Chapter 17

1332 Words
Chapter Seventeen: Choice ___________________________________ REWANE "Tita Pretty," tawag sa akin ni Zandrienne. Napalingon naman ako sa kanya at nakita ko siyang umiiyak na tumatakbo patungo sa akin. Aww, sino naman kaya ang umaway sa kanya? This is her birthday today at umiiyak siya. "Little Princess, why are you crying? You should be happy. It's your birthday today." Kinusot nito ang kanyang mga mata at pinalis ang luha sa pisngi nito. Children's party lang naman ang ginawa dito sa bahay. At mga kakilala lang namin ang inimbita. Iyon ang gusto ni Nissa na mga kamag-anak at kaibigan lang daw ang dumalo. "Shem pinched my nose so hard and said to me that I'm ugly. He's...he's really bad, Tita," naiiyak na sumbong nito. Nagpakawala nalang ako nang malalim na buntong hininga. Palaging si Shem nalang ang umaaway sa Princess namin dito. Si Shem ay anak ni Rick ang kaibigan ni Kuya Cleo. "If that's the case, Princess, then you should stay away from him." Sumigok-sigok naman si Zandrienne sa sinabi ko. "I...I can't, Tita Pretty. I....I want him to be my friend. I....I like him. He's so handsome.." Nakita kong namula naman nang husto ang pisngi nang pamangkin ko nang dahil sa sinabi niya sa akin. Mukhang may future ang dalawang ito,uh. "Rewane." Napalingon naman ako nang marinig ang pagtawag nang boses na 'yon sa akin. And I saw my brother Shaveen walking towards me. Lumapit siya sa akin wearing his serious look. Hayss, kailan ko ba ulit makikitang ngumiti ang mga mata ni Kuya? Only if she's back. "Tawag ka ni Mommy. Nasa sala," maikling sabi nito. Nagpakawala nalang ako nang malalim na buntong hininga at marahang tumango sa kanya. Binuhat nito si Zandrienne at naglakad nalang ako palayo sa kanila. Pagkadating ko naman sa sala ay nakita ko doon si Mama na nakaupong mag-isa. Sa garden kasi ginawa ang party at lahat ng tao ay nandoon. Humalik ako sa pisngi ni Mommy nang makarating ako sa kinaroroonan niya. "Pinatawag mo raw ako sabi ni Kuya, Mommy," pambungad ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin. Inabot nito ang kamay ko at ibinigay sa akin ang isang maliit na kahon. Binuksan ko naman ito at nanlaki ang mata ko nang makita kung ano ito. It was a pair of plain silver ring. "Mom, bakit niyo po binibigay sa akin ito?" naguguluhan tanong ko. "Sabi sa akin ni Mama noon na kapag nagkaanak daw ako nang babae ay ibibigay ko ang singsing na ito sa kanya. That was your grandmother wedding ring, Wane. Malaki ka na and I know soon enough or hindi man ngayon alam kong mahahanap mo din ang lalaking para sayo. And I want you to use that ring kung saka-sakali mang ikakasal ka na. Kept that ring, Wane. And give that to the man whom you truly love kung meron man." Pakiramdam ko maiiyak ako nang dahil sa sinabi niya. Bakit parang ang advance naman yata ni Mommy. Ni hindi nga ako nag-open-up sa kanya tungkol sa nararamdaman ko or may napupusuan na ba akong lalaki tapos sasabihin niya sa akin ang mga ito. Wala nalang akong ibang nagawa kundi ang yakapin siya. If you have a family like this it is really hard to leave them. Lalong-lalo na at ganitong pagmamahal ang binibigay nila sa akin. "Mom, hindi mo ba namimiss sina Lolo at Lola doon? It's..it's been years na rin since the last time you saw them," malumanay na sabi ko. Hinaplos naman ni Mommy ang buhok ko. It's just like what she's been always doing when I was a child before. Palagi niyang sinusuklay at hinahaplos ang buhok ko nang ganito kapag pinapatulog niya ako. "Namimiss," sagot nito. I really missed this feeling. Being with my mother while touching my hair. "Bakit po hindi niyo sila puntahan kung ganu'n? O kaya sila ang pumunta dito sa atin?" curious na tanong ko. Siguro dalawan taon na ang lumipas since we last visit Lolo and Lola to their home. At maikling panahon lang ang pananatili namin doon. Dahil may mga obligasyon si Daddy na kailangang harapin. "I can't leave your father here, Rewane, and you know that. Kapag may pagkakataon naman dadalaw tayo ulit doon. And you know my parents, may mga obligasyon din sila doon sa palasyo. Kaya mahirap na sila ang pumunta dito dahil hindi nila puwedeng iwan ang mga 'yon." "Why did you choose Dad, Mom? Gaya nang sabi mo noon hindi ito ang lugar kung saan ka nabibilang. Still why did you choose to be with Dad?" "Dahil wala akong choice." Nanlaki naman ang mata ko nang dahil sa naging sagot ni Mommy. "Po?" I heard her laughed in amusement. "Just kidding, hija. I choose to be with your Dad because I love him, Wane. I love your Dad too much that I'm willing to give up everything just for him. At alam kong sa piling niya lang ako sasaya nang ganito." "Hindi po ba kayo nahirapang pumili between my Dad and your parents?" curious na tanong ko. Kumislap naman ang mga mata ni Mommy na parang may naalala. "Nahirapan. Sobrang hirap iyon, anak. Alam mo ba kung ano ang inisip ko noon para lang makapili?" she asked me. Nag-angat naman ako ng tingin nang dahil sa tanong niya. Hindi ako umimik at hinintay ko lang na magsalita siya. "Naisip ko noon that I could never live without him. That's the reason why I choose him. At wala naman akong naging problema sa mga magulang ko because they let me. Dahil alam nilang doon ako sasaya. Even if your father is known as the devil before I still choose to be with the devil than to become a Queen because I love him." Humigpit naman ang pagkakayakap ko kay Mommy. I want to cherish this moment being with her. "Is love an enough reason, Mommy?" I asked. Ngumiti naman ito. "Yes, Rewane. Love is enough reason. Maraming nagsasabi na hindi sapat na mahal lang at 'yon din ang naisip ko noon but I change my mind. Kasi if you love you'll learn to trust, respect, forgive, let go, fight, be faithful, and all the positive attributes just to be make yourself and other's happy in righteous way." "If I want to choose for my happiness kahit na mawalay ako sa inyo would you let me too, Mom?" seryosong tanong ko. Mom smiled at me and touch the hem of my hair. "If being away from us can make you happy, Princess, we will. Handa kami sa bagay na 'yon because we know dadating talaga ang araw na magkakaroon kayo nang sarili niyong pamilya and we are here to support you." "I love you, Mom." " I love you too, Wane." Kumalas naman ako sa pagkakayakap kay Mommy at hinarap siya. She is still beautiful as ever despite of her age. Ngumiti siya sa akin at kinuha niya ang kamay ko. Kumunot ang noo ko nang makita ang inilapag niya sa palad ko. A plane ticket?! "Your father wanted to give this to you but he's too emotional to set you free. Nagkausap kami at hindi ko alam kung bakit siya pumayag. Siya mismo ang tumawag sa isa sa mga producer ng isang recording company sa States, Wane. At hinahayaan ka na niyang maabot ang mga pangarap mo. You love to sing and we are here to support that dream of yours." Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil sa sinabi ni Mommy. Oo. Pangarap ko talagang sumikat sa larangan nang pagkanta. Kinapa ko naman ang sariling damdamin. Iyon pa ba talaga ang gusto ko? Gusto ko pa bang gawin 'to? Dahil sa ngayon iisa lang naman ang gusto ko at 'yon ay ang makasama si Aeness. But can I really give up my dreams for him? Minsan lang dumating ang opportunity na ganito sa akin. "It's your choice in the end, Wane. Pag isipan mong mabuti. Just remember that we always want what's best for you. Best thing that can make you happy." -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD