Chapter Fifteen : Leave
___________________________________
REWANE
"All you need to do is sign this papers, Wane. Nakasaad diyan sa testamentong hindi na paaalisin ang mga bata sa convent gaya nang napagkasunduan natin. Iyan lahat ang mga dokumento. And the land will be under your name," pahayag nito sa akin.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. Halos hindi ako makapaniwala. He must be kidding right?!
"You mean, ibibigay mo na ang lupa ng ganoon lang, Aeness?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumango lang ito sa akin at bahagyang ngumiti. Napasinghap naman ako. Sobra-sobra naman yata ito. He will give me the land just for free? Ay, may kapalit pala iyong pagtira ko sa kanya. Pero kahit na!
"But this is too much, Aeness! If....if you want magbabayad nalang ako. Nakakahiya sayo," nahihiyang saad ko.
Iniangat naman niya ang mukha ko. He smiled to me. Pakiramdam ko nalulunod ako sa mga ngiti niya. Minsan na ngalang siyang ngumiti sa akin kaya pakiramdam ko lumulundag nang husto ang puso ko.
"Anything for you, Wane. Kaya okay lang 'yan. Hindi naman 'yan makakabawas sa kayamanan ko."
Napasimangot nalang ako. Hindi parin talaga nawawala ang kayabangang meron si Aeness. Oo na! Siya na ang mayaman! Kailangan talagang ipangalandakan.
"I don't know what to say, Aeness. But really.....thank you so much."
Hindi ko alam na may tinatagong kabaitan din pala si Aeness. All I thought of him was a beast. But he's far from being one. Paniguradong matutuwa sina Sister Fe sa balitang ito. Lalong-lalo na ang mga bata.
" Masaya ka ba kapag kasama mo ako, Wane?"
Napaangat naman ako nang tingin kay Aeness at sandaling natigilan sa ginagawa kong pagpirma nang kung ano-anong mga dokumentong ibinigay niya sa akin.
Hindi ko naman magawang sumagot. Tinignan ko ang anyo nang mukha niya kung seryoso ba siya sa tanong niya sa akin. He really look frustrated right now. He walked towards my direction and sit beside me.
"I just want to know," mahinang saad nito.
Nagpakawala naman ako nang malalim na buntong hininga. I don't want to lie or hide what I really feel for him. Yes, I'm happy. I've never been happy like this before. At sa kanya ko lang ito naramdaman.
"Kahit minsan na naiinis na ako sayo dahil sa pagiging masungit mo, na kahit hindi na kita maintindihan minsan sa mga inaasal mo still I'm happy to be with you, Aeness. Ewan ko ba mukhang nasanay na nga ako na ikaw ang kasama ko. And to tell you the thruth I've never been this happy before just like what I felt when I'm with you."
And I wouldn't even what great love is when you didn't come along, Aeness. Because you made me love you.
Nag-angat naman ito nang tingin sa akin. May kung ano'ng emosyon sa mga mata nito na hindi ko mahinuha. May bumabagabag ba ngayon sa kanya? May kinalaman ba ako doon?
"Even if I'm being selfish and possessive with you?"
Natawa naman ako sa tanong niya. Ngumuso naman ito. Actually I really find it sweet. Kasi kahit doon nalang. Kahit iyon nalang ang gawin niya. At kahit na hindi ko man marinig sa kanya ang tatlong salitang gustong-gusto kong marinig mula sa kanya.. In that way, him being possessive and selfish I can fantasize that he also love me. Kahit doon nalang. Iisipin ko nalang na mahal din niya ako. Kahit hindi.
"Even if you are being selfish and possessive with me," I stated with a smile.
"Rewane," he uttered my name gently..
Hinawakan naman niya ang magkabilang pisngi ko. He directly looked into my eyes. Pakiramdam ko tagos na tagos ang tinging ipinupukol niya sa akin. That he's trying to plead for something.. And I don't have any idea of what is it.....
"Are you willing to leave your family just to stay with me, Wane? Are you?" seryosong tanong nito.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. Halos hindi ako makapaniwala na tatanungin niya sa akin iyon.
Me? I would leave my family? My mother? Father? Brothers? And Relatives? Who love me unconditionally? Just for him?
Makakaya ko ba iyon? Atsaka, bakit ba kailangan ko pang iwanan sila? Hindi pa pwedeng dito lang din ako at siya?
I heard him sigh when he notice that I can't even say a single word. He stood up and walk away from me for a few distance. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya. I don't even know what to say.
"Kapag inalok ba kitang manirahan sa ibang bansa kasama ako. Papayag ka ba?"
Napamaang naman ako sa naging tanong niya. Kung magbabakasyon lang ay okay sa akin iyon. Pero iyong manirahan? Paano ang pamilya ko? Magkakalayo kami nu'n. I wouldn't see them again. Baka minsanan nalang. Hindi kaya nina Mama at Papa iyon.
"I'm leaving, Wane. Four days from now and I want you to come with me," seryosong pahayag nito sa akin at tinitigan ako nang husto. Nanlaki naman ang mga mata ko.
He's leaving?! Pakiramdam ko may isang punyal na tumusok sa dibdib ko pagkarinig ng mga iyon sa kanya.
"Hi-hindi ka na babalik?" I restrain my voice from stammering.
Ramdam ko 'yong kirot na bumabalot sa dibdib ko ngayon. Kakaibang kirot. Hindi ko maipaliwanag kung saan nagmumula.
"Hindi na. May mga obligasyon akong dapat kailangang gawin. And I can't turn my back from those things."
Shit! Pakiramdam ko may bumara sa aking lalamunan nang dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang dahil sa sinabi niya. Gustong kong maiyak ngunit wala namang luhang lumalabas sa mga mata ko.
"That's the reason why I'm asking you, Wane. Pag-isipan mong mabuti ang alok ko. I know this would be hard on you. I know how you love your family. But I really need and want you too. I will give you time to decide and choose," he paused for a while.
Bumakas ang lungkot sa mukha nito. Parang pinipiga naman ang puso ko nang makita ko siyang ganoon. This is the first time I saw him sad and vulnerable. I don't like it. Mas gusto ko pang makita ang Aeness na masungit, arogante at bayolente kaysa sa nakikita ko sa kanya ngayon.
"And I'm still hoping, Wane. Hoping that in the end you will choose to be with me."
I don't know how does it happened. But suddenly my tears fall from my eyes when I saw him walking away from me. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak.
Dahil ba iyon sa mga huling salitang sinabi niya o dahil nahihirapan lang akong pumili sa kanila?
I don't even know..
-