Chapter 10

1354 Words
Mia’s POV Kalat na ‘yung tungkol sa paglabas namin ni Giyo nung nakaraang gabi. Nandito ako ngayon sa isang birthday party ng kaibigan ko at balita ko ay darating din dito si Marineth. “Mabuti hindi nakita ng parents mo ang post ni Giyo na kasama ka?” tanong ni Celine. “Kaya nga, naisip ko pa naman na kapag nakita ‘yung ng mama at papa mo, lagot ka,” sabi naman ni Franceska. “Kayo naman, parang hindi kayo sanay sa social media. For sure naka-hide na ‘yon sa account ng mama at papa niya. Or baka naka-block na ang account ni Giyo sa mga magulang niya,” nakangising sabi ni Sofia kaya natawa ako. “Mabuti pa si Sofia, matalino,” puri ko kaya natawa ang dalawa. “So, naka-block nga?” paninigurado pa ni Celine. “Yes, sabi ko kay Giyo ay I-block na niya ang account ng mga magulang ko para hindi nila makita nag post na ‘yon. Saka, kaya ko lang naman pinagawa sa kaniya ‘yon ay para mainis si Marineth. Umaandar na naman kasi ang pagiging agawera niya. Gusto na naman niyang agawin si Giyo sa akin. Mabuti na lang at kayang-kaya kong pasunurin si Giyo. Ang gaya niyang lalaki na uhaw sa pera, kapag pinakitaan mo ng pera, mapapasunod ito sa iyo at gagawin niya ang lahat ng utos ko,” pagmamayabang ko sa kanila. “Bitchera ka talaga, Mia,” napapailing na sabi ni Francezka. Maya maya ay lumapit na sa amin si Geraldine, ang may birthday ngayong gabi. “Salamat at nakarating kayo,” bati niya saka niya ako unang bineso sa mukha. “Happy birthday, Geraldine,” sabi ko saka ko inabot sa kaniya ang gift ko. “Nag-abala ka pa. Pero, thank you sa gift,” masaya niyang sabi. Inabot na rin ng mga kaibigan ko ang regalo sa kaniya. Sa totoo lang, kaya kami madalas invited sa mga birthday party ng mga malalayo naming friend ay dahil sa mga pasabog naming regalo. Hindi kasi kami nawawalan ng regalo sa bawat kaibigan namin na nagbi-birthday. Bukod doon ay talagang mamahaling regalo ang binibigay namin. Masaya naman kami na nai-invite kami palagi. Talagang dumadalo kami sa mga ganitong bonggang event para mas lalo kaming makilala. Kami, ang goal kasi namin ay ang makilala lalo ng mga taga-ibang bayan. Nang sa ganoon, kapag nag-umpisa na kaming mag-business. Mas marami kaming magiging connection, lalo na sa mga gaya naming mayayaman. Nang mag-agaw na ang liwanag at dilim, naamoy ko nang parating na ang bruha. Kabisado ko na kasi ang galawan at amoy niya. Hindi naman ako nagkamali kasi dumating na nga ang palaging pa-importanteng si Marineth. Gusto niya, kapag dadalo sa mga ganitong event ay pinaka-late siyang darating para agaw-pansin siya sa mga bisita. Lalo na sa mga lalaking palagi niyang pinupuntirya kapag lasing na siya. “Excuse me, girls, kailangan kong magbanyo,” paalam ko sa kanila. Habang dumadaan ako sa mga bisita ni Geraldine, parang ako ang may birthday kasi panay ang ngiti at bati nila sa akin. Kapag naman grupo ng kalalakihan ang nadadaanan ko, panay naman ang kindat nila. May iba pa na nagbibiro na hingin ang phone number ko. Bilang famous sa baryo namin, chill at ngiti lang ang sinasagot ko sa kanila. Pa-heart to get din talaga ako sa karamihan. Sa sobrang pogi lang ako nagiging malandi, lalo na kapag kagaya ni Giyo. Pagdating ko sa banyo ay walang tao. Pumasok agad ako sa cubicle at saka nagbaba ng underwear. Habang nagbabawas ako ng tubig sa katawan ko, narinig ko ang mga yapak na paparating. Hindi ako nagkamali kasi bumukas ang pinto at saka ito pumasok sa loob. “Yes, anong kailangan mo, Lester?” Napakunot ang noo ko kasi kilala ko ang boses na ‘yon. Hindi ako puwedeng magkamali. Si Marineth ito. “Tigilan mo na sabi ako. Ayoko na sa ‘yo. Sawa na ako sa ‘yo. Kapag sawa na ako sa isang lalaki, ayoko na talaga. May