Chapter 57

1070 Words

Mia’s POV  Pagsapit ng umaga, bumaba ako sa ibaba ng bahay namin na parang pasan ko ang buong mundo. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kay Giyo. Hindi ata ako makaka-move on sa nangyari. Nakatingin lang ako sa sahig, nanginginig ang mga kamay ko habang kinakaladkad ko ang tsinelas sa mga baitang. Sa bawat hakbang ko pababa, ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Na para bang may mga bato na nakapatong sa puso ko, pabigat nang pabigat habang tumatagal. Pagdating ko sa sala, naroon si Manang Yoll, nakaupo sa maliit na bangko at nag-aayos ng mga gulay. Mukha siyang pagod, ngunit ang kapansin-pansin ay ang lungkot na bumalot sa kaniyang mukha. Agad niya akong tinapunan ng tingin at lumapit sa akin. “Nabalitaan mo na ba, Mia?” bungad niya sa akin sabay hawi ng kaniyang mga buhok sa mukh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD