Giyo’s POV Tahimik ang gabi. Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling lumabas ng bahay ng ganitong oras, pero ngayong gabi, hindi ko mapigilang sumilip sa labas. Sa mga oras na ito, ang mga tanong sa isipan ko ay parang mga multong hindi mawala-wala. Lumabas ako ng mansiyon, binuksan ang maliit na gate at nagsimulang maglakad papunta sa kalsada ng Baryo Fuentabella. Naka-jacket ako, naka-cap at saka naka-mask parang walang makakilala sa akin. Napansin ko na sobrang tahimik ng lugar. Kahit ang mga lamok ay parang natutulog. Wala kang maririnig kundi ang mga yabag ng mga paa ko sa sementadong daan. Dati, maraming tambay kahit madaling-araw na, ngayon, parang ghost town ang atake ng baryo dahil sa takot nila na baka mapatay din sila ng killer. Marami ang nag-aakala na pinatay ako ng n

