WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 80 AAYUSIN KATE MALIA’S POINT OF VIEW. NANG DAHIL sa hindi namin pagkakaunawaan ni Apollo ay hindi na ulit kami nag-usap dalawa. Sinubukan ko siyang tawagan ulit, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Siguro ay galit pa rin sa akin si Apollo. Kaya para makakuha ako ng update sa anak ko, si Inday na lang ang tinatawagan ko dahil hindi ko ma-contact si Apollo. Maayos naman ang kalagayan ni Ryle at naiintindihan niya naman ang sitwasyon namin ngayon. Gusto niya ngang pumunta dito sa ospital upang mag visit sa kanyang grandma, pero natatakot pa ako dahil baka mahawa siya ng sakit. “Anak…” Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata ng marinig ko ang boses ni Dad. Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko siya ngayon na alalang nakatingin sa akin

