Third Person POV FLASHBACK Nasa ilalim ng mga nagtatayugang puno ng acacia ang magarang kotse ni Marineth habang tuluy-tuloy itong humaharurot sa madilim na kalsada. Ang bigat ng kaniyang pakiramdam, na tila ba may kumikirot sa loob ng kanyang dibdib. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang naging sagot ni Giyo. Ang dami niyang dala—mga regalo na alam niyang magugustuhan ni Giyo, mga grocery, tinapay, chocolate at mamahaling mga alak, ilang bagay na sigurado siyang magpapalapit sa kaniya kay Giyo. Pero kahit anong paglalandi niya, wala itong epekto. Iritang-irita siya. “Ano ba namang klaseng tao 'yon?!” Bulalas niya sa sarili habang hinahampas ang manibela. “I gave him everything, and he just threw me out like trash!” Sa halip na malasing sa tuwa at makuha ang gusto niya mula kay

