Mia’s POV Nasa sala kami ng bahay nila Celine, kasama rin sina Francheska at Sofia. Hindi ko na halos maigalaw ang mga kamay ko sa sobrang panginginig at ang mga mata ko ay wala nang tigil sa pagluha. Hindi ko magawa ito sa bahay kasi baka makita ako ni mama, baka kung ano pang ang isipin niya. Tahimik lang silang tatlo, nakapalibot sa akin, habang ako naman ay walang habas na humahagulgol. Hindi ko matanggap, hindi ko lubos maisip na ang bahay-kubo ni Giyo ay nasunog. Hindi ako makapaniwalang wala na siya. Wala na… tulad ni Giyo. “Why does it have to happen?” Napatingin ako kay Francheska. Halos pabulong ang tanong ko, puno ng hinanakit at pagkalito. Para bang ang lahat ng ito ay isang bangungot na sana ay magising ako at makita ko si Giyo na buhay pa. “You’ll move on, Mia,” sagot

