Chapter 9

1222 Words
Giyo’s POV Sa kanto ako hinatid ni Mia para hindi siya makita ng mga kapitbahay namin. Kahit kasi alas diyes na ng gabi, may mga tambay pa sa labas. Ang iba mga matatandang ginang na nagchichismisan pa, ‘yung iba naman ay mga lasinggero na inuumaga pa minsan. Pagdating ko sa harap ng kubo ko, tinignan ko na muna ang ilalim ng basahan ko. Napangiti ako nang makita kong may puting emvelop doon kaya mukhang dinala na rito ang bayad ko sa isa ko pang sideline. Ayos, makakapag-grocery na rin ako bukas. Ayos din talaga ang naisip kong pakulo na ‘to. Kahit pa paano, hindi na rin talaga nawawalan ng laman ang bulsa, wallet at kusina ko. Pagpasok ko sa loob ng kubo, binaba ko na muna sa mahabang bangko ang mga supot na dala-dala ko. Ito ‘yung mga damit at underwear na binili sa akin ni Mia. Tumuloy ako sa kusina para uminom ng tubig. Pagkatapos, naligo ulit ako para presko ako kapag natulog. Nagtimpla na rin ako ng chamomile tea para presko lalo ang tulog ko. Nakakatulong ang tea na iyon para mawala ang insomnia ko. Simula nung uminom ako ng chamomile tea, hindi na rin ako na-stress. ** Kinabukasan, nakatanggap ako ng message kay Madam Ofelia. Hapon na raw ako pumasok kasi may mahalagang meeting na nangyayari ngayon sa bahay nila. Tungkol daw ito sa business nila kaya pabor sa akin kasi ngayong araw ko isisingit ang paggo-grocery. Pagkagising ko ngayong umaga, nagbihis agad ako nang pang-jogging ko. Sinamantala ko na ang pagtakbo para malibre na rin ng pamasahe papunta sa palengke. Pagdating sa palengke, namili na ako nang pang-stock sa kusina ko. Nakalista ang lahat ng kailangan ko kaya madali lang akong nakapamili. Dumaan ako sa isang coffee machine. Dito na rin ako nag-almusal sa palengke. Mabuti na lang at may malapit na bakery. Bumili na rin ako ng sampung pisong pandesal. Sinawsaw ko ang pandesal sa mainit na kape, pagkatapos, saka na ako tumuloy sa bigasan. “Oh, Giyo, ilang kilo ang sa iyo?” tanong sa akin ng tindero ng bigas na si Mang Pedring. Sa kaniya na kasi ako madalas bumuli ng bigas kasi maganda ang mga bigas sa kaniya. “Sampung kilo ho,” sagot ko habang hinahanda na ang pera. Habang hinihintay ko ang bigas ko, nagulat ako nang lapitan ako ng isang parlorista na si Amang. Inabot niya kapagdaka ang isang libong piso sa akin. “Alam mo na, hintayin ko na lang sa bahay ‘yung order ko,” mahina niyang sabi kaya tumango na lang ako at saka kumindat. Ngiting-ngiti naman ang bakla kapag ginagawa ko ‘yon sa kaniya. Pag-alis niya, sakto naman na inaabot na sa akin ang bigas ko. Yung one thousand pesos na bayad ni Amang ang inabot ko na lang tuloy sa kaniya. Para tuloy nalibre na ako ng bigas. Pagkabili ko ng bigas, pumara na ako ng tricycle kasi mabigat na rin itong mga supot na dala-dala ko. Saka, kailangan ko pang ihanda ang order ni Amang kaya kailangan ko na rin talagang umuwi ng maaga. “Naku, Giyo, may dalawang ginang na naghihintay sa iyo kanina. May o-order-in daw sila sa ‘yo. Kaya lang sa tagal mo, hindi na sila nakapaghintay. Kakaalis lang din nila,” sabi sa akin ng kapitbahay kong si Aling Narsing. “Naiintriga na tuloy ako. Ano ba ‘yang business mo? Parang gusto ko tuloy um-order din,” sabi pa niya kaya natawa ako. “Naku, Aling Narsing, hindi ho bagay sa iyo ang business ko,” sagot ko naman kaya napakamot siya ng ulo. “Bakit, pinagbabawal na gamot ba ‘yang business mo?” tanong pa tuloy niya kaya lalo akong natawa. “Hindi ho, hindi ako adik. Hinding-hindi ko gagawin ‘yon. Basta ho, secret na business ko po ito na hindi niyo na ho dapat pang malaman.” Pumasok na ako kapagdaka sa loob ng kubo ko at baka kasi humaba pa ang usapan namin. Napakadaldal pa naman nitong si Aling Narsing. Hindi siya nauubusan ng tanong at salita. Pag-alis niya, sinilip ko na tuloy ‘yung ilalim ng basahin sa harap ng pinto. May nakita akong dalawang emvelop na puti kaya tatlo ang gagawan ko tuloy ng order ngayong araw. Dali-dali ko namang ginawa ang mga pa-order ko. Sa loob ng dalawang oras, nagawa ko namang malagyan ng pawis ko ang bagay na iyon. Pagkatapos, saka ko pinaghati-hati sa tatlong bagay na iyon ang pinaka-gusto nilang kasama sa order nila. Ito ‘yung pinaka-special kaya nawiwili sila sa pag-order nito sa akin. Pagkatapos kong magawa ang mga order nila, isa-isa ko na itong sinupot at saka ko dinala sa mini courier na malapit lang din sa amin. Sila ang bahalang mag-deliver nito sa mga may order sa akin. Nakakatuwa kasi ngayong umaga lang ay nakatatlong libong piso agad ako. Kung tutuusin, puwede na akong hindi pumasok sa trabaho ko. Kaya ang ginawa ko, nag-message na lang din ako kay Madam Ofelia na kung puwede ay bukas na ako pumasok. Mabuti na lang at suwerte ako. Tatawag na rin daw dapat siya. Nag-extend daw kasi ang business meeting sa bahay nila kaya sobrang busy pa raw nila hanggang ngayon. Kaya naman pumayag na rin siya na bukas na ako pumasok. Ang saya lang din talaga sa pakiramdam na makakapagpahinga lang ako buong maghapon sa bahay ko. At dahil good mood ako, nagluto na rin ako ng adobong manok sa panaghalian ko. Nilagyan ko ito ng pinya para mas masarap. Nasa kalagitnaan ako nang panananghalian nang biglang bumukas nang malakas ang pinto ng kubo ko. Niluwa nito ang galit na galit na si Marineth. “Are you playing with my feelings, Giyo?” Kung titignan ay para siyang bulkang nag-aalburuto. “M-marineth, chill.” Tumayo ako para pakalmahin siya. “Anong chill? Paano ako magchi-chill kung nakita ko sa social media mo ang post mo kagabi habang kasama si Mia. Ang sabi mo, tayo ang magkikita, tapos makita-kita ko ay siya pala ang kasama mo. Sinayang mo lang ang oras ko sa pagyagak ko kagabi, tapos si Mia naman pala ‘yung kakasamahin mo. Gigil na gigil ako sa ‘yo ngayon, Giyo! Inis na inis ako, sobra!” Sinara ko ang pinto ng kubo. Binaba ko ang short ko. “Sige, tuwạd. Pagbibigyan kita para mawala na ‘yang galit mo,” sabi ko. Wala na akong maisip, e. Para matahimik na siya. Natameme naman siya nang makita niyang nakalabas na ang titë. Maya maya ay ngumisi siya. “Ano, bakla lang. Akala mo ay usapang titë lang ‘to. No, ang issue dito ay pinaasa mo ako kagabi. Galit na galit ako sa ‘yo, Giyo. Sobra!” sabi pa rin niya na hindi pa rin natahimik. Tinaas ko na lang bigla ang short ko nang bigla rin siyang lumabas na ng kubo ko. Pagtanaw ko sa kaniya, pumasok na siya sa loob ng kotse niya at saka na umalis dito. Napasapo na lang ako sa ulo ko dahil sa nangyari. Kasalanan ito ni Mia. Dahil sa kaniya hindi tuloy kami natuloy sa pagkikita namin kagabi. Gusto ko pa namang gamitin si Marineth para lalo kong makuha ang atensyon ni Mia. Pero sa tingin ay mukhang effective naman. Ang nakakatakot lang ay tigre pala magalit ang Marineth na ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD