Chapter 8

1118 Words
Mia’s POV Akala ni Marineth, maiisahan niya ako. Ako pa naman ‘yung kapag kinalaban niya, gagawin ko ang lahat para hindi magpatalo. Nauna kong nakita at nahanap itong si Giyo kaya sa akin na ‘to. Kahit pa may boyfriend akong taga-Manila, dito na ako magseseryoso. Saka, hindi naman ako seryoso kay Benedict. Mukhang hindi rin naman siya seryoso sa akin. Isa pa, maraming magagandang babae sa Manila kaya for sure, talagang balewala lang ako sa kaniya. Saka, mas malaki ang lamang nang pagiging guwapo nitong si Giyo. Bukod doon, masarap pa siyang kumangkang. Hindi ko talaga makalimutan ang masarap na nangyari sa amin. Buwisit, sobrang sarap niyang bumayo. Talagang pinagkakadulo niya ang titë niya sa loob ng pukë ko. Tulog si Giyo. Pagod kasi siya sa maghapong pagpipintura sa bahay. Ewan ko ba kay mama at paulit-ulit at papalit-palit siya ng kulay sa room na ‘yon. Pero, pabor naman sa akin kasi araw-araw kong nakikita si Giyo. Hindi ko mapigilang mapangiti habang tinitignan siya habang natutulog. Kahit tulog, guwapo pa rin. Kahit minsan ay nakanganga siyang matulog, guwapo pa rin. Tanga na lang talaga ako kapag naagaw pa si Giyo sa akin ng iba. Hindi pa man kami, pero kailangan ko na siyang bakuran. Lalo na’t nalaman ko pang crush pala itong ng bayan. Ang daming gustong lumandi sa kaniya, pero sa akin lang pala siya babagsak. Aba, deserve naman niya ang maganda kong katawan. Wala pang nakakatikim sa akin sa baryo namin. Tanging siya palang. Kadalasan kasi ay puro mga taga Manila ‘yung nakaka-sëx ko. Hinayaan ko muna siyang matulog kasi mamaya, tiyak na mapapagod siya kapag gumala na kami. Sa isang magandang restuarant ako nag-park ng sasakyan. Oras na ng dinner kaya ginising ko na siya. Nagulat pa ang poging ito nang halikan ko siya ng ilang beses sa labi niya. Iyon ang pinanggising ko sa kaniya. “Gising na, Giyo. Kakain na tayo ng dinner,” sabi ko sa kaniya. Naghikab agad siya at saka tumingin sa paligid. “Aba, napakagandang kainan ata ‘to. Nasaan na ba tayo, Mia?” tanong niya habang naghihikat pa ng katawan. “Malayo na tayo sa baryo. Tara na, gutom na ako. Bumaba na tayo sa sasakyan.” Nauna na akong bumaba. Pagkatapos, saka siya sumunod. “Naks, kahit bagong gising at magulo ang buhok, pogi pa rin,” sabi ko sa kaniya kaya binigyan niya ako ng kaunting ngiti. Medyo wala pa siya sa mood kasi kakagising lang. “Kahit magsuot pa ako ng basahan, hindi mababago ang itsura ko. Pogi pa rin ako,” pagmamayabang naman agad niya. Sa loob ng restuarant, napansin ko agad na panay ang tingin ng mga tao kay Giyo. Lalo na ‘yung mga babaeng kumakain at ganoon na rin ang mga babaeng staff. Kahit saan talaga pumunta si Giyo ay takaw tingin siya sa mga kababaihan. Pati ‘yung baklang staff, bigla nang nagpa-cute nung tignan si Giyo. Napairap tuloy ako at saka ko pinulupot ang kamay ko sa braso ni Giyo. Para ma-aware na rin ang mga tao dito na akin na ‘to. Pag-upo namin sa isang lamesa malayo sa mga tao, lumapit na sa amin ang isang waiter. Inabutan kami nito ng menu list nila. “Sige, Giyo, um-order ka ng kahit anong gusto mo, sagot ko ‘to,” sabi ko sa kaniya kaya nakangiti niyang tinanggap ang menu list sa waiter. “Sir, one pork steak, one carbonara, and one mixed seafood. Also, please give us a pitcher of pomelo juice,” sabi ko sa waiter. “Spaghetti ako, tapos menudo, adobong manok at pati na rin pancit. Iyon lang,” sabi naman ni Giyo na kinatawa ko. Kung ano pa ata ‘yung madalas niyang kainin, iyon pa ang in-order niya. Pag-alis ng waiter, kinausap ko tuloy siya. “Tips ko lang, Giyo. Kapag kakain ka sa labas o sa ibang lugar. Dapat mag-try ka naman ng ibang food. Mas maganda kung ‘yung hindi mo pa natitikman ang ta-try mo,” suggest ko sa kaniya. “Oo nga ‘no. Bakit hindi ko naisip ‘yon. Pero, hayaan mo na, sa susunod na lang siguro,” sagot niya habang nagkakamot ng ulo. Talagang naisip na niya agad na may susunod pa. Sabagay, talagang mayroon pa at marami pang susunod kasi magiging madalas na nag pag-roadtrip namin. Pagdating ng order namin, nagsimula na kaming kumain. Ang ginawa ko, ‘yung mga in-order ko, pinatikim ko rin kay Giyo para marami siyang matikman ng pagkain. At habang kumakain kami, tumatawag na si Marineth kay Giyo. Siyempre, dahil ako ang kasama niya, sinabi ko kay Giyo na huwag niyang sasagutin ang tawag nito. Mabuti na lang at enjoy na enjoy si Giyo sa pagkain kaya wala rin talaga siyang pakelam kay Marineth. Tumuloy kami sa night market na malapit sa kinainan namin. Naglakad-lakad kami doon. May mga damit pang napili si Giyo na nagandahan siya kaya binili ko na para sa kaniya. Nakita ko naman na nag-e-enjoy si Giyo habang kasama ako kaya nag-e-enjoy na rin ako. First time kong magkaroon ng kalandian na lalaki na hindi sosyal. ‘Yung hindi kami sa bar nagde-date, natutulog sa mga five star hotel at nagmo-mall. Si Giyo, masaya na sa mga ganitong lakaran. Isa pa, baliktad ngayon. Kung dati, lalaki ang nanlilibre sa akin, ngayon ako pa ang nanlilibre kay Giyo. Sa kagustuhan kong ma-solo siya, heto, para tuloy akong bakla na binibigay ang lahat sa kaniya, mapasaya lang siya. “Salamat sa mga bagong damit,” sabi niya sa akin pagbalik namin sa sasakyan ko. Napakunot ang noo ko. “Teka nga, bakit ba dose-dosena ang binili mong underwear. Lahat ba ng brief mo ay butas at sira na at tila magta-travel ka kung bumili ng ganiyang karami ng brief?” tanong ko sa kaniya. “Wala lang, talagang trip ko lang ‘yung bumibili ng maraming-maraming brief para marami rin akong masuot,”sagot niya kaya tumango na lang ako. Dumaan naman kami sa isang ice cream shop para mag-dessert. Si Giyo, cheese pa ‘yung flavor na in-order. Ang dami namang ibang kakaibang flavor, iyon pa talaga ‘yung pinili niya. Halatang, taga-baryo talaga siya dahil sa mga ganap niya sa buhay. Pero kahit na ganoon siya, hindi ako nate-turn off. Ang guwapo niya kasing bisaya. Isa pa, masarap pa. Kaya kahit asal jejemon o jologs siya, okay lang sa akin. Ang mahalaga, pogi, maganda ang katawan, masarap ang tinatago niya sa ibaba at masipag pa. Sa kama palang, jackpot na ako sa kaniya kapag bumayo na. Kaya hindi na bale kung jologs siya, ang mahalaga ay napapa-ungol niya ako ng husto sa kama. Kailan kaya ulit may mangyayari sa amin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD