Giyo’s POV Noong araw na iyon, hindi ko akalain na magiging isa sa pinakamahalagang desisyon ng buhay ko ang biglaang pag-alis ko mula sa bahay-kubo ko. Tuwang-tuwa ako sa sarili ko. Parang may puwersang nagtulak sa akin na magdesisyon na lumayas na nung madaling-araw doon. Hindi ko pa alam noong mga oras na ‘yon na ito pala ang magliligtas sa buhay ko. Tahimik ng gabing ‘yon. Kabilugan ng buwan, malamig ang simoy ng hangin. Walang anumang kakaiba. Basta nagising na lang ako nang maaga. Biglang may kutob ako na bumangon na. Kung tutuusin, wala namang plano, wala namang dahilan para umalis kasi alam kong hindi ako ang target ng killer, naisip ko lang magpakalayo na dahil alam kong sinusundan niya ako. Kaya nagdesisyon ako, wala nang tanong-tanong at kinuha ang mga gamit kong puwede kon

