito ka Rewane, you can help me tamed and trained horses in this ranch," nakangiting saad ni Nathan and winked at me.
"Pwede d--------"
"You can trained those horses all by yourself, Nathan! That's your profession. You don't need Rewane's help!" mariing putol ni Aeness sa sasabihin ko.
Napalingon naman ako sa kanya. He's too rude for his cousin. Diretso lang ang tingin nito at bumaling sa Tita nito.
"If you don't mind, kailangan na pong magpahinga ni Rewane dahil sa mahabang biyahe, Tita. She's tired and I will take her to our room.."
Nanlaki naman ang mata ko nang dahil sa sinabi niya. Our room? What the! Nahihibang na ba siya?
Napatingin naman ako sa mga taong kasama namin dito at bakas din ang gulat sa mukha nila. Nakarinig pa ako sa iba ng singhap pero sandali lang naman iyon..
"What? Bakit sa kwarto na tinutulugan mo siya matutulog Aeness? May guest room dito sa bahay nina Tita," apila ni Nathan.
"It's none of your bussiness, Nathan. So f**k off!" he hissed. Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil sa pagburst-out niya.
Nakarinig naman kami nang tikhim galing kay Tita. Namula naman ang pisngi ko nang dahil sa hiya. This is so embarrassing!
" Sige na, hijo. Pumanhik na kayo sa taas," ani ng Ginang.
Tumango lang si Aeness at inakay ako paalis doon. Hindi nalang ako umimik dahil alam ko kahit na makipagtalo pa ako sa kanya. Siya pa din naman ang masusunod sa aming dalawa..
"Don't you think you're being rude for acting like that in front of them, Aeness," inis na saad ko habang naglalakad kami patungo sa kwarto..
"Stop arguing with me, Wane. I'm damned tired and all I just wanted to do is sleep beside you, Sweetheart."
Nagpakawala nalang ako nang malalim na buntong hininga at hindi na umimik ulit.
Minsan talaga, hindi ko na siya maintindihan....
-