bago na akong tina-target ngayon. Mas guwapo, mas malaki ang katawan at lalo nang mas malaki ang titë.” Si Giyo ba ang tinutukoy niya? Teka, paano niya nalaman malaki ang titë ni Giyo? “Oo, nakita ko na. Pinakita niya sa akin nung puntahan ko siya sa bahay niya. Kahit wala pang buhay ‘yung ari niya nung makita ko ‘to, alam ko na agad na malaki ‘yon kapag nagalit pa ng husto. Kaya, Lester, tigilan mo na ako kasi walang-wala ka sa kaniya. At wala na ring makakapigil sa akin. Kapag gusto ko, makukuha ko. Sisiguraduhin ko ‘yon. Kahit pa malaking haglang sa buhay ko ang bruhang si Mia.” Napangisi ako nang marinig ko ‘yon. Pero agad nag-init ang ulo ko nang marinig kong pinakita ni Giyo sa kaniya ang titë nito. Totoo ba ‘yon o gawa-gawa lang niya para masaktan ang tuta niyang si Lester? Pero, hindi ba siya natatakot kay Lester? Ang baliw pa naman ng taong ‘yon. Saka, kasali siya sa mga gangster sa Manila. Puwede siyang pag-trip-an nito kapag nainis sa kaniya. Paglabas niya ng banyo, lumabas na rin ako. Nag-ugas ako ng kamay sa lababo, pagkatapos ay bumalik na ako sa table naming magkakaibigan. “Baka hindi ako magpagabi, may lakad ako bigla,” sabi ko sa kanila. “Bakit, saan ka na naman pupunta? Don’t tell me magkikita na naman kayo ni Giyo?” tanong ni Celine. “Kailangan ko siyang kausapin. Kailangan kong malaman ang katotohanan tungkol sa narinig ko sa bruhang si Marineth,” sabi ko sa kanila kaya naintriga na naman ang mga kaibigan. “Ay, naku, mukhang away na naman ata ‘to,” napapailing na sabi ni Francezka. “Saka ko na lang sasabihin sa inyo kapag sure na ako,” sabi ko saka ko nilagok ang wine sa wine glass ko, pagkatapos ay umalis na ako. Palabas na ako sa bahay ni Geraldine nang tawagin ako bigla ni Marineth. “Mia!” Ayaw ko na sanang huminto at harapin siya, kaya lang maraming tao sa paligid. Baka isipin ng mga ‘to ay takot ako sa gagang si Marineth. “Why?” taas-kilay kong tanong. Naglakad siya palapit sa akin. Siya ang kusang lumapit kasi siya ang may kailangan. “Lalaban ako, Mia. Hindi ako papayag na mapunta sa iyo si Giyo. Naisihan mo man ako nung gabing ‘yon, pero sa mga susunod na araw, linggo o buwan, sisiguraduhin kong mapapasa-akin na siya,” banta niya na nginisian ko lang. “Labas-masok na sa butas ko sa ibaba ng ari niya. Lalo na sa bibig ko. Ngayon palang pinagsasawaan ko na siya. At masasabi kong sobrang enjoy tikman ni Giyo. Ayokong magyabang, pero walang kahirap-hirap sa akin ang makuha ang isang Giyo. Alam mo kung bakit? Maganda kasi ako. Ikaw ba, maganda ka ba?” “Mas maganda kaysa sa ‘yo!” mayabang na sagot niya. “Kung ganoon, bakit ako ang kasama niya nung gabing ‘yon at hindi ikaw?” “K-kasi inagaw mo. Kasi umentra ka. Nakisawsaw ka sa gabi na dapat ay kami ang magkasama!” Ramdam kong irita na siya. Ramdam kong talo na agad siya dahil sa itsura ng mukha niya. Lalo na sa boses niya na halatang parang paiyak na. “Maganda nga kasi ako. Isang tawag o message ko lang sa kaniya, nagkakadarapa pa ‘yon nang pagpunta sa akin. Ganoon kalakas ang alindog ko kay Giyo. Saka, anytime at anywhere, kayang-kaya kong tikman si Giyo. Isang pitik lang ng mga daliri ko, ibababa na niya agad ang pantalon at underwear niya,” panunukso ko pa kaya lalo na siyang naasar. “Buwisit ka! Sinungaling. Hindi ako naniniwala!” sigaw niya na para bang mananampal na. Sa sobrang inis na nararamdaman niya, kusa na siyang umatras. Tinalikuran na naiya ako at bumalik na siya sa loob ng bahay nila Geraldine. Tatawa-tawa na lang tuloy ako nung pasakay na ako sa sasakyan ko. Talo, palaging talo ang babaeng ‘yon. Pero, humanda ka, Giyo. Bakit mo pinapakita sa babaeng iyon ang titë mo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD