Chapter 18

1252 Words
Chapter Eighteen: Mistress ___________________________________ REWANE Hapon na nang maisipan kong lumabas sa kwarto. I'm already done fixing myself. I already made up my mind. I will choose Aeness this time at kailangan ko nang sabihin sa kanya na siya ang pinipili ko. I know my family would understand. I want to be happy. And being happy means being with him. Lumabas na ako nang kwarto at dire-diretso sa kwarto ni Mommy. Magpapaalam muna ako na aalis ako. Kumatok ako nang tatlong beses at tuluyang pumasok. And I saw my mother watching tv while lying on her bed. Lumapit naman agad ako sa kinaroroonan niya. " Mom," tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa kinaroroonan ko. "Yes, darling? Come here," nakangiting sabi nito. Umupo naman ako sa gilid ng kama. Hindi ko nakikita dito si Daddy. "Where's Daddy, Mommy?" tanong ko. "Umalis kasama ang mga Kuya mo. Hindi ko nga alam kung saan pumunta nagmamadali, eh." Napatango naman ako nang dahil sa narinig. Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga bago nagsalita. "Mom, aalis po muna ako sandali. Babalik din naman ako pagkatapos," pagpapaalam ko. Hinaplos naman ni Mommy ang buhok ko at parang gusto kong maiyak. I know na kapag sinabi ko na kay Aeness ang desisyon ko ay matatagalan pa bago ko ulit sila makita. "Alam kong may bumabagabag sayo simula pa kahapon habang nag-uusap tayo. Whatever your decision is just always remember that we are always here for you. You will always be our Princess." Hindi ko na napigilang mapaiyak nang dahil sa sinabi ni Mommy. Niyakap ko naman siya nang sobrang higpit. I think this would be the last time I will hug my mother. Baka abutin pa nang ilang taon bago ko ulit siya mayakap kapag umalis na kami. "I love you, Mom." "I love you too, Wane." Kanina pa ako kinakabahan habang paakyat ako sa unit ni Aeness. Hindi ko alam basta't excited akong makita siya ulit. Dalawang araw lang kaming hindi nagkita pero miss na miss ko na siya agad. Damn! Pakiramdam ko sasali ako ngayon sa isang game show dahil sa sobrang kabog ng dibdib ko. Oh gosh, I really can't explain my own feelings! Pakiramdam ko may mga bituing nagkikislapan sa mga mata ko knowing the thought that he is waiting for me. Kamusta na kaya siya? May nagbago kaya sa itsura niya? Mas lalo ba siyang gumawapo? Dalawang araw lang kayong hindi nagkita, Wane! Kung makapag-isip ka naman parang taon na ang lumipas. Malapit na ako sa unit niya nang mahalata klng medyo nakaawang ang pinto niya. Kumunot naman ang noo ko. Hindi niya isinara ang pinto? Paano pala kung wala siya dito at iniwan lang niyang nakabukas ang pinto? Nagtungo naman agad ako sa pinto nang condo unit niya at akmang bubuksan ko na sana nang tuluyan ang nakaawang na pinto nang bigla akong natigilan. "What do you think you're doing with my daughter, Prince Aeness?" dinig kong sabi ng isang matigas na tinig. Nagsitayuan ang balahibo ko nang makilala ang boses na 'yon. It was my Father's voice! Pakiramdam ko nanghina ang mga tuhod ko. They already figure it out? Pero teka! Ano'ng sabi ni Daddy? Prince? Aeness is a prince? "Do you really think hahayaan kita sa binabalak mo? Hindi ko pinalaki ang anak ko para maging mistress o maging royal concubine mo lang! My daugther deserve more than that! " galit na sigaw ni Daddy. Napasinghap naman ako. Pakiramdam ko namanhid ang buong katawan ko nang dahil sa narinig. Hindi ko na napigilan ang luhang pumatak galing sa mga mata ko.. Mistress? Royal Concubine? Ako?! "Stay away from my daugther, Aeness. Isang linggo nalang at ikakasal ka na. Huwag mong idamay ang anak ko sa kabaliwan mo," Daddy hissed full of anger. "It's her choice in the end, Mr. Montenegro. If Rewane choose to be with me at kahit ayaw niyo ay isasama ko siya sa pag-alis ko," dinig kong sabi ni Aeness. "You son of a b***h! Hindi mo mahal ang anak ko! Anong gusto mong makuha sa anak ko?! Katawan niya?! Hindi ko hahayaang saktan mo siya!" Natutop ko naman ang bibig ko just to stop myself from crying out loud. Sumisikip ang dibdib ko. Kumikirot. Kakaibang sakit ang nararamdaman ko. I know from the start the he doesn't love me and he will never be. Simula palang ay alam ko na kung ano ang lugar ko sa buhay niya noon. He just want me and need me but he doesn't love me. Nanatili ako kasi umasa ako. Umaasa akong tutugunan din niya ang pagmamahal ko. But who am I kidding? Weeks palang ang dumaan nang magkasama kami. Impossibleng mahalin niya agad ako sa loob nang ganoon kaiksing panahon. "Hindi kayo ang magdedesisyon sa bagay na iyan, Mr. Montenegro. Any minute Rewane will came back at ayokong abutan niya tayo sa ganitong sitwasyon," matigas na saad nito. "You dumbass asshole!" dinig kung bulyaw ni Kuya Cleo. Nakarinig ako nang kalabog mula sa loob. "That's enough, Kuya Cleo," I heard Kuya Shaveen uttered. Bumuhos na ang luha ko nang marinig ang sabay na boses nang dalawa kong Kuya. They are here. All of them are here. Kuya Shaveen and Kuya Cleo are here too. Sumisikip na talaga ang dibdib ko. And I don't think I can handle this kind of pain anymore. "Okay fine! What do you really want to hear from me?! Na hindi ko siya mahal? That I would never give up the throne for her? Na gagawin ko lang siyang mistress o kaya ay magiging royal concubine kulang siya?! At katawan niya lang ang habol ko?! Then Yes!!!!" "You f*****g bastard!!" dinig kung nanggigigil na saad ni Kuya Cleo. Akala ko sobrang sakit na ang nararamdaman ko pero hindi pa pala. After hearing those words from him. May mas isasakit pa pala ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko tinutusok-tusok ng isang punyal ang puso ko. Na kahit ano'ng gawin kong paggamot sa sugat sa dibdib ko ay napakaimpossibleng gumaling nito. That's what I'm feeling right now.. Pinalis ko ang luhang pumatak sa pisngi ko at nanghihinang umalis sa lugar na iyon. Parang baliw na napapangisi nalang ako at umiiyak habang naglalakad. I messed up! I messed up real time! Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam kapag nagmahal ka at masaktan ng sobra. Sobrang-sobrang sakit pala! Pakiramdam mo namamanhid ang puso mo. Nanghihina ang buo mong katawan at wala ka manlang magawa kundi ang umiyak ng umiyak dahil sa sobrang sakit. s**t! I'm such a fool. At sumagi pa talaga sa isip ko na piliin siya, na iwanan ang pamilya ko para sa kanya. My family who truly loves me. Naisipan ko pang iwanan para lang sa kanya. Hindi ko alam kung papaano ako nakauwi sa bahay kahit na lutang na lutang parin ang isip ko. Bumuhos ng husto ang luha ko nang makasalubong ko si Mommy na pababa ng hagdan. Halatang nagulat ito pagkakita sa akin. Bumakas ang pag-aalala sa mga mata nito nang makita akong umiiyak. "Rewane, anak." Lumapit siya sa akin at wala na akong nagawa kundi yakapin si Mommy. Umiyak ako sa mga balikat niya. Tama si Nissa. Our parents would always be there for us whenever where happy, sad, afraid and hurt. "Mom, ang sakit. Sobrang sakit," umiiyak na sabi ko sa kanya. Hinaplos naman niya ang likod ko at dama ko ang simpatya at pag-unawa sa kanya. "Shhh..Princess.. Just cry as long as you want. If that would make you feel better. Nandito lang ako para sayo.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD