Chapter 10

1658 Words
Chapter Ten: Abs ___________________________________ REWANE Nakanguso ako habang natatakam na napapatingin sa breaded squid ring na nakalatag sa ibabaw ng hapagkainan. That was my favorite but I stop myself from getting another one. Nakakadalawang kuha na ako at nakakahiya naman kung hindi ko titigilan baka ubusin ko lang. "I heard ngayon na bubuksan ang kauna-unahang bar na pinapatayo dito sa Hacienda. Maganda ang vicinity ng lugar. Bakit 'di nalang kaya tayo pumunta doon mamayang gabi? I want to have fun and that bar is for girls only. Boys are not allowed," nakangiting saad ni Lira, isa din sa mga pinsan ni Aeness. Siya iyong babaeng nakapusod ang buhok kahapon na may hawak-hawak na lemon juice. Napatingin naman ako kay Aeness na nasa tabi ko. Nasa kabilang panig naman nakaupo si Nathan. Pansin ko lang na kanina pa silang dalawa hindi nag-iimikan. "Oo nga! Baka may mga lalaking stripper pa doon. Oh gosh! makakakita na naman tayo ng mga machong guys with burning abs!" natatawang saad ni Claire. Nakarinig naman ako ng protesta sa mga pinsan nitong mga lalaki at natawa lang ang mga babae. "Mandiri ka nga, Claire. That's awful. A guy stripper? That's your type?" iritadong tanong ni Baxter dito.. "Just the abs, Kuya. Just the abs. So mind your own bussiness," anito sa kapatid at inirapan ito. Namula naman ang pisngi ko nang may naalala ako. Okay, fine I admit it. I had a thing for abs too. Wala lang. Talagang gusto ko lang makakita ng mga ganu'n. Noon nga ay nagnanakaw ako ng tingin sa mga male models na kasama ni Kuya Shaveen sa pagmomodelo. And promise, they look so hot with there abs burning like a fire tree but that was beforen I was too young back then. "Rewane can come with you then. Gusto niya ang mga ganyang lugar," suhestiyon ni Nathan. Napatingin naman kaming lahat sa kanya at ngumisi lang siya sa akin. Oh s**t! Don't tell me he would say those craziness I've been doing before. "Her friends told me before that she love to see a guy's abs. Noong sixteen nga siya naninilip daw yan sa mga male models na katrabaho ng Kuya niya just to see their abs," nakangising sabi nito. Namula naman ang pisngi ko nang dahil sa hiya. Lalo na at nagtawanan halos lahat ng tao dito sa hapag maliban kay Aeness who became stiff. "That was before. I..I was too young back then. Just a part of my little craziness," pagtatanggol ko sa sarili. Umugong naman ang tawanan ulit sa hapagkainan. Napayuko naman ako. This is really embarassing! "That's too cute, hija. Ako nga noon, ang abs lang nitong mister ko ang pinagnanasaan ko. And that's part of a teenage life," natatawang saad ni Tita Meredith. "Then Rewane can come with us! Mabuti na din iyon para makapag-bonding kaming girls dito. And I think we should hire a guy stipper with burning abs," natatawang tukso ni Mikaela. Namula naman nang husto ang pisngi ko. Oh gosh, I think kapag nagtagal pa ako dito mas lalo lang akong mapapahiya sa kanila. Simula pa kahapon ganito na ang nararamdaman ko. "She's not going with you. She will stay here instead." Napatingin naman kaming lahat sa sinabi ni Aeness. Nakarinig pa nga ako ng pagtutol sa mga babaeng pinsan nito. Nagkibit-balikat lang ito at nagpatuloy sa kinakain as if what he said is final na hindi na mababali. "Awww, ang KJ mo naman, Kuya Aeness! Minsan lang naman ito, uh," apila ni Claire sa pinsan nito. Nakarinig naman ako ng tikhim mula sa Tita nito. Napanguso nalang ako. Kapag siya talaga ang kasama ko I felt like I was trapped in a cage. Parang wala akong freedom sa sarili ko. At ako naman itong tanga na pumapayag lang sa anumang gustuhin niya. "They're right, hijo. Rewane also needs to have fun. Minsan lang din naman. At walang stripper of course," natatawang saad ni Tita Meredith. "No stripper then," seryosong saad nito. Bumaling naman ako sa kanya. Ibig sabihin nito. Payag na siya? Oh gosh, I can't believe this! Talagang pumapayag siya? Akala ko nga makukulong nalang ako araw-araw sa bahay na ito, eh. Thank god at hindi naman pala. "I know you like those breaded squid ring, Wane. Kanina ko pa napapansing tumitingin ka doon. Don't be shy you can get another one or more. I know that's you favorite," nakangiting sabi ni Nathan. Naagaw naman niya ang atensyon naming lahat. Napalunok ako nang tumigil sa pagkain si Aeness. Nahigit ko ang hininga ko ng ibinaba niya ang isa niyang kamay sa mga hita ko at marahang pinisil iyon. Oh gosh. I can feel his muscles tense. Nathan, ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? And why are you acting like this Aeness? "Mukhang ang dami mo yatang alam tungkol kay Rewane, Nathan. Parang kilalang-kilala mo siya, uh," Baxter commented. Bakit pakiramdam ko may tensyong nakapalibot sa paligid namin dito o ako lang talaga ang nakakaramdam ng ganoon? Bago pa makasagot si Nathan ay nagsalita na si Aeness dito. "If Rewane wants to eat, she will eat. Just mind your own food, Nathan." "I'm just suggesting. Alam ko kasing paborito niya iyon. Baka nahihiya lang siya," cool na sagot ni Nathan. Aapila pa sana si Aeness ulit nang tumikhim na si Tito Richard dahilan upang matigilan ang dalawa. Napayuko nalang ako. "Enough with this commotion. Nasa harap tayo ng pagkain," saad ni Tito Richard. Nagsibalikan nalang ulit kaming lahat sa pagkain. Pero iyong awkwardness na nararamdaman ko ay hindi parin nawawala. Mukhang gulo pa yata ang dinala ko dito sa pamamahay nila. Hindi parin ako umiimik hanggang sa makarating kami ni Aeness sa loob ng kwarto namin pagkatapos naming mag-agahan. Hindi ko na alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Para bang palagi nalang siyang badmood simula kahapon. Kailangan ko na talaga siyang kausapin sa inaasal niyang ito. Hindi pwedeng palaging ganito. One week kami dito at nakakainis na kapag palagi siyang galit na hindi ko naman mawari kung bakit..... "Aeness, I-------" Napatigil naman ako sa pagsasalita ng humarap ako sa kanya. Shocks! Marahang napalunok ako nang hinubad pala nito ang t-shirts na suot-suot nito. Bumaba naman ang tingin ko sa abs niya. s**t! Pakiramdam ko malalaglag ang panty ko! Ano ba?! Ang halay na nang pinag-iisip ko! "Ba--bakit mo hinubad ang top mo?" kinakabahang tanong ko. Pero ang tingin ko ay hindi na umaalis sa burning abs nito. I groaned silently. That's my weakness alright. And he's so hot with his top off. "Naiinitin ako," seryosong sabi nito habang nakatingin sa akin. Bahagyang napaatras naman ako nang makitang lumalakad siya palapit sa kinaroroonan ko. Bakit pakiramdam ko umiinit ang paligid. Huwag mo akong ma-seduce ng ganyan Aeness! Mahina ang katawan ko sa mga ganyan! Pakiusap! "Ma..malakas naman ang aircon, uh! Suot mo na 'yang damit mo." Bakit pakiramdam ko nanunuyo ang lalamunan ko ngayon? Pakiramdam ko magkakaroon ako ng cold sweat dahil sa lalaking ito. Ang masama pa ang seryoso ng mukha niya na mas lalong nakadagdag sa hotness niya. "Ayoko nga," saad nito at humakbang ng isang dipa mula sa akin. Napasinghap ako when I felt my butt drop into a soft fabric of the bed. Napalunok naman ako nang ngumisi siya. Then I found myself lying in our bed while I'm being trap with his strong and masculine arms. Jusko po! "So it's true?" patuyang tanong nito at tinitigan nang husto ang mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mas lalo niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. We are almost in kissing position for godsake!! "That you love to see those flexing and burning abs of men, Sweetheart?" he asked huskily. Pumungay ang mga mata nito. Nahigit ko naman ang hininga ko. Why does he look so hot when he's fumming serious and mad right now? Ano ba 'tong narararamdaman ko. Imbis na matakot ako mas lalong na-e-excite pa ako. I need air! I'm drown with his presence! "Aeness, please," nanghihinang saad ko. I closed my eyes when he pressed his body against mine. I felt my body became in heat. It's suffocating yet exciting. I place my palm into his chest to stop him. Namula naman ng husto ang pisngi ko nang dahil sa ginawa ko. Oh gosh, his chest were so hard and........and hot! I think magha-hyperventilate na talaga ako dito. Pwedeng ibaba ko nang konti? I want to touch his abs. Uh! Ang bad mo na, Rewane! "And you also love to eat those breaded squid rings like what Nathan's said," nanunuyang saad nito. Iminulat ko naman ang mga mata ko at tinignan siya. I can see nothing with those pailed blue eyes of his. Ni hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa isipan niya. Why are you doing this to me, Aeness? Why do you keep on making my heart beat so fast at the same time? Why are you making me feel this way? "Tell me, Wane. Ano pang bagay ang alam niya tungkol sa iyo? At parang kilalang-kilala ka niya, huh? Is he your ex-boyfriend too?" Napalunok naman ako at pinilit kong sumagot sa tanong niya. "He....he's not my ex. We were just friends. At....at iyon lang naman ang bagay na alam niya na tungkol sa akin." I felt intimidated. Why does it feels like my body already surrendered to him fully? Like he's the one who own it and not me. No one had ever made me feel like this before. "Then tell me, Wane. Tell me kung ano pa ang mga bagay na hindi niya alam tungkol sayo kasi gusto kong ako lang ang makakaalam nu'n. Ako lang, Wane. Gusto ko ako lang, Sweetheart." Shit! Pakiramdam ko nagsitayuan ang balahibo ko nang dahil sa sinabi niya. He keeps on calling me with that endearment and I can feel my heart stubbing with so much gladness hearing those things from him. Damn! This is not good. I'm not inlove with him! No I can't... -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD