WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 79 SELFISH KATE MALIA’S POINT OF VIEW. HINDI NA nasundan ang pahinga ko nang sumunod na araw dahil naging malubha ang kondisyon ni Mommy. Naghahanap pa kami ng blood donor para sa kanya dahil hindi kami match at si Dad naman ay bawal na mag donate ng dugo dahil mahina na siya. Kaya ang tanging pwede lang na makapag donate kay Mom ay walang iba kundi ang bruha kong kapatid na ngayo’y hindi pa rin nagpapakita sa amin. Walang hiya talaga ang babaeng ‘yun kahit kailan! Noong umuwi pala kami ni Apollo sa bahay upang makapag pahinga ako ay hindi siya pumunta dito sa hospital, kagaya noong sinabi ni Dad na pupunta siya. Kung makikita ko talaga ang babaeng ‘yun ay sasabunutan ko talaga siya. “Hindi mo ba siya ma-contact, Dad?” kalmado ko na tanong

